Kumalat ang matamis na lasa sa dila ni Leol at ramdam niya ang kakaibang sensasyon na ibinigay ng prutas sa kanya. Nilunok niya ito habang sinasabi sa sarili na handa na siyang mamamatay.
Tiningnan niya ang mga kaibigan sa huling pagkakataon. Nakita niya ang labis na pag-alala sa mga mata nila at ang luhang pumatak rito. Napangiti siya maisip na may nagmamahal parin pala sa kanya na di niya lang nabibigyang pansin dahil nababalot siya ng inggit at selos.
"Leol, tanga ka ba? Bakit mo kinain yun?" Umiiyak na tanong ni Zin. Umiiyak ang magkakaibigan nang makarinig sila ng tunog ng pagkagat at pagnguya. Kaya naman napalingon sila kay Steffy.
Napatulala sila makitang ngumunguya na ito at may katas pa ng prutas ang labi niya.
"Bakit? Balak niyo ring manghingi? Ayoko nga. Kung di lang sa malubha ang sugat niya hindi ko siya bibigyan." Sabi ni Steffy at itinago pa sa likuran ang hawak na prutas.
Napatingin sila kay Leol. Napansin nila na mabilis na naghilom ang mga sugat nito at kitang-kita mismo nila ang muling pagkakaroon ng mga laman ang mga sugat ng lalake. Mas mabilis pa kumpara sa gamot na ibinigay nina Asana sa grupo nina Zin.
Pinatayo ni Zin si Leol at inalis sa kinaroroonan nito. Ramdam ni Leol ang pagkatanggal ng mga tinik na nakabaon sa mga tuhod niya kanina at kitang-kita niya kung paano naghilom ang kanyang mga sugat.
Inalalayan na din nina Sioji ang sampung mga tagapagparusa.
"Pasalamat kayo at di niyo napatay ang mga tagapagbantay dahil kung nangyari yon siguradong sa monsterdom ang bagsak niyo." Sabi ni Arken sa lalaking inaalalayan niya.
Siya ang nagparusa dito at siya na din ang gumamot. Wala naman talaga silang balak patayin ang mga Chamnian na ito, gusto lang nilang turuan ng leksyon.
"Maraming salamat sa kabaitan niyo. Maraming salamat sa inyo dakilang huwaran." Pagpapasalamat ng lalake sa kanya.
Napatitig naman si Arken sa tagapagparusang ito. Sa kabila ng paglatigo niya dito kanina hindi niya ito nakikitaan ng galit ngayon. Wala ring pagkasuklam kundi pagpapasalamat at paghanga ang ibinigay nitong tingin na ipinagtataka niya.
Hindi rin niya nakikitaan ng pagkasuklam ang mga mata ng iba. "Kung ibang Mysterian pa ito, takot at lihim na pagkamuhi ang makikita sa mga mata nila." Sambit niya at naisip na hindi parin pala tuluyang nahawa sa pag-uugali ng mga Mysterian ang mga Chamnian na ito kahit na may mga ipinapakita na silang pag-uugali na katulad sa mga Mysterian.
"Anong nangyayari? Bakit di ako namatay?" Naguguluhang tanong ni Leol. Ito rin ang mga katanungan ng iba kaya napatingin sila kay Steffy na kumagat muli sa inaakala nilang mapanganib na prutas.
Inalis ni Steffy ang illusion na nakabalot sa prutas. Ang kaninang naninilaw na balat nito ngayon ay nagiging kasing pula ng pulang mansanas. Makinis at makintab ang balat nito at may mga katas pang nangmumula sa bahagyang kinagatan dito. Kapansin-pansin din ang Mystic energy na nakapaloob dito.
"Mystic fruit nga pala." Sabay pakita ni Steffy sa hawak na prutas. "Mystic fruit na may healing properties at binalutan ng potion na gawa mula sa halamang incenia." Sabi ni Steffy saka naglakad na paalis.
"Kung ganon hindi lason ang kinain ko?" Gulat na sambit ni Leol na nakahawak sa kanyang leeg.
"Sinusubukan ka lang ni Steffy. Ganon din ang iba." Sabi ni Asana.
"Pero yung mga hampas, di yun pagsubok. Ganti namin yun." Sagot naman ni Hyper.
"Saka yung usok at apoy na nakikita niyo kanina, ilusyon nga lang pala." Sabi naman ni Rujin.
"Kung ganon ilusyon din ba ang pagiging bato ng mga paa ko?" Tanong ni Leol ngunit naninigas parin ang mga paa niya hanggang sa binti.
Pinulot naman ni Steffy ang nalaglag na paruparo na nasa sahig ngayon.
"Sa lahat ng ayaw ko ay ang saktan ang mga nilalang na nakapaligid sa akin. Dahil may kasalanan din naman kami kaya pinalagpas ko ang nangyari. Pero kung nagkataong kalaban ka namin hindi ako mag-aatubiling pagpipirasuhin kayo kahit lalabag pa ako sa batas ng Chamni." Sambit ni Steffy at sinugatan ang isang daliri. Ipinatak ang dugo sa pakpak ng paruparo at muli naman itong bumalik sa dati. Naglaho din ang patak ng dugo niya sa pakpak nito.
"Sorry kung nadamay kita." Sambit ni Steffy at hinayaan na ang paruparo na makalipad muli. Kung nagagamit lang niya ang kapangyarihan niya, hindi na sana niya kailangan pang magpatak ng dugo para maibalik sa dati ang mga sino mang nagiging bato dahil sa kanya.
Pinatakan na rin niya ng dugo ang paa ni Leol. Unti-unting naglaho ang dugo sa balat ng lalake hanggang mawala na ito sa kanilang paningin. Muli namang nakaramdam ang paa ni Leol at di na rin kasing bigat ng dati.
"Maraming salamat sa inyo at paumanhin na rin ulit." Muling pagpapasalamat ni Leol. Nagpasalamat din ang mga tagapagparusa dahil sa kabila ng galit ng mga kabataang ito kanina, pinatawad parin sila at ginamot na rin. At mas lumakas pa sila kaysa sa dati. Ngunit maalala ang sakit na nararamdaman nila kanina na halos gustuhin na nilang mamatay nalang muli silang nanginig sa takot at napangiwi na parang muling nahampas sa likuran.
May mga matulunging puso man ang mga kabataang ito pero parang mga dem*nyo kung magalit. Kaya naman ipinangangako nilang lahat na naririto at nakasaksi sa ginawa nina Steffy na hindi nila gagalitin ang mga kabataang ito sa takot na maranasan din ang anumang nararanasang sakit at paghihirap nina Leol kanina.
"Tara na." Sabi ni Steffy sa mga kaibigan.
Saka naalala ni Zin na ngayon nga pala ang alis nina Steffy. Papasikat na ang araw at siguradong may mga nakabantay sa gate. Hindi niya alam kung anong paraan nina Steffy para makalabas ng gate.
"Gusto sana naming sumama." Nakayukong sabi ni Zin. Sa totoo lang, balak sana nilang sumama kina Steffy kaso nahuli sila sa mga kawal na inutusan ni Leol kaya hindi sila nakabalik sa kinaroroonan nina Steffy.
Balak din silang isama nina Steffy sa pag-alalang maparusahan sila kapag naiiwan sila sa CMA kaso naparusahan na pala bago pa man sila makaalis. Kailangan din nila sina Zin dahil hindi pa nila gaanong kabisado ang lugar na ito.
"Aalis kayo? Ipinagbabawal ng Headmaster ang sinumang estudyante na umalis sa CMA." Mabilis na sabi ni Leol.
"Mapaparusahan kayo kapag tumakas kayo." Dagdag niya pa. Ayaw niyang mapahamak ang mga kaibigan niya lalo na sa mga kabataang ito kahit na alam niyang malalakas sila.
"Wag kang mag-alala, hindi namin hahayaang may masamang mangyayari sa kanila." Sabi ni Steffy sabay tingin sa mga tagapagbantay nila.
Napakamot naman sa ulo si Zin. Nahihiya nang marinig ang sinabi ni Steffy. Sila na naturingan na tagapagbantay siya pang balak protektahan kaya naman napaiwas siya ng tingin.
Bago pa man makapagsalitang muli si Leol para kumbensihin ang mga kaibigan at sina Steffy, naglaho na ang mga ito sa kanilang paningin.
***
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...