Napahawak si Headmaster Nehan sa kanyang ulo matapos malamang umalis na naman ang pasaway na mga huwaran. Ito na yata ang pinakaunang grupo ng mga huwaran sa paaralan nila na hindi sumusunod sa kanilang batas.
"Natakasan kayo ng mga bata lang?" Di makapaniwalang sambit ni Imortal Saimar.
"Naisahan ka nga nila, sila pa ba?" Sagot ni Jiro na ikinasama na naman ng loob ni Saimar.
"Jiro, di ba dapat turuan mo ng leksyon ang mga batang yun para matuto hindi yung mukhang proud ka pa diyan."
"Bakit ko sila paparusahan? Wala naman silang nagawang kasalanan para sa akin? Saka anong ipaparusa ko? Ipapakain sila sa dragon? Baka ang dragon pa ang tatakbo palayo sa takot e."
"Parusahan lang, ipapakain na agad sa dragon? Di ba pwedeng ibang parusa lang?" Sagot ni Saimar.
"Pagod na akong mag-isip ng parusa kaya bahala ka na. Kung gusto mo, paalisin mo nalang sila sa paaralang ito para wala ka ng problema."
Natahimik naman si Saimar. Tamad mag-aral ang batang iyon. Himala nga at pumayag itong magiging estudyante ng Chamnian Mystic(Military) Academy. Bihira lang din magkaroon ng mga estudyanteng may kakaibang mga kakayahan katulad nina Steffy kaya kahit galit siya sa palage nilang paglabag sa batas ng CMA, nanghihinayang naman siyang pakawalan sila.
Magiging karangalan kasi ng kanilang paaralan ang anumang mga kahanga-hangang magagawa ng mga Bratty gang sa hinaharap. At alam niyang kahit may katigasan ang mga ulo ng mga ito, hindi naman sila masasama.
Huminga na lamang ng malalim si Saimar. "Mukhang magkakaroon na ng malaking pagbabago ang buong Chamni."
Napaangat ng tingin si Headmaster Nehan sa narinig. Magmula ngang dumating ang grupo nina Steffy, unti-unting nalulutas ang mga problema nila sa Chamni.
Wala ng nanggugulong mga halimaw at mga Deiyo beast sa Alastanya. Bigla ring nagiging tahimik ang kinatatakutan nilang assassin guild na pinamumunuan ni Rushka. Na para bang bigla na lang silang nawala?
Napatigil na rin sa panggugulo ang mga Mystikan sa CMA. At di na sila gaanong nagmamayabang. Nagagawa na rin nilang mga Chamnian na itaas ang noo kapag nakakasalubong nila ang mga Mystikan at kung magyayabang sila, sasabihin ng mga estudyante ng CMA na "Mga malalakas nga kayong mga Mystikan pero natalo lang kayo ng mga estudyante mula sa level 6 class ng CMA." Na ikakadilim ng mga mukha ng mga Mystikan.
Para na ring sinampal ang mga Mystikan kapag naririnig nilang natalo lamang sila sa mga mahihina at level 6 class na mga estudyante. Kaya naman, kahit si Headmaster Nehan, nanghihinayang din sakali mang papaalisin ni Imortal Saimar sina Steffy sa CMA. Lalo pa't marami na ring naitutulong ang grupo nina Steffy sa kanilang paaralan.
***
Naging usap-usapan naman ang pagkawala nina Steffy sa ikalawang pagkakataon."Nawala na naman daw ang mga bagong huwaran." Sabi ni Brindon.
"Hindi sila naaapektuhan sa mga harang sa paligid ng Chamni, at ligtas silang nakalabas mula sa frozen land at bloody river kaya di na nakakapagtataka kung anumang oras maglalaho sila at bigla-bigla na lamang susulpot." Sagot ni Travis.
"Mula kaya sila sa hindi pangkaraniwang angkan?"
"Maliban sa limang Invincible clan, wala naman na sigurong mas malakas na angkan." Sagot naman ni Brix.
"Meron pa. Ang mga pinili." Sagot ni Travis. Saka nila naalala na may mga pinili nga pala sa Mysteria. At kabilang na rito ang iilang mga kabataang Chamnian.
***
Sa gawi nina Izumi at Aya naman...Maraming mga high level magic beast ang nakalaban nina Erwan at ng kanyang grupo hanggang sa matagpuan na rin ang lunas na hinahanap nila. Isa itong kulay puting bulaklak na may napakalakas na light energy. Nagbibigay rin ito ng liwanag sa madilim na gabi.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...