Natuklasan ni Steffy na iba ang oras sa loob dahil para sa kanilang nandito sa dimension ay tatlong taon na silang nakakulong sa loob gayong magtatatlong buwan pa lamang sila.
Ang hindi lang niya maiintindihan kung ang araw ba at buwan na nasa dimension na ito ay katulad din ba sa araw at buwan ng Mysteria o ng Mystika ba? O ba kaya'y nasa ibang universe ang lugar na ito at siya lamang ang nagiging parang portal para makapasok sila sa lugar na ito?
"Hindi naman kami mga healer kaya bakit di mo nalang palitan ang pangalan ng lugar na ito?" Suhestiyon ni Histon maalala ang ipinangalan ni Steffy sa lugar na ito. Tinawag kasi nitong Healer's Paradise para lamang may maitatawag sa lugar na ito.
"Parang hindi naman kasi bagay ang Healer's Paradise e." Dagdag pa nito.
"Haira's paradise." Sagot ni Orion na ikinatingin nila sa kanya.
"Haira's paradise?" Nagtatakang tanong ni Histon ngunit nagulat naman si Steffy sa narinig.
"Haira." Sambit ni Steffy at napatingin kay Orion.
Makitang nakatingin ang lahat sa kanya, agad namang nagpaliwanag ang lalake.
"Haira's Paradise. Isang naglahong paraiso ng sinaunang Mysterian. At di ko inaasahan na ikaw ang paraan para matagpuan ang paraisong ito."
"Tinawag itong Haira's paradise dahil pinaghihinalaang ito ang lugar kung saan ikinulong ang apo ni Jiro Heal. At kung bakit dumadalaw sa mundong ito si Jiro iyon ay may nakatago siyang yaman sa mundong ito na sa hinala namin ay ang apo niya o ang paraiso kung saan nakatago ang kanyang apo." Sagot ni Orion.
Bahagyang napakislot si Steffy sa narinig. Kung nakatago ang apo ni Jiro, natitiyak niyang nasa katawan na niya ito nakatago. Sapagkat siya at si Haira ay iisa. Ang nag-uumapaw na galit na minsang nararamdaman ng puso niya ay natitiyak niyang kay Haira. Kakawala minsan ang emosyon ni Haira sa tuwing hindi nakokontrol ni Steffy ang kanyang kapangyarihan. Kaya natitiyak niyang nasa kalooban niya ang emosyon ng Haira na tinutukoy ni Orion.
"Kilala mo si Jiro? Paano mo nalaman ang mga bagay na iyan?" Tanong ni Histon ngunit hindi na sinagot ni Orion ang tanong niya.
"Ang masasabi ko lang, Haira ang lugar na ito. At kilala din sa tawag na paraiso ni Haira." Sagot ni Orion at bahagyang sinulyapan si Steffy ngunit sandali lang.
"Ibig ba nitong sabihin, nasa Mysteria ang apo ni Panginoong Jiro?" Gulat na tanong ni Spyd.
"Kung gano'n may pag-asa tayong makatagpo siya at makilala?" Excited namang sagot ni Izu.
Napaiwas ng tingin si Steffy makita ang excitement sa mga mata ni Izu.
"Sinasabi nilang walang makakahigit sa kagwapuhan ni Jiro dito sa buong Mysteria, ibig sabihin lang non walang makakahigit sa ganda ng apo niya." Sambit ni Sparr.
"Nandito kaya siya sa Chamni?" Tanong naman ni Dero na nagpapantasya na. "Wala pa kaya siyang asawa?"
"Ibig sabihin, may makakahigit pa sa ganda nina Steffy?" Sagot naman ni Rave. Napatingin naman sila kay Steffy at naalala ang mga kabataang kasama nito. Kung may hihigit pa sa ganda nila hindi nila lubos maisip kung gaano na ito kaganda.
Simple lang kung magsuot ng mga kasuotan sina Steffy at kung makabestida ang mga ito lalo na kung nakasuot ng mas magandang damit, siguradong mas mai-enhance pa ang ganda nila. Kaya lang kung may hihigit pa sa kanila tiyak na hindi na nila maisip pa kung anong hitsura pa ba ang hihigit sa grupo ni Steffy.
Kung ibabalik nina Steffy ang full version ng ganda nila masasabing hindi na sila nabibilang pa sa mundong ito kaya naman mas pinili ng magkakaibigan ang pinaka ordinary look nila para di gaanong makaagaw ng atensyon.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...