Journey to Arciana 19: Cursed Kingdom

1.9K 153 5
                                    

Nagsimula ng maglakbay ang grupo ng mga kabataan papunta sa Arcianian Central Arena kung saan gaganapin ang Arcianian battle competition. Matatagpuan ang Arcianian Arena sa Central kingdom. Ang kahariang wala ng hari o reyna.

Makikita ang parada ng mga Royal knight at mga estudyante na kalahok sa nasabing kompetisyon.

"Bakit di ko nakikita sina Steffy?" Tanong ni Sunami.

Sa pagkakaalam nila, kasama sina Steffy sa biyahe nilang ito ngunit bakit hindi niya nakikita ang grupo nila?

"Susunod daw sila. Baka natagalan lang." Sagot ni Hairu na isa sa mga escort.

Kasama siya ngayon sa loob ng karwahe kung saan nakasakay ang representatives ng Sai School. Ang kapatid niyang si Kairu naman nasa karwahe ng mga Saynah Academy representatives.

Tatlong paaralang mula sa Saidore ang kasali sa kompetisyon na ito. Kaya tatlong grupo ng mga estudyante ang nakaparada ngayon kasama ang mga Emperial knight ng Saidore.

"Bakit di nalang tayo magpapakita? Para tayong mga stalker na nakasunod sa kanila o." Sabi ni Hyper. Nakalutang sila ngayon sa hangin at hindi nakikita sa mga mata ng ibang Mysterian.

"Kailangan nating malaman kung sino-sino iyang mga umaatake sa mga representatives ng Saidore. Walang nangyari sa mga representatives ng Saidore ngayong nagdaang mga araw kabaliktaran sa naunang mga taon kaya posibleng ngayon sila kikilos habang nasa biyahe pa." Sagot ni Arken.

Ilang araw ding naglakbay ang mga representatives hanggang sa makarating na sila sa hangganan ng pinaghihinalaang kaharian umano ng mga Akrinian.

Nagsitigil silang lahat sa paglalakbay na ipinagtataka ng mga kabataang kalahok sa nasabing kompetisyon. Hindi lang din sila ang nasa hangganang ito dahil nandito rin ang mga representatives na nagmumula sa iba't-ibang mga paaralan at kaharian.

"Bakit hindi nagpatuloy ang grupo niyo?" Tanong ni Hairu kay Ashler na siyang escort ng Alestherian representatives.

"May mga grupo ng pumunta ngunit hindi na sila nakalabas ni makabalik. At di rin naman sila nakarating sa Central Arena. Nawala rin ang kumunikasyon namin sa kanila." Sagot ni Ashler.

"May mga mayayabang na grupo ang pumasok kahapon dahil hindi naniniwala sa amin at ayon sa Council ng competition na ito, hindi pa daw sila nakarating sa battle arena at hindi na rin sila matawagan ni di sila nakikita sa miliston." Dagdag pa ni Ashler.

"Hindi pa naayos ang dating lagusan at walang ibang paraan kundi ang dumaan sa Curse Kingdom na ito." Sabay tingin sa isang malaking gate na gawa sa bato.

Tinawag nilang curse Kingdom ang dating kaharian ng mga Akrinian dahil sa biglaang paglaho ng mga mamamayan sa lugar na ito. At nagiging estatwang bato ang buong paligid kahit na ang mga mamamayan dito.

Ligtas ang nasabing lugar kapag hindi naabutan ng gabi ang mga manlalakbay na napapadaan dito ngunit kapag naabutan sila ng dilim, tiyak na hindi na sila makakalabas pa at posibleng magiging estatwang bato na rin sila. Kaya lang, tatlong araw lalakbayin ang lugar na ito gamit ang mga sasakyang panlupa. Kaya imposibleng hindi maaabutan ng gabi ang sinumang dadaan sa gawing ito.

Sasakyang panlupa lamang ang maaaring gamitin dahil walang makakadaan sa himpapawid ng lugar na ito lalo na sa Central area na mismo. Kaya ang lahat ng mga manlalakbay, hindi gumagamit ng mga sasakyang panghimpapawid. Hindi rin nagagamit ang teleportation portal o translocation ability papunta sa Arciana's Central Arena.

Iisang lagusan lamang ang maaari nilang daanan, iyon ay ang dumaan sa lugar na ito.

"Isa sa mga manlalakbay ang nakapagsabi na maraming mga estatwang bato ang nakakalat sa paligid. At posibleng nagkakaroon ng buhay ang mga estatwang batong ito kapag sumasapit ang dilim at siyang umatake sa mga Mysterian na napapadpad sa lugar na ito." Paliwanag ni Ashler.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon