Naglakad palapit si Steffy kay Kenichi at pinasuot dito ang slave ring na binigay sa kanya noon ni Kurt. Ipinasuot na rin dito ang nahubad na pantalon.
"Aya naman, kapag hinubad mo ang pantalon niya isinali mo na sana ang short at boxer. Para kumpleto ang view." Sabi niya pa. Napitik naman siya sa noo ng pinsan at inalis ni Sioji ang kamay niya sa pantalon ng lalaki.
"Kababae mong nilalang di ka man lang naiilang sa pinagsasabi mo." Sabi ni Sioji at inayos ang pagkakasuot ni Kenichi ng pantalon nito. Siya na din ang nagpasuot muli sa natanggal nitong sinturon.
Naramdaman ni Kenichi na may isinuot sa daliri niya at nakita ang malabong mukha ni Steffy. Naramdaman din niya na may nagpasuot sa pantalon niya. Ngunit hindi niya naiintindihan ang usapan ng mga nilalang sa paligid.
"A-no to?" Nahihirapan niyang tanong ngunit wala siyang narinig na sagot. At kung may sumagot man hindi rin niya maririnig sapagkat barado sa dugo ang kanyang tainga.
Nakatulala naman ang mga Chamnian sa nasaksihan. Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari ng gumanti na ang bratty gang, ni di na nila nasundan ng tingin kung paanong nakahiga na ngayon ang ilang mga Mystikan maging ang Mystic level na Elder na kasama ng mga ito..
"Ganito na sila kalakas kahit na wala silang mga kapangyarihan. Ano pa kaya kung meron na?" Sambit ni Yushin.
"Nakita niyo ba ang ginawa nilang lima? Hindi ko nasundan ng tingin e." Tanong ng katabi niya na ang tinutukoy ay ang laban nina Aya, Arken, Shaira, Izumi at Geonei.
"Akala ko ba ang lalakas nila. Ganito pala kahina ang kinatatakutan nilang Mystikan?" Iiling-iling na sambit ni Izumi.
"Oo nga. Ang lalambot ng mga buto. Ang bilis ba namang madurog?" Sagot din ni Aya na siyang dahilan kung bakit bali-bali na ang buto ni Kenichi at sa isa pang Mystikan.
Si Headmaster Nehan na kararating lang, muntik ng matapilok sa narinig. "Mahihina? Malambot ang mga buto? Mga bakal ba ang mga kamay nila at nalalambutan sila sa mga buti ng mga Mystikan na katumbas na ng Immortal ang mga katawan?"
Ang mga Mystikan naman na nakarinig sa sinabi nila ay gustong umangal sa narinig.
"Malabakal lang talaga ang mga kamao niyo. Hindi dahil sa malalambot ang mga buto namin." Gusto man nila iyong isigaw ngunit nahihirapan na nga silang magsalita, sumigaw pa ba?
"Ano kaya kung ipakain natin sila sa mga dragon? Maraming mga dragon sa kontinente na ito di ba?" Sabi ni Shaira habang tinitingnan ang nakalaban niya kanina.
"Patawarin niyo na kami. Pakiusap. Wag niyo kaming patayin." Pakiusap ng lalaking nakalaban niya na halatang pilit binubuo ang mga salitang iyon kahit nahihirapan ng magsalita. Nawala na ang pagiging arogante ng mukha nito at napuno ng pagsusumamo ang mga mata.
"Marunong din naman pala kayong makiusap e pero ang yayabang niyo kanina." Sagot ni Hyper at umupo sa likuran ng lalaking nakalaban ni Izumi na ikinahiyaw nito sa sakit.
Para silang mga nilalang na may buhay ngunit wala ng mga buto. At kung maabutan pa ng ilang oras bago sila magagamot tiyak na ikakamatay nila.
"Kung may masamang mangyayari sa kanila manganganib ang buhay ng mga estudyanteng nasa Immortal college." Sabi ni Master Biel para tigilan na nina Steffy ang mga Mystikan.
"Hindi po sila mamamatay Master. Nabalian lang sila ng mga buto." Sagot ni Steffy.
"Saka iuuwi ng mga Mystikan na ligtas ang mga estudyante dahil kung hindi, ipapadala namin sa kanila ang ulo ng mga Mystikan na ito." Sagot naman ni Sioji.
Kumuha si Asana ng gamot mula sa space pouch niya at ipinainom kay Kenichi. Kasunod nito ang malakas na sigaw ng binata sa tindi ng sakit na nararamdaman habang bumabalik sa dati ang kanyang mga nabaling buto.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...