Nasa loob na ngayon ng palasyo ng Saidore sina Steffy. Naabutan nila ang bagong dating na grupo na galing sa kaharian ng Alesther. Dito nagkitang muli ang Bratty gang at prince Ashler. Kaya kasama sila ngayon sa pagpupulong na ginanap sa Throne room ng hari.
Nandito ang mga kasapi ng konseho ng hari at may iilan sa kanila na nagtataka kung bakit isinama ng hari nila sa pagpupulong ang grupo ng mga kabataang hindi nila kilala.
Ngunit may iba naman na iniisip kung paano hilahin sa panig nila ang mga kabataang ito. Dahil iniisip nila na hindi makakapasok sa Throne room ang Bratty gang kung ordinaryo lamang ang background na meron sila. Posibleng may mataas na posisyon ang mga kabataang ito kaya sila nandito. At posible ring isa sila sa mga misyonaryo na ipinadala sa Saidore para tulungan ang kaharian sa kanilang problema.
Nanghingi ng tulong ang Alesther sa Saidore ngunit hindi rin alam ng Saidore kung paano makakatulong sa kanila.
"Ang dating kaharian ng mga Akrinian ay nagiging kaharian na ng mga estatwang bato. Wala kang makikita na ni isang nilalang na may buhay ngunit nakakapagtataka kung nasaan na nga ba ang iba pang mga mamamayan sa Akrinian." Paliwanag ni Ashler.
Kaya nahihirapan ang mga Arcianian sa paghahanap sa mga Akrinian dahil hindi nila matukoy ang tamang lokasyon ng kanilang kaharian. Ang dati kasi nilang kaharian ngayon ay inabandona na.
Pinaghihinalaan ng lahat na lumipat sila sa Haru Island, kaya lang may haka-haka rin na may napakalakas na harang lang na nagtatago sa kanila mula sa ibang Mysterian kaya hindi sila natutunton ng kahit sino.
Napatingin si haring Mubiyo kay Hairu pagkatapos sa grupo nina Steffy.
Gusto niyang manghingi ng tulong kina Steffy kaso hindi makaya ng pride niya na hingan ng tulong ang bisita nila lalo na at hindi simpleng bagay ang paghahanap sa mga nawawalang mga Arcianian.
Saka maisip kung paano siya lulusubin ni haring Yuji kapag may nangyaring masama sa mga kabataang ito parang gusto na lang niyang siya na lang ang maghahanap sa mga nawalang mga Arcianian. Kaya lang hindi siya maaaring umalis sa palasyo hangga't hindi pa nagigising ang kanyang asawa.
"Kamahalan, nandito na po ang manggagamot na posibleng makakagamot sa mahal na Hara." Pagbabalita ng isang Aliping lalake.
Halos mapatalon naman sa tuwa ang hari marinig na natagpuan na ang pinakamagaling na manggagamot sa Mysteria.
"Papasukin siya." Utos niya.
Isang lalaking naka-white coat ang pumasok. Lalaking pamilyar kina Steffy ang hitsura.
At katulad nila, gulat din ito nang makita sila sa lugar na ito. Nilagpasan lamang sila nito at nagbigay pugay na sa hari.
"Nakapagtataka. Paanong nakarating dito ang isang Dethrin? At isa pang Hanaru?" Sambit ni Sioji na rinig naman ng mga kasama ang anumang nasa isip niya.
"Hindi ba't ang manggagamot iyan sa Wynx Military Academy?" Tanong naman ni Aya.
Hinding-hindi nila makakalimutan ang mukhang ito, dahil ang mukhang ito ang dahilan kung bakit naisipan nilang magkunwaring maysakit masulyapan lamang ang Doktor na ito.
Mabilis na dinala ng hari si Doktor Lhoyd sa silid ng reyna. Ni hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang mga bisita sa sobrang pagmamadali.
Pagdating nila sa loob ng silid, makikita ang isang magandang babae na nakahiga sa kama.
"Kung maaari, walang kahit sinong maiiwan sa silid na ito kapag nagsisimula na akong gamutin siya." Sabi ni Doktor Lhoyd.
Kilala si Doktor Lhoyd na pinakamagaling na manggagamot sa buong Mysteria. Hindi man niya kayang buhayin muli ang patay ngunit may kakayahan naman siyang gisingin ang mga na-comatose.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...