Journey to Arciana 11: Saynah Students revenge

841 74 0
                                    

Sa palasyo ng Saidore kingdom.

"Kamahalan. Naghain po ng reklamo ang Donfen clan laban sa Sai clan." Pagbabalita ng alalay ng hari sa hari ng Saidore.

Napahilot naman ng ulo ang Hari dahil sa narinig.

Malapit sa Saynah clan ang Donfen at alam ng hari ang alitan ng Sai Clan at ng Donfen. Kung inatake nga ng palihim ng Sai clan ang Donfen hindi naman pwedeng hindi na makialam ang hari.

"Kaya lang alam nating lahat na may Syanra master ang Donfen kaya paanong inatake sila na walang kalaban-laban?" Nagtatakang tanong nito.

Pinaimbestigahan nila kung totoo bang may lumusob sa Donfen ngunit natuklasan nilang ang Sai school ang nilusob ng Donfen clan at umalis ang mga ito na nakabahag ang buntot. Kaya lang, pagkalipas ng limang araw, inatake ang Donfen clan ng misteryosong nilalang na kayang kontrolin ang mga bagay sa paligid.

Gustong malaman ng hari kung nasa Sai School ba ang misteryosong nilalang na ito at gusto niyang tiyakin kung kakampi ba ito o kalaban.

Naghain din ng reklamo ang Dean ng Saynah Academy sa Arkian Court dahil sa sinapit ng kanyang mga estudyante. Ang Arkian Court ay opisina ng pulisya sa Saidore kung saan naghahain ng reklamo ang sinumang mga biktima ng karahasan at pamg-aapi mula sa ibang Mysterian. Maging ang grupo ni Jigo na isa sa mga nasaktan nina Steffy at sinabing mga kabataan silang nagkatawang teenager para manlinlang at mang-api ng kapwa.

Para sa kanila, mga halimaw sina Steffy at hindi dapat manatili sa Mysteria. Sinamahan pa nila ng mga exaggerated na kwento para makumbensi ang mga Arkian na dakpin ang mga kabataang kasama ng mga Sai students sa Deiyo mountain.

"Kung totoong mga Mysterian sila na may malalakas na kapangyarihan hindi natin sila maaaring mahuli ng basta-basta. Pero kung mga halimaw nga sila, kailangang maibalita natin sa mahal na hari ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit hindi naman maaaring basta lamang tayo magbibintang na walang ebidensya." Sabi ng pinuno ng mga Arkian habang nag-iisip ng paraan kung paano mapatunayan na totoo ang anumang sinasabi nina Jigo at sa grupo ng mga estudyante ng Saynah Academy.

Mga Arkian sila na nagliligtas sa mga mahihinang Mysterian na inaabuso ng mga mas malalakas sa kanila. Ngunit hindi sila basta-basta nanghuhuli kung wala silang sapat na ebidensya kaya naman nagpadala siya ng mga tauhan upang magmanman sa sinasabing halimaw ni Jigo.

Kung ang Donfen clan ay nasa miserableng buhay at umaasa na lamang ngayon sa tulong ng mga Saynah, ang dahilan naman ng paghihirap nila namamasyal ngayon sa Capital City ng Saidore habang ini-enjoy ang mga street foods at namili ng mga makikitang kakaibang mga bagay.

"Tingnan niyo. May nag-story telling sa gawing yon." Pagbabalita ni Izumi.

Mabilis nilang tinungo ang lugar kung saan may maraming nagtitipong mga Mysterian.

"Alam niyo ba na pagkatapos buksan ng mga Hanaru ang kahon naging kulay asul, pula, at puti na ang kulay ng mukha niya habang nakatingin sa laman ng kahon?" Pagkukwento ng storyteller.

"Bakit? Ano yung laman ng kahon?" Tanong naman ng isang maharlika na nasasabik ng malaman kung ano nga ba ang laman ng kahon. Kung ang susi ba o ang Empire seal.

Alam ng lahat na pinag-aagawan ang Empire seal na halos isakripisyo ng ibang clan ang mga kabataan nila na maglakbay sa labas ng Arciana at ang iba nga'y pumayag na iwan ang pagiging Syanra level para lamang makalabas ng Arciana. Ang mga Syanra level na lalabas sa Arciana awtomatikong nagiging Invincible level, kaya naman, bihira lamang sa mga Syanra level ang lalabas ng Arciana maliban lang kung kinakailangan.

"Kung maka-kwento ang storyteller na iyan parang nasa akto siya habang nangyayari ang mga bagay na iyon." Sabi ni Asana.

"May mga Mysterian na may kakayahang panoorin ang pangyayari sa paligid. Ngunit limitado lamang sa iilang pangyayari dahil katumbas nito ang enerhiyang taglay nila." Sagot ni Sioji.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon