"Mga batang to, hanggang dito ba naman palage paring nakikipagkompetensyahan?" Sambit ni Hisren at iiling-iling.
Agad niyang pinamunuan ang mga sundalo na kanina pa naghihintay ng utos.
"Bakit di ko yon naisip? Paramihan din tayo ng matatalo." Excited na sabi ni Hyper sa mga kaibigan pero napanguso makita si Steffy.
"Wag kang sumali." Sabi niya kay Steffy na ikinaawang na lamang ng bibig ng excited na din sanang babae.
"Oo nga. Wag ka nalang sumali. Kami na ang bahala sa mga Akrinian na ito." Sagot din ni Asana na Sinang-ayunan naman ng iba.
Isa-isang naglaho sa paligid ni Steffy ang mga kaibigan. Siya naman napakamot ang ulo makitang iniwan siyang nag-iisa na walang ginagawa.
"Sa bagay, kapag ako ang nasaktan sila naman ang makakaramdam." Sambit niya at sumang-ayon na rin sa pasya ng mga kaibigan.
Humikab siya at naghanap ng mauupuan.
Lumapit naman sina Kurt at Karl sa kanya.
"Sister-in-law." Tawag ni Karl na ikinakunot ng kanyang noo.
Hindi niya pinansin ang papalapit na dalawang lalake at naghanap na lamang ng makakain sa kanyang storage ring. Nang makakita ng prutas saka siya nagsimulang kumain.
"Sister-in-law hindi ka ba nagulat na nandito kami?" Tanong ni Karl nang makalapit sa gawi niya.
"Bakit ayaw mo akong sagutin?"
"Bakit naman kita sasagutin? Di ka naman nanliligaw." Sandaling natahimik si Karl dahil hindi naintindihan ang ibig sabihin ni Steffy ngunit nang maintindihan na ito bigla siyang napaatras at takot na napasulyap sa nakatatandang kapatid.
"Hindi no. Hindi ako manliligaw." Nauutal nitong sambit sabay sulyap sa nakatatandang kapatid.
"Hahaha. Biro ko lang. Akala ko kasi di mo maiintindihan." Natatawang sagot ni Steffy.
Ginaya kasi niya ang pambabara lage ni Asana kay Sioji. Kapag tinatanong ni Sioji si Asana kung bakit hindi nito sinasagot ang tanong o tawag niya binabara ito ng dalaga ng katulad sa sagot ni Steffy kay Karl kanina.
"Kung ikaw nalang ang liligawan ko wag nalang." Ganyan ang isasagot ni Sioji kay Asana na umuusok ang ilong.
"Bakit di ka sumali sa laban? Paano ka lalakas niyan kung palage ka nalang umaasa sa proteksyon ng mga kaibigan mo?" Tanong naman ni Kurt sa kanya.
"Ayaw mo non? Spoiled ang prinsesa mo sa mga kaibigan niya. Maraming gustong magprotekta sa akin. Ang cute ko kasi." Sabay lagay sa isang palad sa kanyang pisngi.
"Di ba Karl?" Tanong pa ni Steffy kay Karl.
Marinig na binanggit ang pangalan niya medyo nabaguhan si Karl ngunit pakiramdam niya sobrang close niya kay Steffy dahil tinawag siya nito sa kanyang pangalan. Hindi niya pansin na namula na pala ang tainga niya saka bumilis ang tibok ng kanyang puso makita ang ngiti ni Steffy. Pero maalala ang tanong ng babae bigla siyang napasulyap kay Kurt.
"Mas mabuti ng manahimik." Sambit niya at pilit na ngumiti.
"Sister-in-law mas mabuti pa sigurong tutulungan ko na ang mga kaibigan mo." Sabi niya at mabilis na sumali sa labanan.
"Sister in law? May kapatid ka pa bang iba bukod sa kanya?" Tanong ni Steffy kay Kurt.
"Wala." Mahinang sagot ni Kurt.
"Kala ko pa naman may bf na ako na di ko matandaan o isa sa mga nabura ko sa aking alaala." Sambit ni Steffy na ikinasamang lalo ng mukha ni Kurt.
Walang emosyon itong umupo sa isang batong nakausli sa lupa.
"Kung nandito ka lang para manood umalis ka nga lang." Sabi ni Steffy at naghanap ng mas mataas na lugar para makita ng mabuti ang paligid.
Makitang may papalapit na Akrinian sa gawi nila agad inangat ni Kurt ang kamay at tumilapon palayo ang kalaban. Sabay tingin kay Steffy na tila sinasabi na kita mo na, pinoprotektahan kita. Kaya lang, wala na si Steffy sa kinatatayuan at nakitang nasa tuktok na ito ng isang tore.
Isa sa mga sundalo ni Hisren ang nahihirapan ng huminga at may vines na nakaikot sa leeg nito. Itatarak na sana ng kalaban niya ang espada nito sa kanyang dibdib nang bigla na lamang naging bato ang katawan ng kalaban at nabasag.
Lumuwag ang vine na nakapaikot sa leeg ng sundalo hanggang sa tuluyan ng maglaho. Hinihingal siyang napaupo sa lupa. Sa totoo lang, mga Invincible level lamang sila at kamakailan lang din sila umabot sa level na ito kaya mas mahina sila ng ilang daang ulit kumpara sa mga Syanra level na mga Akrinian.
Ngunit makita ang Bratty gang na mas bata pa sa kanila na nasa Invincible level lang din na nakikipaglaban sa mga Mystic level, medyo nahihiya naman sila na hindi lumaban at nagsilbing inspirasyon nila ang katapangang ipinapakita ng mga kabataang ito, kaya kahit alam nilang mas mahina sila pinili nilang lumaban kaysa manood lamang.
Inaakala din naman kasi nila na nasa panganib ang buhay ng may-ari ng space dimension iyon pala pinalabas lamang sila para makakuha ng real life experience. Kapansin-pansin din na may nangyayari sa mga kalaban kapag naagrabiyado na sila. Batid din naman nila na isa ang labanang ito sa mga pagsubok na binigay sa kanila nina Steffy.
Mas lalong sumama ang mukha ng reyna makitang pakunti na ng pakunti ang mga nasasakupan niya. Wala man lang siyang magawa dahil abala din siya sa pakikipaglaban kay Sioji. Ang hindi niya maintindihan dahil ilang ulit ng halos mamatay si Sioji sa kanyang atake pero biglang babangon si Sioji na tila ba walang nangyari at agad ding naghihilom ang sugat nito.
Kakaiba rin ang aura ni Sioji kumpara sa ibang mga Invincible level na mga Mysterian. Hindi lang siya kundi pati ang mga kabataang kasama nito.
Ang mga nasusugatan sa grupo ni Steffy ay naghihilom agad ang mga sugat. Kahit ang mga sundalong nasa pamumuno ni Hisren na naghihingalo na sana, babangon ulit at parang isang nilalang na nagising lamang mula sa pagkakatulog.
"Hindi sila pangkaraniwan na mga nilalang." Sambit ng Reyna na ngayon pinipigilan ang blue flame na nakapalibot sa gawi niya.
"Sa palagay ko wala naman kaming nagawang masama sa inyo. Bakit hindi niyo na lamang kami pakawalan at hindi na rin namin iisipin pa ang mga bagay na ginawa niyo sa amin." Sabi ng reyna kay Sioji.
Ngumiti naman si Sioji at mas nilakasan pa ang blue flame na ibinalot niya sa paligid ng reyna.
"Sa palagay niyo ba kung kami ang naaagrabiyado ngayon papalayain niyo kami kapag nanghingi kami ng tawad sa inyo at nakiusap?"
Hindi umimik ang reyna dahil wala talaga silang balak palayain ang sinumang mapapadpad sa kaharian nila may ginawa man itong mali o wala. Lahat ng mapapadaan o maliligaw sa lugar na ito bihag na nila.
"Ninakaw niyo ang mga kagamitan at yaman namin kaya namin nagawa ang mga bagay na ito." Sagot ng reyna na ngayon ay nahihirapan ng huminga.
"Dahil alam namin na ang yamang meron kayo ay ninakaw lang din mula sa iba." Sagot ni Sioji.
Kilala sa kasamaan ang mga Akrinian at isa sa mga kasalanang ginagawa nila ay ang pagnanakaw ng yaman mula sa ibang kaharian o sa mga mayayamang angkan na mas mahina sa kanila. Sa Akrinian ang pinakamahina ang siyang magiging alipin at maging pinaka mahirap. At ang pinaka malakas ang magiging pinakamayaman at magiging pinuno ng kagarian.
Hindi lang sa Arciana sila nang-aapi at nagnanakaw ng mga yaman at kapangyarihan, kundi pati sa labas ng Arciana. May iilang mga kaharian din silang ginawang mga puppet at may mga kaharian ding winasak nila dahil hindi pumapayag na magpasakop sa kanila. Isa sa mga lugar na sinakop nila ay ang Hanje City kaya lang may grupo ng mga malalakas na Mysterian ang tumalo sa hukbong naatasang magbantay sa Hanje.
Ang puppet Emperor nilang nasa Hanaru bigla na lamang ding nagbago ang isip at nagtraydor na sa kanila. Marami sa hukbo nilang nagabalik at halos lahat nagngingitngit sa grupo ng mga kabataang dahilan ng kanilang pagkatalo.
Maalala ang mga kabataang ito napatingin ang reyna sa mga kabataang nakikipaglaban ngayon sa mga tauhan niya. At napatingin din kay Sioji.
Nagngingitngit na ang reyna sa galit dahil sa tuwing makakalapit na sana siya kay Sioji bigla nalang itong naglalaho. Minsan naman siya ang nati-teleport sa ibang lugar. Ang mas malala parang pinaglalaruan lamang siya ng batang ito.
***
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...