Maayos na ulit ang mga buhok nina Sparr, Spyd, Izu, Lucid, Rave at Dero. Ipinakilala din sila ni Steffy kina Zin, at sa siyam pang tagapagbantay.
"Nga pala, ito si Kuya Zin. Ang personal bodyguards ko. Kuya Zin, ito naman si Spyd, pinsan ko. Rave at Dero na tagapagbantay ko rin ngunit iba ang trabaho nila kaysa sayo." Paliwanag ni Steffy.
Nang ipakilala si Spyd bilang pinsan, itinaas agad niya ang noo at halatang proud sa sinabi ni Steffy. Bagsak balikat naman si Lucid dahil di man lang nabanggit ang pangalan niya.
"E ako? Ano ako?" Tanong ni Lucid.
"Ikaw ang tagagawa sa pinakamapanganib na misyon. Dahil sa kanilang lahat, ikaw ang may pinakamapanganib na kapangyarihan." Paliwanag ni Steffy na ikinaliwanag ng mukha ni Lucid. Siya ang gagawa sa pinakamapanganib na bagay ibig sabihin mas malaki ang tiwala ni Steffy sa kanya kumpara sa iba.
"E ako? Bakit di mo ako isinali sa magiging bodyguards mo?" Tanong ni Izu.
"Dahil prinsipe ka. At di ko gagawing bodyguard ang kapatid ng kaibigan ko. Higit sa lahat, mas kailangan ka ni Izumi kaysa sa akin." Paliwanag ni Steffy. Tumango naman si Izu. Mas kailangan nga siya ng kapatid niya. At hindi rin niya hahayaang may mangyayaring di maganda sa kapatid niya.
"Sina Rave at Dero ang magiging hidden guards ko." Saka napatingin sa naghihintay na si Sparr.
"Hindi ko alam kung ano ang gusto mo kaya ikaw na ang mamimili sa kung saan ka."
"Pansin kong may mga bodyguards ka na, mga sundalo at mga kaibigan at kapatid. Ngunit wala ka man lang naisip na gawing alalay mo kaya maari bang ako nalang?"
"Eh?" Gulat na sambit ni Steffy. Sa dami kasi ng posisyon na pwedeng kunin ni Sparr alalay pa ang naisip.
"Wag kang mag-alala. Magaling akong magluto, maglinis at marami akong kayang gawin." Mabilis na paliwanag ni Sparr sa takot na di tatanggapin.
Isang captain sa bratty army si Sparr pero mas piniling maging alalay kaysa bodyguard o secret guard ba?
Napaisip naman si Steffy. Bilang isang prinsesa ng Zaihan marami siyang mga kawal at hidden guards. Marami rin siyang mga maid na siyang naghahanda sa lahat ng mga kakailanganin niya sa bawat araw. Pero lahat ng iyon ay mas tapat sa mga magulang niya. Ngayong malaki na siya, hindi na niya kailangan ang mga alipin o alalay pero makita ang nakikiusap na mga mata ni Sparr, napabuntong-hininga na lamang siya at tumango na lamang.
"Sige na nga lang. Ikaw na yung utus-utusan ko." Sambit ni Steffy at naisip na may mauutusan na siyang mangunguha ng mga prutas na gusto niyang kainin.
"E ako, anong gagawin ko master?" Tanong ni Jewel na ikinurap-kurap pa ang mga mata.
"Manatili ka lang maging cute, ayos na yun."
"Trabaho ba yun? Mukhang hindi naman." Nagtataka tanong ng munting bata.
"Trabaho din yun. Mahirap kayang panatilihin ang pagiging cute." Sagot ni Steffy.
Tumango-tango naman si Jewel at iniisip kung paano pananatilihin ang ka-kyutan niya.
"Ako naman gusto kong magiging katipan mo." Mabilis na sabi ni Gellian at naka-cross arms pa. Pinitik naman ni Steffy ang noo ng may six years old look na si Gellian.
"Bakit ba? Meron na kaya lahat sayo? Katipan nalang ang kulang. O baka naman gusto mo asawa?" Napaisip ito saglit saka tumango-tango. "Sige na nga lang. Payag na lamang akong maging asawa mo." Seryosong sabi pa ni Gellian.
Nagkatinginan naman ang mga kalalakihan sa buong silid. Maging sina Steffy at Sioji. Saka ibinabang muli ni Steffy ang tingin sa batang nakatingala sa kanya. Napatitig siya sa seryosong mukha ni Gellian at sa seryosong mga tingin nito, kasunod nito ang malakas niyang tawa.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...