Nakabantay naman ngayon sina Sioji, Asana, at Rujin sa mga Mystikan na pinipilit sirain ang harang na gawa ni Steffy.
"Hindi kayo makakapasok kapag walang entrance fee. Magbayad muna ang isa sa inyo ng sampung milyong Mithil bago makapasok." Sabi ni Rujin na ikinausok ng ilong ng mga Mystikan sa tindi ng galit.
Nasa isang daan silang lahat. Saan naman sila kukuha ng isang bilyong Mithil? Ngunit kailangan nilang mailigtas ang kanilang prinsipe.
Hinanap nila ang kanilang mga space ring at storage items ngunit nawala na.
"Hayaan niyo muna kaming makapasok. Babayaran din namin kung makukuha na namin ang aming pera." Sabi ng isang lalake.
"Walang pera, walang makakapasok." Sagot ni Rujin at niyaya na ang mga kaibigan na umalis.
"May lason pa naman ang katawan ng mga Mystikan sa loob at mamatay na sila pagkalipas ng tatlong oras." Bulong kunwari ni Asana kay Sioji.
"Hayaan mo na. Sila naman ang mamamatay e." Sagot naman ni Sioji at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Sandali lang, magbabayad na kami. Hintayin niyo lang." Mabilis na sagot ng isang Mystikan.
Alam nila na may mga lason ang mga halimaw at imposibleng mabubuhay pa ang biktima ng lason kundi agad naaalis ang lason sa katawan nito.
Ayos lang kung ibang Mystikan ang mamamatay ngunit hindi pwedeng mamatay ang kanilang prinsipe.
Limampung milyong Mithil lamang ang nakaya nilang ilabas at ito lamang ang naibigay nila kina Sioji. Kaya lima lamang sa kanila ang nakakapasok.
Sinubukan ng limang Mystikan na magdala ng iba pang mga kasama sa pagpasok ngunit may mga pwersang tumulak sa kanila palayo. Kaya naman, ang anim na pinakamalakas lamang sa mga Mystikan ang nakapasok. Iniisip na tuturuan ng leksyon ang tatlong kabataan kapag nakakapasok na sila ngunit bigla na lamang naglaho ang mga ito sa kanilang paningin.
Pagdating ng anim na mga Mystikan na ito sa kinaroroonan nina Steffy, kailangan na naman nilang magbayad bago makuha ang mga Mystikan na mga kasamahan nila.
"Sampung milyong mithil bawat isang buhay." Nakangiting sabi ni Steffy habang nakalahad ang palad sa tapat ni Kreid.
"Sumusobra na kayo a." Nagngingitngit ng sabi ni Kreid. Tinandaang mabuti ang mga mukha ng mga kabataang ito at titiyakin niyang pagpipirasuhin niya ang mga ito paglabas ng Miraha.
Sa huli ibinigay na lamang nila ang mga weapon at artifact na meron sila kapalit ng buhay ng kapwa nila Mystikan habang iniisip na darating din ang araw na makakaganti sila kina Steffy.
Lalabas na sana sila sa harang paalis ng Miraha mountain nang maningil ulit si Steffy.
"Nakalimutan kong sabihin, may exit fee din pala." Nakangiti nitong sambit.
Kunting-kunti na lang at mahihimatay na si Kreid sa tindi ng galit. Kundi lang kailangan ng mga estudyante niya at ng iba pa ng lunas para sa lason baka nakikipagpatayan na ngayon siya ngayon.
"Alam mo namang wala na kaming maibibigay. Gusto mo bang nakahubad kaming umalis?" Nanlilisik ang mga matang sabi ng isang Elder.
Napaisip naman agad si Steffy. "Pwede rin." Biglang sabi niya na ikinadilim namang lalo ng mukha ng mga Mystikan. Pakiramdam nila, hindi sila mamamatay sa sa mga kamay ng mga kalaban nila o ng mga halimaw kundi mamamatay sila sa tindi ng galit dahil sa walangyang malabandidong negosyanteng ito.
Napilitang gumawa ng kasulatan ang mga Mystikan na nagsasabing may utang sila kay Steffy. Isa itong magic contract na senilyuhan ng Mystical Ren at Chamnian Tzi. Kapag hindi makapagbayad ng sapat na halaga ayun sa nakasulat sa kontrata, mapaparusahan ang hindi nakakapagbayad ng utang. Posibleng mawawalan ng kapangyarihan o magkakaroon ng sumpa sa katawan. Kaya walang sinuman ang magnanais magkaroon ng ganitong kontrata.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...