Isang kulay silver fireball ang nabuo mula sa isang daliri ni Kenichi at nilalaro-laro ito. Siksik sa Mystic energy at kahit maliit lamang nakakaramdam na ang mga Chamnian ng malakas na pwersa mula rito. Akma na sanang ibato ni Kenichi ang fireball kay Nick nang bigla na lang may tumama sa likod ng kanyang ulo na ikinabagsak ng kanyang mukha sa sahig habang nakataas parin ang pwet.
Ito na yata ang pinakanakakahiyang pangyayari sa buong buhay niya. Agad siyang tumayo at hinawakan ang likod ng ulo at naramdaman ang malagkit na bagay na dumikit sa mga kamay niya.
"Sinong bumato sa akin?" Gigil niyang sigaw. Muntik na siyang masuka sa mabahong amoy ng bulok na prutas. Isa siyang Mystikan na masyadong neatfreak. Kahit sa pakikipaglaban ayaw na ayaw niyang nadudumihan, pero ngayon hindi lang nangudngod ang mukha niya sa lupa may mabahong bulok na prutas pa sa likod ng ulo?
"Magpakita kayo mga duwag!" Sigaw niya. May tumama na naman sa likod ng mga tuhod niya na ikinaluhod niya.
Sa gawi nina Zin naman, napatakip sila ng ilong nang dumating sa tabi nila si Steffy ngunit mas nagulat sila nang ibato ni Steffy ang hawak na bulok na prutas sa ulo ni Kenichi na di man lang nakaiwas ang target sa sobrang bilis ng pagbato.
"Aish! Sayang ang glove ko." Nanghihinayang na sambit ni Steffy makitang nadumihan ang kasusuot lang na gloves.
"Steffy, meron na." Sabi ni Rujin na may bitbit na mga nakasupot na kung ano habang si Hyper naman may dalang maduming tubig na nakalagay sa timba. May takip ito pero amoy na amoy parin ang baho.
"Aanhin niyo ang mga yan?" Tanong ni Miro.
"Ah, panglinis ng mga sakit sa mata." Sagot ni Steffy.
"Headmaster, nandito na po tayo." Sabi ng isang disipulo kay Nehan. Nakasakay sila ngayon sa isang flying swords. Bababa na sana sila nang tumigil ang Headmaster at napatingin sa grupo ng mga kabataang nagtatago sa likod ng mga estatwa ng mga magic beast. Kasama ang iilang mga Arkian na naatasang magbabantay sa mga estudyanteng ito.
"Sandali lang." Sabi ng Headmaster. "Anong ginagawa nila?" Nagtatakang tanong niya dahil tatlo sa mga kabataan na may superspeed ability ang nagtungo sa tatlong kulungan ng mga alagang magic beast ng mga disipulo.
Tapos may tatlo ding tila naghahakot ng mga basura.
Ngayon lang siya nakatagpo ng mga batang halos lahat may mga superspeed.
Sa gawi naman ng mga Mystikan, may mga dumi ng mga hayop ang tumama sa kanilang mga katawan na di man lang nila naiiwasan. Ni di nila nararamdaman na papalapit na ito sa kanila.
"Mga walanghiya. Magsilabas kayo." Sigaw ni Kenichi nang maramdaman ang hangin na bigla na lamang dumaan sa kinaroroonan nila kasunod noon ang mabahong amoy ng dumi at ihi ng mga magic beast. Saka nila napansin na nabasa na pala sila.
Sabay-sabay na napasigaw ang walong Mystikan at tatakbo na sana ngunit nadulas nang maapakan ang malagkit na bagay kaya bumagsak sila sa lupa at nagpagulong-gulong.
Matapos ang misyon nina Rujin Steffy at Hyper, lumabas naman sina Arken, Aya, at Shaira dala-dala ang mga inipon na mga basurang nanggagaling sa mga trashbin at binuhos kina Kenichi na nakahiga ngayon sa sahig.
Naglagay naman ng mga kandila sa paligid ng walong Mystikan sina Sioji, Asana at Izumi. Si Geonei naman ang tagasindi.
Nang masindihan na ang limampung kandila na ninakaw lang din nina Steffy sa storage room ng isang gusali, pinalibutan nila ang walong Mystikan habang may mga panyong nakatakip sa kanilang mga ilong.
Ipinagdaop ang mga palad sabay sabi ng "patawad mga imortal sa mga kasalanang aming nagawa. Ipapangako po naming hindi na namin uulitin. Kaisa nalang."
"Sana nawa'y mapatawad niyo ang mga mortal na katulad namin." Sabay-sabay na sabi ng sampo na kala mo matagal ng pinagpraktisan ang ganitong salita. Pagkatapos ay yumuko sila ng 90 degree saka muling tumayo ng tuwid.
Dahan-dahang tumayo ang mga Mystikan na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa gawi nila.
"Papatayin ko kayoooo." Sigaw ni Kenichi na umalingawngaw sa buong paligid kaso nadulas ulit at napaupo.
Makitang galit na galit na ang mga Mystikan bigla namang bumunghalit ng tawa ang pasaway na grupo sabay karipas ng takbo sa magkaibang direksyon.
Kahit ang mga Chamnian nagsipagtawanan na rin. Nakatulala kasi sila kanina sa bilis ng mga pangyayari pero ngayon lalo na nang makita ang ginawa ng mga kabataang hindi nila kilala bigla silang napatawa.
Mabilis nilang hinila ang limang mga kaklase sabay takbo din palayo makitang sasabog na sa galit ang mga Mystikan.
"Bumalik kayo ditoooo."
"Papatayin ko kayo."
"Huy!"
"Magsibalikan kayo."
Ito ang sigaw ng mga Mystikan na nababalot na ngayon ng mga dumi at basura. May kasama pang mga tuyong dahon at iilang mga insekto ang nakadikit at gumagapang sa mga katawan nila.
"Ngayon alam ko na kung bakit galit na galit ang mga Dethrin sa grupong ito sa Norzian dati." Sambit ni Miro sa isip habang nagpipigil din ng tawa.
Si Zin naman maging ang tatlong mga Arkian na kasama ay nagkatinginan. Siya ring pinagpapawisan dahil sa posibleng gagawin ng mga Mystikan na iyon bilang ganti.
Pero maisip ang ginawa ng mga pasaway na mga huwaran, bigla silang natawa.
"Ngayon pa ako nakakatagpo ng mga huwaran na walang kasing pasaway." Sambit ni Zin at napatingin sa direksyon ng mga Mystikan na nandidiri ngayon sa dumi ng mga katawan.
Si Brix naman, di rin maiwasang mapatawa kanina lalo na nang kunwari'y nagdadasal ang sampo na may mga kandila pa talagang pinalibot sa mga Mystikan.
"Mukhang hindi na kailangan ang presensya ko." Natatawang sambit ni Headmaster Nehan.
"Pero paano kung magsumbong sila?" Tanong ng kasamang disipulo.
"Hindi tayo makikialam sa away ng mga bata." Sagot ng Headmaster at bumalik na.
"Headmaster. Di ba nandito tayo para pigilan ang laban?" Sambit na lamang niya bago sundan ang Headmaster.
Siguradong pupunta ang sinuman sa Immortal College dahil sa sinapit ng mga estudyante nila sa loob ng Chamnian Mystic Academy.
"Dati, palage nilang sinasabi na hindi tayo makikialam sa duelo ng mga bata. Ngayon naman maibabalik ko na rin sa wakas ang kanilang mga salita." Sabik na sabik na ang Headmaster na makita ang reaksyon ng mga mayayabang na Elders ng IC na halos di na mapapawi ang ngiti sa labi.
"Pero Headmaster, hindi ba kayo nagtataka na napasok ang storage room ng mga batang yon na walang kahirap-hirap?" Tanong ng disipulo na muntik ng ikalaglag ng Headmaster sa sinasakyan niyang espada.
"Oo nga no. Paano sila nakapasok sa storage room?"
***
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...