Tumingala sina Steffy at nakita ang isang babae na nakalutang sa hangin.
"Mga lapastangan! Ang lakas ng loob niyong magnakaw sa teritoryo ko." Sigaw ng babaeng may gintong kapa.
Nagkatinginan naman ang Bratty gang.
"Sabi ko na nga e. Nagpapanggap lang silang estatwa para hindi malusob." Sambit ni Steffy at nakangiting hinarap ang reyna.
"Hindi. May sumpa lang talaga ang kaharian nilang ito. Ramdam ko kasi ang kakaibang enerhiya sa paligid na sa hinala ko ay galing sa Invincible level curse master." Sagot ni Asana.
"Sa araw, magiging estatwa sila kapag may estranghero ang makakakita sa kanila ngunit sa gabi, bumabalik sila sa normal." Sabi ni Sioji.
"Kaya naman pala nagbabago ang mga posisyon nila kanina kapag nakatalikod tayo tapos nagiging estatwang muli kapag nililingon." Sagot ni Geonei.
Inilibot naman ni Asana ang tingin sa buong paligid. "Ang dami nila ha." Sambit niya at bahagya pang natawa makita ang ilang mga kawal na hinubaran nila ng mga kasuotan kanina.
Wala ng mga saplot ang iilang mga kawal dahil kinuha na nina Steffy. Ang mga kawal na may mga kasuotan pa rin ay ang mga kawal na malayo sa kinaroroonan nila kanina kaya hindi napasama sa "raid" or treasure hunting ng bratty gang.
"Dakpin niyo ang mga kabataang ito." Utos ng reyna sa kanyang mga nasasakupan.
Naunang sumugod ang lalaking nakabahag nalang ng mga dahon. Sinundan naman ng tatlo pang mga kalalakihan na isa sa mga biktima sa panghuhubad at pagnanakaw ng mga bratty gang.
Ilang sandali pa'y may iba't-ibang mga aura ang makikita sa buong paligid. Inaatake ng mga aurang ito ang sampung mga kabataang nakatayo sa gitna ng libo-libong mga mandirigma.
Ngunit sa halip na matakot ay nakangiti lamang ang bratty gang na tila ba excited na excited pa.
Mabilis na naglaho si Rujin sa kinatatayuan at sinalubong ang lalaking sumugod sa kanila. Naglaho din sina Aya at Shaira.
"Magandang ehersisyo sa lakas natin ang mga Akrinian na ito." Sabi ni Sioji at lumipad patungo sa kanilang reyna. Gusto niyang subukan kung hanggang saan ang tunay niyang lakas na hindi umaasa sa mga kaibigan.
Makitang abala na sa pakikipaglaban ang iba at kahit ang kanilang reyna ay napipilitan ng lumaban, sumugod na rin ang iba pa.
"Lucid!" Tawag ni Steffy. Mabilis namang lumitaw si Lucid.
"Kamahalan matatalo ko na sana si Histon e bakit mo ako tinawag?" Naiiyak na bungad ni Lucid kay Steffy na ikinakamot ng ulo ng dalaga.
Ramdam niya kanina ang excitement ni Lucid kaya sa halip na ang kuya Histon niya ang dapat sanang tawagin pangalan ni Lucid ang nabigkas niya na ikinalabas nito sa space.
Pagpasok ni Lucid sa space dimension nagiging isa siya sa mga nagsasanay sa loob na tinuturuan ni Histon.
Siya na minsan ng pinuno ng mga Hanaru at minsan na ring naging hari hindi pumapayag na sumusunod lamang sa isang munting heneral na kaedad lamang niya kaya ang resulta nagpapalitan sila palage ng lakas ni Histon. Ang malala nga lang dahil bugbog palage ang inaabot niya. Hindi niya alam na kayang talunin ang kanyang snake vinom ng kapangyarihang apoy ni Histon.
Hindi rin umuobra ang abilidad niyang magkontrol at magmanipula kay Histon. At palage pang sinusunog ni Histon ang kasuotan niya na isa sa dahilan ng kanyang malaking kahihiyan. Wala pang nakakapagpahiya sa kanya ng ganito bukod kay Steffy ngunit mas malala pa pala ang sasapitin niya sa stepbrother nitong si Histon. Minsan naitatanong na niya sa sarili kung hindi nga ba tunay na magkapatid ang dalawa.
Dahil dito, sinikap ni Lucid na mas maging malakas kaya lang sa tuwing tataas ang level ng kapangyarihan niya tataas din ng isang level si Histon at palaging mas mataas ito ng isang level sa kanya. Kamakailan lang nagiging Invincible novice siya at katulad na rin siya ni Histon na mas nauna sa kanyang maging Invincible Novice pero nang hamunin na sana ang lalake natuklasan niyang nasa invincible elite na ito. Kaya sa level ng kapangyarihan palang bagsak na siya.
Ngayong pareho na silang nasa grandmaster level at may pag-asa na sana siyang matalo si Histon bigla na lamang siyang tinawag ni Steffy. Naglalaban sila kani-kanina lang ni Histon at nahulog na sana sa patibong niya ang lalake, kaya lang, nang kikilos na sana siya para makaganti sa pagpapahiya sa kanya bigla na lamang niyang narinig ang boses ni Steffy sa kanyang isip at may pwersang biglang humila sa kanya palabas. Dito niya naaalala na nasa loob nga lang pala sila sa space dimension ni Steffy at hindi sa tunay na mundo. At anumang oras mailalabas sila at maipapasok kung kailan gustuhin ng babaeng ito.
"Teka, anong nangyayari?" Gulat na tanong ni Lucid makita ang libo-libong mga mandirigma. Kaya lang di niya mawari kung mandirigma ba ang iba dahil may nakahubad at may kaunting piraso lamang ng tela ang nakatakip sa katawan nila. May iba din na dahon na lamang ang nakabalot sa katawan.
May iilan namang nakasuot ng battle armor pero halatang mumurahin at mga luma na lamang. Hindi niya alam na ninakaw na ng grupo ng kamahalan niya ang anumang mga magagandang mga kasuotang meron ang mga mandirigmang ito. Kaya nga galit na galit sila.
"Pwede mo ng gamitin ang tunay mong lakas sa kanila." Sabi ni Steffy saka tinawag ang iba pa.
Napapreno sa pagsugod ang mga Akrinian makita ang daan-daang mga Invincible level na mga Mysterian.
Mga Invincible level lamang ang mga Mysterian na mga kakampi ng mga kabataan na ito at mga Syanra level ang halos lahat sa kanila, ngunit, kakaiba ang aurang taglay ng mga Invincible level Mysterian na ito kumpara sa kanilang mga Akrinian.
"Aji, hindi sila Mysterian?" Tanong ni Karl maramdaman ang pressure na dala ng mga kasamahan ni Histon.
"Si Master Hisren iyan hindi ba?" Gulat na sambit niya pa sabay turo sa kakalabas lang mula sa kung saan na si Master Hisren. Ang Dean ng Wynx Academy.
"Anong ginagawa nila sa lugar na ito?" Tanong ni Kurt sa sarili.
"Natagpuan na namin kung saan itinago ng reyna ng mga Akrinian ang iyong ina." Boses ni Shinnon sa isip ni Kurt.
"Ilayo niyo na siya sa lugar na ito." Sagot niya.
Gumaan na ang pakiramdam niya. Binalak pa naman niyang wasakin ang kahariang ito pagkatapos matagpuan ang kanyang ina. Nagpapanggap lamang silang masunuring kakampi ng reyna ng Akrinian upang magkaroon ng sapat na oras para mahanap ang kanilang ina. Ngayong natagpuan na nila, hindi na siya mag-alala kung ano man ang mangyayari sa kahariang ito.
Base sa mga aura ng mga bagong dating, halatang hindi sila pangkaraniwang mga Mysterian lamang. At kung hindi siya nagkamali, ang mga sundalong nasa pamumuno nina Histon at Hisren ay mga Mysterian na may dugong Chamnian.
"Kung gusto niyong patunayan ang lakas niyo bakit di nalang kayo nagpaparamihan ng mga natalo?" Suhestiyon ni Steffy kina Lucid at Histon na nagbabatuhan pa rin hanggang ngayon ng mga matatalim na tingin.
Hindi sumagot si Histon at nag-tsk lang na lalong ikinairita ni Lucid. Pakiramdam kasi niya minamaliit siya ni Histon.
"Ipapakita ko sayong mas malakas ako sayo." Determinadong sabi ni Lucid at umatake na.
Umiling naman si Histon saka lumipad na rin sa hangin upang sumali sa labanan.
***
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...