Journey to Arciana 10: Ang paglusob ng Donfen clan

2.1K 188 43
                                    

Natamaan si Elder Jiure ng enerhiyang nagmumula kay Elder Suiwen. Tumilapon siya at ilang ulit pang gumulong sa lupa. Nanginginig ang mga kamay na pilit iginagalaw ngunit wala na siyang lakas para maigalaw ang katawan.

Lumutang naman palapit si Elder Suiwen upang tuluyan na ang pinakamalakas na Elder ng Sai School.

Lumikha siya ng isang espada na gawa sa kanyang enerhiya at pinalipad ito patungo sa katawan ni Elder Jiure. Parating na ang kanyang espada sa nanghihinang katawan ni Elder Jiure nang bigla na lamang naglaho ang espadang gawa niya. Naramdaman na lamang niya ang pagtama ng matigas na bagay sa kanyang ulo na ikinapikit niya.

Napahawak siya sa likod ng ulo at nakaramdaman ang malagkit na bagay na nahawakan niya. Nagtagpo ang kanyang mga kilay at tumalim ang paningin saka nilingon ang nagbato ng bulok na prutas sa kanya.

"Uy! Rujin upakan mo na." Tinulak-tulak pa ni Hyper si Rujin habang nakatago siya sa likuran ng kaibigan.

"Teka. Teka lang. Ikaw ang bumato bakit ako ang ihaharap mo?" Nakakunot ang noong sambit ni Rujin.

Hinila ni Rujin si Hyper at siyang pinauna. "Kayang-kaya mo yan. Matapang ka kaya."

"Nagpapatulong na nga ako kasi tapang lang ang meron ako walang lakas." Sagot ni Hyper. Alam kasi nilang wala silang laban sa mga Syanra level na Elder na ito.

"E bakit mo binato? Alam mo na ngang wala tayong laban." Gusto na tuloy sapukin ni Rujin si Hyper.

"Kasi matapang ako." Sabay tapik ni Hyper sa kanyang dibdib. Nakatanggap tuloy siya ng sapok mula kay Rujin.

Dahan-dahang naglakad palapit sa gawi nila si Elder Suiwen na nag-uumapaw ang malakas na aura.

Palakas ng palakas ang mga aura na nararamdaman ng dalawa.

Nanlaki ang mga mata nila at nagkatinginan.

"Kung ayaw mong lumaban e di humanda ka na." Sabi ni Rujin.

"Isa, dalawa..." Di na natapos ni Hyper ang pagbilang dahil kumaripas na ng takbo si Rujin kaya sumunod na rin siya.

Gustong patayin ni Elder Suiwen ang dalawa ngunit hindi niya alam kung nasaan na sila. Para kasing mga kidlat na bigla na lamang naglaho.

Sina Arken, Asana at Izumi nakikipaglaban na sa mga Syanra level na mga kalaban.

Kinokontrol naman ni Shaira ang mga anino ng tatlong kalaban at ito ang ginamit sa pakikipaglaban.

Gamit naman ang bagong likha na sandata, binabaril ni Geonei ang mga kalaban na abala sa pakikipaglaban sa mga kaibigan niya. Walang nakakakita sa kanya dahil naka-invisible siya sa mga mata ng iba.

Sina Hyper at Rujin naman, nagpapahabol sila pagkatapos saka pagtulungan ang Mysterian na humabol sa kanila. Ikukulong ni Hyper sa isang prison formation ang kalaban tapos kukuryentehin ni Rujin.

Minsan naman ikukulong ni Rujin sa mga kidlat ang kalaban saka naman gagamitin ni Hyper ang special ability niya. Ang pipigilan ang sinuman na gamitin ang kakayahan at kapangyarihan nila. Saka nila bubugbugin ang kalaban. Pagkatapos ay patamaan ng kidlat na sakto lang upang hindi malalagutan ng hininga.

"Paubos na ang potion ko." Sabi ni Asana. Ang option na ginagamit nila para hindi maramdaman ang anumang pressure na hatid sa kanila sa mga Syanra level na mga kalaban.

Kapag pansin nilang natatalo sila, naglalaho silang bigla saka babalik kapag bumabalik na ang enerhiyang nabawas sa kanila. Kaya naman halos mabaliw na ang mga Syanra level na kasama ng Donfen clan dahil biglang susulpot at naglalaho ang mga kalaban nilang mga kabataan.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon