Journey to Arciana 9: Sai School 1

2.1K 169 18
                                    

Nagsilabasan naman sina Asana kasama ang iba pa. Naglatag ng makapal at malambot na higaan sa sahig at tabi-tabi na silang matulog.

Sa isang lugar naman umasim ang mukha ni Kurt.

"Hindi ba alam ng mga yan na hindi dapat nagtatabi ang mga babae't-lalake?" Tagpo ang kilay niya. Sobrang dikit din ng mga labi niya at napakatalim ng mga tingin niya sa isang kwadradong monitor kung saan makikita sina Steffy at ang mga kasamahan nito na natutulog sa isang kwarto.

"Tingnan mo nga o. Di man lang nagising?" Tinuro pa ang monitor.

"Kamahalan." Tawag ni Shinju.

"Bakit ba?"

"Oras na po ng pagsasanay niyo." Muli nitong sabi.

Kaso nakatingin parin si Kurt sa monitor.

"Kamahalan kung gusto niyong maprotektahan si Steffy kailangan mong magsanay ng mabuti. Wag mo na mo muna siyang iisipin. Malakas naman siya e." Sinulyapan pa ni Shinju si Steffy.

"Saka mas malakas pa siya sayo ngayon kaya hindi mo pa siya mapoprotektahan kapag ganyan lang ang lakas na meron ka."

"Hindi ko siya iniisip. Saka sinong maysabing gusto ko siyang protektahan?" Tanggi niya at ikinumpas ang mga kamay. Naglaho naman agad ang kwadradong screen.

"Hindi mo nga iniisip pero palage mong pinapanood ang mga ginagawa niya." Naitikom agad ni Shinju ang bibig makitang tumalim ang tingin ni Kurt sa kanya.

Nagising si Steffy at nakitang natutulog sa paligid niya ang mga kaibigan. Bumangon siya at lumabas na muna. Dito niya napansin na napakalakas pala ng ulan sa labas.

Umupo siya sa isang bench na gawa sa kulay puting Mysterian ore at pinagmasdan ang mga patak ng ulan.

Nagising naman ang magkakaibigan na wala si Steffy sa kinahihigaan nitong kama kaya mabilis silang nagsilabasan. Naabutan nila itong malungkot na pinagmamasdan ang malakas na ulan.

"May problema ba?" Tanong ni Sioji makitang nakadungaw si Steffy sa bintana.

Dahan-dahan namang lumingon si Steffy at huminga ng malalim.

"Naisip ko kasi na kung nasa Syanra level na ang mga Arcianian paano pa kaya ang mga Chamnian? Paano kung darating ang araw na magkakaroon tayo ng mga kalaban na higit pa sa Syanra ang level ang kanilang mga kapangyarihan?"

Pansin kasi niyang hindi parin sapat ang kapangyarihan at lakas na taglay nila ngayon. At kung magkakaroon man sila ng napakalakas na kalaban tiyak na wala silang kalaban-laban.

"Pansin ko ring ang lalakas nila." Mahinang sagot ni Sioji. Kakaiba ang lakas ng mga Arcianian kumpara sa mga Mysterian na nakakasalamuha nila. Nasa kontinente pa lamang ng Hariatres ang lugar na ito pero ang mga lakas nila nasa Syanra level na, ano pa kaya sa mga Chamnian na isinilang na nasa Invincible level na kahit mga sanggol pa lamang? Paano naman kung mga Mystikan na ang kanilang makakalaban? May pag-asa ba silang manalo?

"Kung gusto nating makukuha ang legendary shield kailangan nating maging mas malakas." Sabad naman ni Asana na nakapatong ang baba sa balikat ni Izumi.

"Wag kang mag-alala palage naman kaming nagsasanay sa loob ng space dimension. Pakiramdam ko nga wala na akong bigat ngayon." Sabi naman ni Rujin.

"Ano kaya kung pumasok ka na din sa loob?" Suhestiyon ni Aya.

"Papasok din ako kapag kakailanganin ko na namang sumagap ng enerhiya." Sagot ni Steffy.

Napatigil sila sa pag-uusap at apalingon sa isang direksyon dahil sa sunod-sunod na pagsabog na naririnig.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon