Napataas ang kilay ng lider makitang nakangiting nakatingin sa kanya ang magandang babae. Parang gusto niya itong iuwi sa kanila. Kaya lang, naalala niya ang misyon nila. Iyon ay ang patayin ang dalawang Jumei at ang sampung mga kabataang di niya alam kung alin sa grupong ito.
May mga bolang death energy na may halong death flame ang nakakalat sa paligid niya at tumatama ito kay Steffy ngunit hindi naapektuhan ang babae na ipinagtataka ng lider.
Sinalo ni Steffy ang mga death energy at naramdaman niya ang lamig na nagmumula sa death energy at init na nagmumula sa death flame.
"Woah. Pwede palang pag-isahin ang death flame at death energy?" Manghang sambit ni Steffy.
"Di ka napano?" Di makapaniwalang sambit ng lider. Hindi niya inaasahan na may Chamnian na hindi naaapektuhan ng kapangyarihan niya.
"Mas mabuti nalang talaga at napunta kami sa Arciana. Dahil kung hindi, hindi ako makakakuha ng Mystic fruit at hindi ako magiging mystic level bago makarating sa lugar na ito. At kung nangyari yun wala akong laban sa nilalang na ito." Ito naman ang naglalaro sa isip ni Steffy.
"At kung di ako nakaalis sa Chamni tiyak na hindi na ako nakakarating sa edad na ito." Dagdag niya pa.
Makitang hindi pangkaraniwan ang babaeng kaharap buo na ang loob ng lider ng mga assassin na patayin si Steffy kaya mabilis niyang itinaas ang isang kamay at balak hawakan ang leeg ni Steffy na agad naman nitong iniwasan.
"Hindi nga. Papatayin mo ako?" Tanong ni Steffy ngunit patuloy siyang inaatake ng lalake. Hindi naman siya nito naaatake gamit ang death flame dahil parang parte ng enerhiya ni Steffy ang death flame na taglay niya.
"Hindi ka dapat mabuhay." Sabi ng lalake at muling inatake si Steffy.
Lumiad si Steffy at napansin niyang humaba ang kuko ng kanyang kalaban. Patuloy lamang siya sa pag-iwas.
"Kailangan mong mamatay." Sabi pa nito.
"Sa ka cute-tan kong to papatayin mo lang?" Di makapaniwalang sambit ni Steffy kasunod nito ang pagsalubong niya sa kamay ng kalaban at sa halip na matunaw ang mga kamay niya napupunta sa kanya ang mga death energy ng lalake kaya napaatras ito at hinila pabalik ang kamay.
Ramdam ng lider na ito ang pamamanhid ng kamay.
"Ikaw ang..." Sambit pa ng lider at mabilis na pinalitan ang aura sa paligid niya. Sa pagkakataong ito kulay purple na ang kanyang aura. At mas lumakas pa ito kumpara kanina. Inilabas nito ang isang mahabang spirit sword. Espada na nababalot ng mga vengeful spirit.
Napaatras si Steffy.
"Isa iyang soul sucker sword di ba?" Sambit ni Yushin. Kung namutla sila sa kanina mas namumutla sila ngayon makita ang soul sucker sword.
"Ang sinumang mapapatay ng espada na iyan ay magiging vengeful spirit at magiging part na ng espada." Sagot ni Brix. Isa ang espadang ito sa apat na limang pinakamapanganib na espada sa buong mundo ng Mysteria.
"Nanganganib si Steffy. Hindi lang buhay niya kundi kaluluwa." Sambit ni Brindon.
"Wag kayong mag-alala." Sabi ni Aya sa kanila. " Hindi si Steffy ang nanganganib kundi ang espada."
Brindon and gang: "???"
"Kapag pinatay mo 'ko sino na lang ang matitirang cute sa mundo?" Sabi naman ni Steffy habang iniiwasan ang espadang patungo sa kanya.
"Bakit di man lang natatakot ang batang to?" Sambit ng lider sa isip.
"Rare species to. Rare!" Dagdag pa ni Steffy. "Kaya sayang naman kung papatayin mo lang."
"Meron pang matitirang cute no. Ako." Angal ni Aya na kumukuha ng larawan. Minsan nagsi-selfie siya at ang background ay ang mga naglalaban.
"Ako kaya." Sagot din ni Hyper. "Isali mo naman ako sa kinukunan mo."
"Bakit? Kasali ka ba sa laban?" Tanong ni Aya.
"Kasali akong nagchi-cheer. Sige na, kunan mo narin ako." Sabay pose niya at ang background ay ang mga kasamahang abala sa pakikipaglaban. Nagkataon namang itinarak ng lider ng assassin ang soul sucker na espada sa tiyan ni Steffy.
"Uh oh." Sambit ni Steffy na namilog ang bibig.
"Steffy!" Ang naisigaw nina Yushin at iba pa.
Kung si Steffy ang natamaan sina Asana at iba pang bratty gang naman ang napahawak sa tiyan.
"Sa susunod, hindi ko na hahayaang lumaban si Steffy." Pangako ni Geonei na siyang mas nakaramdam ng paghapdi sa tiyan kumpara sa iba.
Hindi naman pinansin nina Asana, Izumi at Sioji ang paghapdi ng kanilang tiyan dahil inaasahan na nilang makakaramdam sila ng sakit basta't nakikipaglaban si Steffy.
Napatayo naman ang mga nagtatagong mga Chamnian makitang natamaan ang isa sa limang kabataang nakikipaglaban.
"Mamamatay na ba siya?" Tanong ng silver haired na misteryosong lalaki. Lalapit sana siya para iligtas si Steffy.
"Sandali lang. Tingnan mo." Sabi ng may gintong buhok at tinuro ang espada na nakabaon ang dulo nito sa tiyan ni Steffy.
"Bakit di ka umiwas?" Gulat na tanong ng lider. Alam niyang maiiwasan ni Steffy ang kanyang atake kung iiwasan niya ngunit bigla na lamang itong tumigil at hinayaan ang sarili na tamaan ng dulo ng espada. Bagama't di man nakabaon ng husto ngunit sapat na ito para mahigop ng espada ang kaluluwa ng sinumang nasugatan nito.
"Sayang ang espada mo. Nalagyan ng dugo." Sagot ni Steffy at nagkibit-balikat. Wala naman siyang nararamdamang sakit.
"Di mo ba pansin na mamamatay ka na?" The guy sneered.
"Weh di nga." Umatras si Steffy at tinuro ang espada. Muling naghilom ang sugat sa tiyan niya na ikinagulat ng lider.
"Naaawa pa nga ako sa espada mo e."
Napansin ng lider na gumagalaw ang kanyang espada at ramdam niya ang pagwawala ng libo-libong kaluluwa sa loob. Nakita niyang unti-unting nagkaroon ng bitak ang espada at ilang sandali pa'y nabasag hanggang sa nagiging abo.
Nagsilabasan naman ang mga prisoned soul sa loob at naglaho ang mga ito na parang bula.
Nanlaki ang mga mata ng lider, namilog ang mga mata at bibig habang nanginginig din ang mga tuhod.
"Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lang ito." Hindi makapaniwalang sambit niya. "Paanong nangyari? Paanong nabasag ang espada?"
"Hindi ka Mystikan? Hindi ka rin Chamnian? Si-sino ka? Ha-halimaw ka ba?" Takot na takot niyang sambit.
"Hay, sayang naman. Nabasag tuloy. Sabi na sayo e. Bakit mo kasi ako sinugatan?" Sagot ni Steffy.
Isang espada ang lumabas mula sa kanyang kamay.
"Its my turn." Naka-smirked na sambit ni Steffy habang hawak ang espadang may pulang aura.
Napaupo ang lalake sa labis na takot. Napatingin siya sa mga kasama at natuklasang patay na ang mga ito.
"Hindi pumapatay ang mga Chamnian." Sabi niya pa. Muling bumalik ang kanyang tapang maalalang hindi pumapatay ang mga Chamnian.
Ngumiti naman si Steffy. "Hindi ako Chamnian at di ako takot pumatay. Lalong-lalo na sa isang Dethrin na katulad niyo." Itinutok ang dulo ng espada sa lalake.
Nagulat ito nang marinig ang salitang Dethrin ngunit mas nagulat ito makita ang aura ng espada ni Steffy.
"Destruction swords?" Pagkatapos sabihin yun tila may hangin na dumaan sa leeg ng lider ng assassin. Ilang sandali pa'y unti-unting nasunog ang kanyang katawan hanggang sa magiging abo.
***
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...