Matuklasang hari pala ng Saidore ang kasama ng mga royal knight na ito napatingin si Steffy sa karwahe. Nakikita niya ang isang lalaking older version ng Arkian na si Hairu.
At dahil hindi siya bumaba at lumuhod, inihanda ng mga royal knight ang sarili para sa pakikipaglaban sa kanya.
Napatingin si Steffy sa mga kawal pagkatapos sa hari ng Saidore. Nasa Syanra level lahat ng mga kawal na ito na nasa isang daan mahigit ang bilang. Isang level nalang din ang kulang at magiging Mystic level na ang haring ito. Gusto niyang malaman kung gaano kalakas ang isang Mystic level kaya gusto sana niya itong subukan kaya lang nagdadalawang isip siya. Baka kasi matuluyan pa niya.
Lumutang siya pabalik kina Sioji. Sumunod naman ang mga kawal ng hari at ngayon kaharap na rin ng hari ang sampung kabataang pinaghihinalaang siyang umubos sa yaman ng Donfen clan. Wala namang namatay sa clan na ito ngunit marami naman silang natamong mga sugat mula sa pakikipaglaban sa mga humanoid plants and humanoid stones. Wala ring ni isang mga bagay ang naiwan sa Donfen clan maliban sa kanilang mga sariling katawan. Kung hindi sila tinulungan ng Saynah clan baka namamalimos na sila sa kalsada ngayon.
Nagsiyukuan ang lahat makita hari na bumaba sa kanyang karwahe maliban sa sampung mga kabataan na hindi kilala ang hari sa lugar na ito.
Napangiti naman ang mga Mysterian na kasama ni Kamiro at iniisip na katapusan na ngayon ng grupo ng mga mayayabang na mga kabataang ito. Nanghihinayang lang sila dahil siguradong sa hari mapupunta ang anumang mga mahahalagang magic Artifact na meron sila.
Sa totoo lang, naengganyo silang sumama para mahuli umano ang mga kabataang ito iyon ay dahil sa narinig nilang mga invincible level lamang sina Steffy ngunit may kakaibang mga lakas. Maliban sa pagkakaroon ng magic treasures o artifact wala na silang maisip na rason kung bakit natalo nina Steffy ang grupo nina Daven at ang mga Syanra level ng Donfen clan.
Gusto nilang makuha ang anumang magic artifact na hawak ng bratty gang at gamitin iyon sa kanilang sariling kapakanan. Para sakali mang magkakaroon sila ng kalaban na mas malakas pa sa kanila, matatalo din nila ito kagaya sa pagtalo nina Steffy sa mga tauhan ng Donfen clan.
"Di bale ng hindi ako personal na nakaganti ang mahalaga mapaparusahan na ang mga kabataang ito dahil sa hindi pagbibigay pugay sa hari ng Saidore." Katulad ng iba, sabik na sabik na rin si Kamiro na maparusahan sina Steffy ng hari ng Saidore.
Napatingin naman si Haring Mubiyo sa mga kabataan na direktang nakatingin sa kanyang mga mata. Maliban kay Hairu walang kahit sinong nakukuhang tingnan siya sa mga mata.
"Ang lakas ng loob niyong tingnan sa mata ang kamahalan. Lumuhod kayo ngayon din." Utos ng pinuno ng mga kawal at inihampas ang hawak na latigo sa gawi nina Steffy at mga kasama. Kaya lang, bumalik ang latigo sa katawan niya at nag-iwan ng sugat sa kanyang balat.
"Alam niyo bang maaari niyong ikamatay ang pagtitig sa mukha ng hari sa isang bansa o kaharian?" Tanong ni haring Mubiyo mapansing wala siyang nakikitang takot o pangamba sa mga mata ng mga kabataang ito.
"E hindi e. Poge niyo po kasi." Seryoso namang sambit ni Steffy.
Napatikhim tuloy ang hari sa narinig. Napatitig na rin kay Steffy. Hindi maiwasang isipin ang dalawa niyang anak.
"Kung magiging asawa kaya siya ng seryosong mga anak kong iyon, kasing kulit at ganda kaya niya ang magiging apo ko?" Walang nakakaalam sa kung ano ang iniisip ng hari ngayon. Inaakala pa naman nila na mag-iisip na ang kanilang hari kung paano pahirapan ang mga kabataang ito dahil kakaiba ang ngiti ni Haring Mubiyo habang nakatitig kay Steffy.
Si Asana na ayaw palakihin ang isyu sa hari ng Saidore at sa grupo nila mabilis na pumagitna.
"Ipagpaumanhin niyo po kung hindi namin agad kayo nakilala mahal na hari. Ako nga pala si Asana Minju. Anak ni Heneral Ariston Minju ng Zai- err Arizon clan." Mabilis niyang pagpapakilala at muntik pang mabanggit ang Zaihan clan.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...