(A/N: Bago niyo itong basahin, you can read Chamni 58 sa Mischievdreamy Wattpad Page para mas maintindihan ang kwento. Hindi ko pa kasi mabubuksan ang chapter 58 kaya pinost ko nalang sa page ko.)
***
Tumigil si Steffy sa paglalakad sabay libot ng tingin sa paligid."Deijo Beast?" Sambit niya na halatang nagtataka ang mga mata.
Nagkatinginan ang mga Jadeian at ilang sandali pa'y may mga grupo ng mga Deijo beast ang nagsilabasan mula sa mga halamanan.
Inihanda ng mga Jadeian ang kanilang mga sandata para sa pakikipaglaban, ngunit hindi nila inaasahan na mahigit isang daan ang mga Deijo beast na paparating sa kanilang kinaroroonan.
"Nasa kota tayo ng Deijo beast." Sambit ng captain nila.
"May mga Deiyo beast din na nandirito." Sagot ng isa. Nagtataka sila kung bakit nasa iisang lugar lamang ang Deiyo at Deijo gayong magkaaway ang dalawang beast na ito.
"May mga Deijo beast din pala sa lugar na ito? Akala ko Deiyo beast lamang." Sambit naman ni Steffy.
Mabilis namang kinontrol ng mga Jadeian ang mga anino sa paligid at sinimulan na ang labanan nila sa mga Deiyo at Deijo beast.
Bumalik naman si Steffy sa hawla at muling umupo sa dating kinauupuan niya. Naglabas ng meryenda at niyaya pa sina Min na kumain.
"May magandang palabas. Mas magandang manood habang may meryenda." Sabi ni Steffy sa mga sundalo ng Vergellia.
"Nakakaya mong kumain habang may naglalaban? Di ka ba nandidiri?" Tanong ni Ruhan.
"Hindi naman. Para lang akong nanonood ng sine." Sagot ni Steffy.
Abala na ngayon sa pakikipaglaban ang mga Jadeian sa mga Deiyo beast. Dito niya napansin kung bakit hindi man lang nakapalag sina Min dahil malalakas nga pala ang mga Jadeian na ito. Hindi lang 'yon, kaya din nilang maglaho sa paningin ng iba. At kayang kontrolin kahit ang anino ng mga Deiyo beast.
Napatigil sa pagkain si Steffy dahil sa mukhang tumigil sa tapat niya. Hindi ito nakikita ng iba ngunit wala namang maitatago sa mga mata niya.
"Disturbo naman o." Sinipa niya ito na ikinatilapon ng kung sino palayo.
Napaungol si Liwei na nagpagulong-gulong ngayon sa lupa. Hindi niya inaasahan na masisipa siya ni Steffy. Di naman kasi niya inaakala na makikita siya.
Sa galit niya, pinatay niya ang higanteng Deiyo beast na pinakamalapit sa kanya na walang kahirap-hirap, saka naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Steffy.
Nagulat sina Ruhan makitang may lalaking bigla na lamang sumulpot malapit sa kinaroroonan nila. At galit na galit itong naglakad palapit kay Steffy.
"Ikaw!" Sigaw nito na nakaturo kay Steffy kaso bago pa man makapagsalitang muli, tumilapon na naman palayo. Sumabit pa siya sa isang sanga ng puno.
"Kamahalan." Tawag ng mga mandirigmang Jadeian sa kanya. Tinulungan siyang maibaba ng dalawang mandirigma.
"Lapastangan ka. Bakit mo sinaktan ang kamahalan?" Sigaw ng isang mandirigma at itinutok ang hawak na espada sa leeg ni Steffy.
"Bakit ba ang hilig niyong humarang-harang? Kita niyong nanonood ako ng laban. Alis diyan. Kung ayaw mo, sipain kita papunta sa kabilang bundok." Banta pa ni Steffy.
"Aba to." Idiniin ng mandirigma ang espada sa leeg ni Steffy. Kasunod nito ang pagtilapon ng mandirigma palayo na parang shooting star na tumilapon papunta sa malayong bundok.
Napatulala tuloy ang mga nakasaksi. Lalo na ang mga sundalo ng Vergellia.
"Suntok yon." Sabi ni Ruhan nang matauhan na siya.
"Nakalimutan ko. Sipain ko nalang siya pag makabalik na mamaya." Sagot ni Steffy na muli namang kumain sa maliliit na chocolate cake na hindi nila alam kung saan nanggaling.
Galit na galit namang naglakad palapit ang prinsipe umano ng mga Jadeian. Kapansin-pansin ang gwapo nitong mukha, kaya lang may mga lupa at mga dahon ang katawan dahil sa pagkagulong niya sa lupa kanina.
"Papatayin kita." Sigaw nito.
Nilabasan lang siya ng dila ng babaeng kausap.
"Kamahalan. Bakit kayo nagpakita? Paano kung may makakakilala sa inyo?" Nag-aalalang sambit ng captain ng Jadei.
"Hindi ako nagpakita. Sinipa ako ng lapastangang bihag na iyan."
"E sa inihaharang mo iyang mukha mo." Sagot ni Steffy.
Sasagot sana si Liwei ngunit may paparating na Deiyo beast na umatake sa kanila. Kaya naman mabilis niyang ikinumpas ang kamay. Isang puting liwanag ang lumabas sa pagkumpas niya ng kamay at tumama ito sa papalapit na Deiyo beast. Tumilapon agad ang Deiyo beast palayo.
"Woah, ang lakas niya." Manghang sambit ni Ruhan.
Taas noo namang tiningnan ni Liwei si Steffy na tila ba sinasabi na kita mo 'yon? Napakalakas ko. Ngunit ang inaasahang paghanga mula kay Steffy ay hindi nangyari.
"Kapag di pa kayo aalis dito, maaabutan kayo ng mga Ecclescian." Sabi ni Steffy.
Nagkatinginan naman ang mga Jadeian saka mabilis na tinapos ang mga Deiyo at Deijo beast sa paligid at kinuha ang mga magic cores ng mga ito saka nagpatuloy sa biyahe.
"Ikaw." Tinuro ni Liwei si Steffy na nakaupo parin sa gitna ng mga nabaluktot na rehas.
"Ano naman ngayon?"
"Dito ka." Sabay turo sa likuran niya. Pwede kasing tatlong Chamnian ang sasakay sa likuran ng magic beast niya.
"Dito lang ako. Mainit diyan e." Sagot ni Steffy at naglabas ng pamaypay na gawa sa buntot ng isang peacock na magic beast. "Paypayan mo ako." Utos niya kay Ruhan.
"Ako? Prinsipe ako." Angal ni Ruhan.
"Reyna naman ako." Sagot ni Steffy. "Reyna ng kalokohan. Sige na, paypayan mo na ako." Kinuha naman ni Ruhan ang pamaypay at nakasimangot na pinaypayan si Steffy.
Nanlaki naman ang mga mata ng mga sundalong Vergellian makita ang ginawang pamaypay ni Steffy.
"Sandali. Buntot iyan ng sacred beast di ba?" Tanong ng isang sundalo sa kasama.
"Ginawa mo lang pamaypay ang buntot ng sacred beast? Alam mo bang maaari ng gawing sandata ang isang piraso ng balahibo niyan?" Tanong ni Min.
Kahit si Liwei, namilog din ang mga mata sa nakita. Hindi basta-basta nakukuha ng sinuman ang isang piraso ng mga balahibo ng mga sacred beast pero ang bihag nilang ito, ginawa lang pamaypay?
Napahinto sila sa biyahe makitang may hukbo ng mga Ecclescian ang nakaharang sa daan.
"Ibigay niyo sa amin ang mga bihag niyo o kayo mismo ang bibihagin namin?" Banta ng mayabang na lalaking namuno sa grupo ng mga Ecclescian.
Gusto nilang dalhin ang mga bihag na Vergellian sa kanilang kaharian bilang ganti sa ginawa nito sa kanila sa himpapawid.
"Sino kayong haharang-harang sa daraanan namin?" Sagot ng captain ng Jadeian.
***
(A/N: Once again, chamni 58 ay mababasa sa Mischievdreamy Wattpad page. Search niyo nalang sa fb. At ang next part nito na Chamni 60. Hindi pa rin ako makakapag add ng new chapter. Tanging ang mga dati ng naka save na chapter lamang ang pwede kong i-update dito sa pagkakangayon. Kung gusto niyong mabasa ang Chamni 68, visit Mischievdreamy Wattpad Page para mabasa.)
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...