"Lumaban kayo. Ganito ba kayo kahina?" Hamon ng isang estudyanteng Mystikan sa mga level 16 na mga mag-aaral sa warrior class.
"Mandirigma ang kursong kinuha niyo tapos takot kayong harapin ang mga kalaban niyo?" Sabi naman ng isa pa.
"Ganito ba kayo dito? Tingnan niyo nga, walo lang kami samantalang isang libo kayo, bakit wala man lang sa inyo ang may lakas ng loob na harapin kami?" Hamon naman ng isa pa.
Lima sa mga Chamnian ang nakahiga na ngayon habang namamaluktot sa sahig. Sila ang maituturing na pinakamalakas sa klaseng ito pero wala man lang silang nagawa para protektahan ang sarili laban sa mga mag-aaral ng IC (Immortal college). Kaya naman, wala ng naglakas ng loob pang lumaban sa mga mayayabang ng Mystikan.
"Ikaw. Halika dito." Napatago naman ang tinurong Chamnian sa likuran ng kasama sa takot na masaktan. Alam nilang kahit mga Syanra level na sila wala parin silang laban sa mga Invincible level na mga Mystikan dahil mas malakas ang mga Mystic energy na taglay nila kumpara sa mga Chamnian energy. Katulad na lamang sa mga Mysterian, na mas mahina ang Syanra level ng Mysterian ki kumpara sa mga nasa Invincible level ng mga Chamnian na may Chamnian Tzi.
Bigla na lamang umangat sa hangin ang nagtatagong Mystikan at dahan-dahang lumalapit ang kanyang katawan sa nagsalitang Mystikan.
"Kung hindi kayo lalabas kami mismo ang lalapit sa inyo." Natatawang sabi ng isang Mystikan.
"Pakawalan niyo si Gavin." Sigaw ni Nick habang pinipilit ang sarili na makatayo. Isa siya sa top 5 na level 16nth disciples. Pero kahit siya, walang magawa sa lakas ng mga Mystikan.
"Ngayon alam niyo na ang agwat ng mga Mystikan at mga Chamnian na katulad niyo. Katulad kami sa mga imortal at ang di marunong sumunod ay mapaparusahan." Sabi ni Lexus.
"Sinabi ng lumuhod kayo at magmamakaawa, baka hindi na namin kayo guguluhin pa." Sabi naman ni Adel at nag-smirked.
"Mga mahihina. Walang kwenta." Naiinip na sabi ni Kenichi. Siya ang Mystikan na palaging nanghahamon ng laban lalo na kapag naiinip na. Gusto lang talaga niyang may libangan kaya palage siyang naghahanap ng mga makaka-duelo. Kaya lang hindi niya inaasahan na mahihina ang mga Syanra level na mga Chamnian na ito. Kung alam sana niya na mahihina sila e di sana'y sa level 17 or 18nth disciples sila nanghahamon ng laban.
"Kung luluhod kayo at magmamakaawa baka maaawa pa kami at babalik na lamang kapag malalakas na kayo." Sabi niya pa.
"Bawal pumasok sa lugar na ito, bakit ba kayo nagpunta dito?" Tanong ni Zin na nag-alalang baka makita sila ng mga Mystikan na ito at mapapahamak pa ang mga batang binabantayan nila. Siguradong mapaparusahan sila kapag nangyari yun.
"Bakit di man lang sila lumalaban?" Nagtatakang tanong ni Steffy.
"Anong laban ng isang Chamnian sa Mystic energy? Maliban nalang kung isa kang Mystic level? Ibig sabihin isa ka na ring Mystikan." Sagot ng isa sa mga kawal.
"Ganon pala yon?" Makitang pinipilit ng mga Mystikan na lumuhod ang mga Chamnian nag-isip naman ng paraan ang si Steffy.
"Sandali lang." Sabi niya. Ilang sandali pa'y napangiti. Kinausap ang mga kaibigan sa isip. Natuklasan niyang nakakausap parin niya ang mga kaibigan ngunit kailangang nasa loob ng 100 meters radius lamang ang layo nila.
Sabay-sabay na tumakbo na parang kidlat sa bilis sina Rujin, Steffy at Hyper.
"May alam ba kayong mga kandila sa paligid?" Tanong naman ni Sioji na ipinagtataka nina Zin.
"Sa east wing, may storage room sa lugar na iyon at may mga kandila din silang ginagamit para pang-ilaw sa loob." Sagot ni Zin. "Aanhin niyo..." Di na natapos ang tanong dahil naglaho na sa tapat nila sina Sioji, Asana at Izumi. "Aanhin nila ang mga kandila?" Tanong ni Zin. Nagkibit balikat naman si Miro.
Wala din kasi siyang alam kung anong kalokohan na naman ang pumasok sa isip ng mga kabataang iyon. Basta sigurado siyang may hindi mangyayaring maganda sa sinumang mapagtitripan ng grupo nina Steffy. Napatingin si Miro sa mayayabang na mga Chamnian at napasindi na ng kandila sa kanyang isip.
Mga Mystikan sila at malalakas. Wala ngang laban sina Steffy kung kapangyarihan ang pag-uusapan pero kung sa pamimikon baka nangunguna ang mga ito.
"Nakikiramay ako sa mga Mystikan ngayon." Sambit niya pa na ikinakunot ng noo ni Brix.
"Bakit sa kanila ka nakikiramay?" Di niya napigilang itanong. Nagulat pa si Miro dahil kinausap siya ni Brix sa unang pagkakataon.
"Malalaman mo rin." Sagot niya na lalong ipinagtataka ni Brix at sa mga kasama nilang mga Arkian. Kaya napatingin sila kina Aya at iba pa na may nagtatanong na mga mata. Kaso isa-isa na rin palang naglaho sina Aya, Arken, Geonei at Shaira na di man lang nila namalayan kanina.
"Sana nakakapag-teleport din ako kahit na wala akong Chamnian energy na magagamit." Sambit ni Zin at napabuntong-hininga.
"Ano ba talagang binabalak ng mga batang iyon?" Tanong ng kasamang Arkian.
Kumuha naman si Miro ng camera para makapag-video. Halatang nai-excite na sa susunod na mangyayari.
"Manood na lamang kayo kung gusto niyo." Nasasabik niyang sambit na mas ikinakunot ng noo nina Brix at ng mga Arkian na kasama nila.
***
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Novela JuvenilMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...