Napakunot ang noo ni Steffy makita si Orion. Mas madalas kasing sa Haimyr ito nananatili at gumawa na ng tahanan sa loob.
"Nagkagulo sa Vergellia kaya lumabas ako para masabi sa'yo." Sabi nito kay Steffy at muli ng naglaho.
"Grabe naman to si Kuya Orion may pamisteryos epek pa?" Sambit niya na nakatingin kung saan nakatayo kanina si Orion.
Naglaho na rin si Steffy sa tapat nina Mustapa.
"Hindi kaya anak ng imortal ang batang yun?" Tanong ni Rino kay Amelon.
"Imposible. Ang aarte kaya ng mga imortal? Hindi sila basta-basta nakikipag-usap sa mga tulad natin." Sagot ng kasama nila. "Saka mga nilalang sila na sa malayo lang natin natatanaw at di nalalapitan."
Napatigil sila makita ang tatlong nilalang na lumapag sa tapat nila. Ang isa may gintong buhok, ang isa naman may puting buhok, habang isa kulay itim ang buhok.
Nakalutang sila sa hangin at palingon-lingon sa paligid.
"May nakita ba kayong mga cute na mga kabataan na napagawi dito?" Tanong ng may gintong buhok habang tinitingnan ang buong paligid.
"I-imortal. Imortal." Nauutal-utal nilang sambit makita ang tatlong bagong dating na mga imortal.
"Sabi ko na sa'yo bilisan natin baka maabutan pa natin sila. Ikaw kasi e." Paninisi ng may black hair sa may golden hair.
"Sino ba kasing nakakita ng magandang babaeng halimaw at muntik ng mahulog sa ilusyon ng halimaw?" Sagot ng may gintong buhok at nag-tsk.
Galing sila sa Jinoma na isa sa sinulpotan rin ng portal at ginapi muna nila ang mga halimaw na nagsilabasan mula roon bago sila nagmamadaling pumunta sa Miraha. Hindi para mapatay ang mga halimaw kundi para makita ang sinumang gumalit sa mga Mystikan lalo na sa kaaway nilang si Kreid.
"Sisihin niyo si Jiro. Ang tagal ipinaalam sa atin ang mga kaganapan dito. E di sana'y nakapanood din tayo." Nakangusong sambit ng black haired imortal.
"Hanapin nalang natin sila baka di pa yun nakakalayo." Sabi ng silver haired Imortal.
Muli na silang lumipad palayo.
"Pakiramdam ko mamamatay na ako." Sambit ng katabi ni Channer dahil sa sobrang bigla. Nakalimutan na nga nilang lumuhod makita ang mga imortal na sa mga palabas lamang nila nakikita.
Nagiging buo rin ang paniniwala nila na mga descendants ng mga imortal sina Steffy at iba pa.
Nakatulala silang naglakad pababa ng Miraha Mountain. Maraming mga imposible ang nasaksihan nila sa pananatili nila sa Miraha at hindi pa ito mada-digest ng kanilang mga utak.
Nanlaki ang kanilang mga mata makita ang mga mamamayan malapit sa Miraha na naghihintay pala sa sinumang huling bababa ng bundok.
"Nandito na ang mga tagapagligtas natin."
"Nandito na sila."
"Nakababa na sila."
Nagsiingay ang mga ito makita sina Mustapa at iba pa.
May mga dala ang mga mamamayan ng mga prutas, mga alahas at iilan sa mga regalong maaari nilang maibigay sa itinuturing nilang mga hero.
"Nagkakamali kayo. Hindi kami ang hero niyo kundi ang mga kabataang nagligtas sa amin." Paliwanag ni Mustapa na halos takpan na ang mukha sa hiya.
"Eh? Pero sabi ng mga kabataang bumaba kanina na kayo daw ang huwarang mandirigma na dapat pasalamatan." Nakakunot ang noong sabi ng isang ginang na may dalang maraming prutas at iilang mga pagkain.
"Sabi po nila, mga huwaran kayong dapat tularan. Mga magigiting na mandirigma na hindi basta-bastang sumusuko kahit gaano kapanganib ang sitwasyon." Sabi naman ng isang matanda.
"Ah?" Napakamot na lamang si Mustapa sa ulo. Nahihiya siyang tanggapin ang mga papuring ibinigay ng mga Chamnian na sumalubong sa kanila.
"Tingnan niyo." Sabay turo ni Channer sa imahe na nakalutang sa hangin. Ito ang mga eksena noong nakikipaglaban sila sa mga halimaw at Deiyo beast.
"Sinong nagpakita ng mga eksenang iyan?" Tanong ni Mustapa sa mga Chamnian na sumalubong sa kanila.
"Nakikita ng buong Chamni ang kagitingan at katapangan ninyo." Sabi ng isang babae.
Maririnig sa paligid ang mga tawa makitang naisahan ang mga Mystikan. Hindi nila gaanong namumukhaan ang hitsura ng mga kabataan ngunitn may sulat na nakalutang sa ibabaw ng mga eksena na gawa sa pulang liwanag bilang caption sa palabas. Na may nakalagay na "Team Bratty."
Lalo namang dumilim ang mukha ni Kreid makita ang sariling mukha sa isang palabas mula sa mga artifact nila. Hindi niya alam kung sino ang nagpakalat sa mga eksena sa Miraha Mountain ngunit may hinala siyang kagagawan na naman ito ni Jiro. Si Jiro lang kasi ang may kakayahang magkontrol sa lahat ng mga artifact na ginagamit nila para mapapanood ang mga tunay na nangyayari sa buong Mysteria.
"Jiro Heal!" Nanginginig ang mga kamao niya at tumutunog na ang mga ngipin niya sa mariing pagdikit niya ng labi.
Isinandal naman ni Jiro ang likuran sa kanyang inuupuan at kapansin-pansin ang malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Ang yaman-yaman na ng apo ko. Gawan ko kaya siya ng palasyo sa Mystika?" Sambit niya pa ngunit umiling.
"Di pwede. Lalo lang tatamarin." Tumingin ulit sa eksena na nakalutang sa ere. Parang isang transparent screen ngunit kitang-kita ang mga pangyayari sa Miraha ngunit may inalis siyang mga pangyayari tulad nalang sa pangggamot nina Asana sa mga Chamnian at sa pag-uusap nina Steffy at Mustapa.
Sinigurado lamang niya na magiging hero ang limampung mga Chamnian na nagpaiwan at mapapahiya naman ang mga Mystikan saka magiging kilala ang bratty gang. Ngunit di niya ipinakita ang mga mukha ng Bratty gang. Iyun ay dahil gusto lang niyang mabahala ang mga kalabang nagtatago ngunit di nila makikilala ang mga miyembro ng bratty gang sakali mang hahanapin nila. Maliban nalang kung isa sila sa mga nandoon sa Miraha Mountain.
"Ano na naman bang kalokohan ang pinagagawa mo? Di mo ba alam na maaaring ikakapahamak ng mga batang iyon ang ginawa mong iyan?" Di makapaniwalang sambit ni Saimar.
"Kinukunsenti mo pa ang batang yun. Gusto mo ba talagang mahihirapan siya bago makakabalik sa Mystika?" Dagdag pa nito.
"Palatandaan lang ito na hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya." Sagot ni Jiro na ikinatahimik ni Saimar.
"Paano kung darating na ang araw ng paglilitis? Makakaya niyo pa bang protektahan ang mundong ito?" Sambit ni Saimar na halos pabulong na lamang.
Napawi naman ang mga ngiti sa labi ni Jiro. Humugot ng hininga ng ilang ulit bago muling nagsalita.
"Ipapaubaya ko na lamang sa mga bata ang pasya. Kung kaya ba nilang protektahan ang mundong nagtakwil sa kanila o hahayaan na lamang itong mabura ng tuluyan at iligtas ang kanilang sarili." Sambit niya.
Ikinumpas ang kamay at naglaho ang transparent screen sa ere.
***
(Nakalimutan ko na of nabigyan ko na ba ng pangalan ang tatlong misteryosong imortal na iyan o wala pa. Ang haba na kasi kapag magba-backread na naman ako. Kaya ayan, black hair, golden hair at silver hair pa rin tawag sa kanila sa part na ito. ✌️✌️✌️)
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...