Inggit na inggit ngayon ang halos lahat ng mga estudyante sa Sai School dahil sa pagmamay-ari na ni Daerin ang tahanan at kayamanan na ibinigay ng hari sa grupo ni Steffy.
Hindi na siya isang ulilang walang tirahan at kayamanan. Inayos na rin ang mga luma at mga nasirang mga gusali at mga kagamitan sa Sai School gamit ang bigay na mga kayamanan ng Saynah clan bilang compensation sa mga kasalanang nagawa ng Saynah Academy sa Sai School. At ang Donfen clan naman, magsisimula sa pagiging mahirap na mamamayan sa Saidore.
Kasama naman ngayon ng Bratty gang ang hari at si Elder Jiure.
"Kailangan namin ng malakas na representatives ng kaharian kaya lang isa-isang nagkakasakit ang mga malalakas na mga kabataan namin sa Saidore." Sabi ng hari.
Sa bawat panahon na may bagong henerasyon na makikitaan ng potensyal at posibleng magiging karapat-dapat na representatives ng kaharian para lumaban sa battle competition, bigla na lamang silang nagkakaroon ng kakaibang karamdaman. Minsan naman, may aatake sa kanila at sa kanilang pamilya at magkakaroon ng malubhang sugat hanggang sa hindi na maaaring lumaban sa papalapit na competition.
Dahil dito ang lahat ng mga makikitaan nila ng kakaibang kakayahan, ipinapadala agad nila sa ibang kaharian para makapagtago. At saka na lamang ibabalik kapag may sapat na silang lakas at kakayahan para maprotektahan ang kanilang mga sarili.
Isa sa mga kabataang may kakaibang kakayahan ay sina Razenei, Hakuah, Daerin, Haejae, Yuzin, Yuna, Blade, Saiyura at Saiyuchi. Sila ang iilan sa mga kabataang maituturing na kakaiba at may potensyal na magiging mas malakas kaysa sa iba sa kanilang henerasyon, ngunit sa mga kabataang ito, iilan lamang sa kanila ang nanatiling buhay sa ngayon at ang iba ay matagal ng nawala ni di alam kung saang parte ng mundo na sila napadpad o kung buhay pa ba sila o patay na.
Apat na taong gulang ang batang babae na si Razenei nang matuklasang may kakaiba siyang kapangyarihan at kaya niyang talunin ang mga Mysterian na nasa Syanra level. Mula siya sa kaharian ng Central Area ng Arciana ngunit isang araw, bigla na lamang nilusob ng mga di kilalang mga Mysterian ang kanilang kaharian at sinunog ang buong kaharian at walang nabuhay ni isa sa mga kalahi niya. Siya ang kilalang pinakaunang genius ng Arciana ngunit magmula sa araw na iyon, wala ng nakakaalam kung buhay pa ba siya o hindi na.
Si Hakuah naman ang adopted daughter ng leader ng Sai clan at marami ang nagmamahal dito kahit hindi siya tunay na anak ng lider ng Sai clan. Habang lumalaki, makikitaan na siya ng kakaibang lakas at sa edad na limang taon, napatay niya ang sampung Syanra level na mga Deiyo beast na bigla na lamang lumusob sa tahanan nila. Ngunit isang araw nilusob ang Sai clan ng mga di kilalang Mysterian at sa gitna ng kaguluhan, isang kulay itim na higanteng dragon ang bigla na lamang sumulpot at tinangay ang bata at magmula noon wala ng nakakaalam kung nasaan na siya at kung ano na ang nangyari sa kanya.
Si Daerin naman nakikitaan na ng kakaibang kakayahan simula pa bata ngunit isang taong gulang pa lamang siya ng lusubin ng mga Diagonian ang kanilang pamayanan at sa kanilang lugar tanging siya lang ang nakakaligtas kaya lang, natuklasan ng lahat na kaya siya nakaligtas dahil mayroon na siyang Diagonian blood na posibleng pinainom o itinurok sa kanya para lamang hindi siya patayin ng mga Diagonian. At dahil sa dugong ito, nilalayuan siya ng lahat at kinatatakutan.
Galing naman sa Assassin clan si Haejae at matatawag na pinakamagaling na batang assassin sa buong Arciania. Ang pamilya niya ang tinatawag ng mga hari sa Arciana para mahuli ang mga kriminal na tumakas sa mga kaharian ngunit isang araw bigla nalang ding namatay ang kanyang buong angkan na walang nakakaalam sa tunay na dahilan habang siya naiwan na sugatan at magmula noon humina na siya at di na kasing lakas noong hindi pa nangyari ang aksidente sa kanyang pamilya.
Sina Yuzin at Yuna naman ang susunod sana sa yapak ng dating genius na sina Saiyuchi at Saiyura ngunit habang nasa isang school mission sila, inatake sila ng mga di kilalang mga Mysterian. At dahil sa pagliligtas kay Yuzin, natamaan si Yuna ng poisonous ice blade at magmula noon hindi na kaya ni Yuna ang mga malalamig na temperatura at bilang nalang din ang araw niya kaya pinadala sila sa Wynx Empire para makahanap ng gamot sa sakit nito. Dahil narinig nila na may manggagamot sa Wynx Academy na kayang gamutin ang ang sakit ni Yuna.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Dla nastolatkówMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...