Chamni 66: Rujin and Ruhan

1.6K 196 46
                                    

Napatigil sa paglalakad si Steffy dahil ramdam niya na maraming enerhiyang ginagamit ni Izumi.

"Anong ginagawa ng isang yun at sobrang dami ng enerhiyang ginamit niya ngayon?" Sambit niya sa isip.

"Nandito na tayo." Sabi ni Ruhan. Kaharap nila ang isang malaking ipo-ipo na may mga kidlat pang kasama.

"Kailangang may dugong Perzellian ka kung ayaw mong matusta ng kidlat." Sabi ni Ruhan at tiningnan si Steffy.

"Kung gano'n may lahing Perzellian sila?" Tanong ni Steffy at nakatingin kina Liwei at Shawn.

"Perzellian ang aking ina." Sagot ni Shawn.

"Gano'n din ako." Sagot din ni Liwei.

"E di walang problema."

"Bakit? Perzellian ka rin ba?" Tanong ni Ruhan kay Steffy.

"Hindi. Pero umuurong ang kidlat sa ganda ko."

"Umayos ka nga. Life and death to. Kaya magseryoso ka diyan." Sagot ni Ruhan.

Naglakad palapit si Steffy sa naglalakihang mga kidlat na bumabagsak mula sa langit. Inilahad ang kamay at pinatama sa bumubulusok na kidlat. Hihilahin na sana siya ni Ruhan ngunit bumagsak na ang kidlat. Hindi nasunog si Steffy kundi pumapasok ang mga boltahe ng kidlat sa kanyang mga palad.

"Ang mundong ito at ako ay iisa. Kaya hindi ako masasaktan ng enerhiyang nanggagaling sa mundong ito." Sambit niya saka inalis ang kamay.

"Ano pang hinihintay niyo? Tara na." Sabi niya sa nakatulalang mga kasama.

Ang mga mandirigma namang nakabuntot sa kanila nakaawang pa rin ang mga bibig.

Nagbubulungan ang mga ito ngunit hindi naman lumapit sa kinaroroonan nina Steffy.

"Nakita niyo yun? Di siya napano." Sabi ng isang mandirigma sa mga kasama.

"Nakita ko, di ako bulag." Sagot ng katabi.

"Di nga ako bulag pero di ko nakita. Ang laki-laki kasi ng ulo mo." Sagot naman ng nasa likuran.

"Siya kaya ang piniling tagapangalaga ng Perzellia?"

"Kung siya, hindi natin hahayaang makapasok siyang mag-isa sa Perzellia baka ipapatay siya ng pamilyang Wen." Sagot ng isa pa.

"Di nga siya naapektuhan sa kidlat na sumusunog sa mga malalakas na Mysterian ang pamilyang Wen pa ba na mas mahina pa sa kidlat na iyan?"

"Oo nga no. Ibabalita natin agad sa pamilyang Wen ang existence niya."

"Sira ka ba? Dapat nga pinoprotektahan natin siya."

"Para maagang mamatay ang pamilyang Wen."

"Ssh! Baka may makakarinig sa inyo. Mapaparusahan na naman tayo." Sabi ng captain nilang si Changle. Agad naman silang tumahimik.

Papasok na sana sina Steffy nang makarinig sila ng isang tawag.

"Sandali!"

Isang malaking liwanag na parang kidlat sa bilis ang bigla na lamang bumagsak sa tapat nina Steffy. Nabalot ng mga alikabok ang buong paligid sa biglaang pagbagsak ng unidentified flying object na ito. Nabalot ng mga alikabok ang mga nilalang sa paligid. Ang mga mahihina ay tinangay ng hangin.

Bumagsak sa lupa ang mga sakay sa maliit na bangka dahil sa biglang pagtigil nito.

"Langya ka Rujin! Bubugbugin kita." Galit na sigaw ni Geonei at sinakyan ang kaibigan na katulad niyang bumagsak din sa lupa.

"Sorry na kasi. Di ko sinasadya." Sagot ni Rujin na napapangiwi dahil ni-wristling na siya ng kaibigan.

Napatigil sila nang may tumamang paa sa mga pang-upo nila na ikinagulong nila ng ilang ulit.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon