Chamni 15: Mission guild

1.6K 157 6
                                    

Nagulat naman ang limang Arkian na tagapagbantay nina Steffy makitang bigla na lamang sumulpot sa tabi nila sina Asana at iba pa.

"Pinalayas kayo ni Master Lingshi?" Nag-aalalang tanong ni Zin.

"Opo." Magalang na sagot ni Steffy.

"Hindi kayo pinarusahan?" Tanong naman ni Prim.

Kadalasan kasi, nagbibigay lamang ng parusa si Master Lingshi at hindi nagpapalayas. Kaya naman nagtataka sila kung bakit pinalayas sina Steffy.

"Ihatid niyo kami sa Mission guild. Mas gusto naming kumuha ng mission." Sabi naman ni Steffy.

"Pero hindi maaari. Tungkulin naming bantayan kayo at siguraduhing pumasok sa klase."  Sagot ni Hoffer. Ang tagapagbantay ni Izumi.

"Kung ayaw niyo e di kami nalang." Sagot agad ni Steffy at iniwan ang mga Arkian na tagapagbantay nila.

"Sandali. Ihahatid na namin kayo." Mabilis na sagot ni Zin.

"Pero Zin." Sambit ni Prim na hindi alam ang gagawin.

"Mamili ka. Ang mahihirapan tayong hanap-hanapin sila o ang sasamahan nalang natin sila?" Tanong ni Zin.

Natigilan naman sila. Maalala ang bilis ng mga kabataang ito maging ang kakaiba nilang mga lakas kung gustuhin nilang takasan silang mga tagapagbantay tiyak na madali lang iyon para sa mga batang ito. At mas mahihirapan pa sila sa paghahanap sa mga babaeng ito kung tatakasan sila. Kaya mas mabuti pang sasamahan na lamang nila ang mga pasaway na mga batang ito saka na lamang nila tatanggapin ang kanilang mga parusa.

***

Nakasakay ng muli sina Steffy sa sasakyan at tinatahak na nila ang puting daan papunta sa Mission guild ng CMA.

"Ilang minuto po ba bago tayo makarating sa mission guild?" Tanong ni Izumi.

"Apat na oras." Sagot ni Zin.

"Apat na oras pa? Ang tagal naman kung ganoon." Sambit ni Aya habang nakatuon ang tingin sa pinapanood na video sa kanyang miliphone.

"Buti pang matutulog na muna ako. Gisingin niyo na lang ako kapag nakarating na tayo." Sabi ni Izumi sabay sandal ng ulo sa balikat ni Asana at ipinikit ang mga mata.

"Sandali lang. Itigil niyo muna ang sasakyan." Biglang sabi ni Steffy na nakadungaw na ngayon sa may bintana. Itinigil naman ni Prim ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Mabilis na bumaba si Steffy at naglagay ng teleportation stone sa gitna ng kalsada. Isang portal ang nabuo sa ibabaw ng maliit na teleportation stone. Kasinglaki lamang ng kamao ang nasabing portal hanggang sa lumaki ito ng lumaki at tamang-tama ng mapasukan ng kanilang sinasakyan.

"Ipasok niyo na." Sabi ni Steffy.

Ipinasok naman ni Prim ang kanilang sasakyan sa portal.

"Ngayon lang ako nakakakilala ng mga Chamnian na nakakapagpalabas ng teleportation stone anumang oras nilang gustuhin." Sambit ni Hoffer.

"Kung makapagsayang ng mga teleportation stone ang mga kabataang ito parang hindi yata mauubusan." Sambit naman ng kanyang katabi.

"Hindi ba kayo nanghihinayang na ginagamit niyo lang sa pang-araw-araw na biyahe ang mga teleportation stone na iyan?" Tanong ni Zin nang makabalik na si Steffy sa sasakyan habang hawak ng muli ang bato.

"O baka naman hindi niyo alam kung gaano kahalaga ang mga bagay na meron kayo?" Dagdag niya pa.

"Hindi naman kami nauubusan e. Kapag nauubusan kami gagawa na lang kami ulit. At kapag wala na kaming enerhiyang gumawa ng ganito makihiram na lamang kami sa mga Mystikan. Siguradong maraming laman ang mga space ring nila."

Hindi pa man nakaharap nina Steffy ang mga Mystikan pero binabalak na niyang ‘maki-harvest’ na naman.

"Pumunta sila dito para makiagaw sa yamang hindi kanila kaya naman hindi naman siguro masamang makihati sa yamang dala nila di ba?"

Napalingon-lingon ang mga Arkian. Nag-alala na baka may makarinig sa sinabi ni Steffy.

"Ang batang to, hindi ba siya kinikilabutan sa mga pinagsasabi niya?" Pinagpapawisan na sambit ni Hoffer sa sarili.

"Wag po kayong magsasabi ng ganyan sa lugar na ito shida. Baka may makarinig sa atin." Nag-aalalang sabi ni Zin.

"Tama!" Biglang sabi ni Aya.

"Tama nga." Tumango-tangong sambit ng mga Arkian. Natutuwang naintindihan ni Aya na hindi maganda ang magsasabi ng salitang maglalagay sa buhay nila sa kapahamakan. Ngunit biglang namilog ang kanilang mga mata sa idinugtong ni Aya.

"Bakit di ko yon naisip? Ang galing mo talaga Steffy." Sabay high-five nina Steffy at Aya.

"Tsk! Tsk! Wag na muna kayong gumawa ng mga kalokohan. Wala pa tayong mga kapangyarihan." Paalala ni Asana.

"Mas maganda pa nga yon e. Hindi tayo mapagdududahan." Sang-ayon ni Izumi na hindi makaidlip dahil sa ingay ng mga kasama. Tumalim naman ang tingin ni Asana.

"Izumi, kailan ka pa nagiging padalos-dalos ha?" Tanong ni Asana habang pinandilatan ng mga mata si Izumi.

"Ano bang pinag-aalala mo Ash, di naman tayo magpapahuli e." Sagot ni Shaira.

"Oo nga. Kailan ka pa ba nagiging matakutin ha?" Sagot naman ni Aya.

"Ikatlong araw pa lamang natin sa lugar na ito, kung ano-ano ng mga kababalaghan iyang pumapasok sa isip niyo. Magpigil-pigil nga kayo diyan." Sermon ni Asana na ikinanguso ng mga kaibigan.

"Ganito ba talaga ka walang takot ang mga batang ito?" Tanong ni Prim sa sarili.

Maalala ang ginawa ng mga kabataang ito kahapon hindi niya alam kung mag-aalala ba siya o mamamangha sa mga katapangan nila. Walang sino man sa mga Chamnian ang may lakas na gawin ang mga ganoong bagay sa mga Mystikan maliban lamang sa mga batang ito. Kaya hindi na siya gaanong nagtataka kung magagawa nga nina Steffy ang anumang mga binabalak nila sa mga Mystikan na naninirahan ngayon sa Chamni.

"Mukhang mahilig gumawa ng gulo itong mga binabantayan namin. Ako tuloy ang kinabahan sa mga binabalak ng mga to. Kapag nahuli sila lagot din kaming mga tagapagbantay." Sabi naman ni Reyniel.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon