"Wala ka na bang naisip na ibang plano?" Tanong ni Sioji.
"Wala na e. Ikaw ba meron?"
"Ikaw lang naiisip ko." Seryosong sagot ni Sioji. Ngunit natamaan siya ng sapok na ikinaungol niya.
"Magseryoso ka nga. Seryoso ako dito e kung ano-ano naman pinagsasabi mo." Naiiritang sagot ni Asana. Mas lalo siyang nairita makitang nagsisikuhan sina Izumi at Aya at nagkikindatan pa.
Nakangiti rin si Shaira na parang kakaiba na dahilan para kilabutan si Asana.
Tumikhim naman si Arken bago magsalita. "Ano kaya kung baguhin natin ang ating anyo tapos didikit tayo sa mga Perzellian ba o sa alinman sa target nating kaharian." Suhestiyon niya.
"Mas matalas ang pandama ng mga nanggaling sa Invincible clan. Baka mamaya mahuli pa tayo." Sagot ni Asana.
"Mang-akit nalang tayo ng mga Jadeian." Suhestiyon naman ni Rujin.
"Iyon ay kung may maaakit sayo." Sagot naman ni Aya.
Bigla namang nagliwanag ang mga mata ni Geonei makita ang cute na mukha ni Aya. "Magpapanggap nalang kaya tayong kaawa-awa tapos magpapa-cute ka Aya sabay patulo ng luha mo. Tapos kapag naaawa na sila sayo, posibleng dadalhin ka nila papasok sa kanilang kaharian."
Inisip ni Aya na magpa-cute sa ibang Mysterian kinikilabutan siya. Baka mamaya sinunog pa niya ang mga ito.
"Makiglaban nalang, game ako diyan." Sagot naman ni Aya.
"Gawa nalang kasi tayo ng kasalanan. Mas madali pang mang-inis e. Forte natin yun." Mayabang naman na sambit ni Hyper.
"Ipinagmamalaki mo pa talaga ha?" Sambit ni Asana na napapaikot na lamang ng mata.
"Kakayahan tawag don, kakayahan." Sagot ni Hyper sabay suklay ng buhok gamit ang mga daliri.
***
Nakatingala ngayon si Min kay Steffy na nasa itaas parin ng puno.
"Bumaba ka diyan."
"Utos ba yan?"
"Bumaba ka o kaladkarin ka namin pababa?" Banta ni Min.
"Kung sino ang may kailangan siya ang lumapit." Sagot ni Steffy.
Tiningnan ni Min ang isa sa mga sundalong kasama.
Mabilis namang umakyat ang sundalo sa puno at nang makarating sa kinaroroonan ni Steffy, bigla na lamang tumalon ang babae pababa.
Sundalo: Bakit mo pa ako pinaakyat kung tatalon ka din naman pababa?
"Tara na. Nangangalay na ang pang-upo ko sa kauupo." Yaya ni Steffy sa kanila at nauna pang maglakad.
Nagkatinginan naman sina Min at ang mga sugatan niyang mga sundalo.
"Captain, di kaya may mga kasamahan siyang naghihintay lang ng pagkakataon para atakehin tayo kaya siya kusang sumama?" Tanong ng right hand man ni Min.
Napatingin si Min kay Steffy na tumatalon-talon pa habang naglalakad na parang mga kakilala lang niya ang mga kasama ngayon.
"Ano kayang pakulo ng shidang ito?" Sambit niya at sinundan si Steffy.
"Mag-iingat kayo. Baka may aatake sa atin na mga kasamahan niya." Sabi niya sa mga sundalo niya.
Kinuha ang communication tools ng kaharian nila at tinawagan ang mga kasamahan nila na nasa iba't-ibang panig ng Chamni para may makakatuwang sila sakali mang may darating na panganib.
Isang sasakyang panghimpapawid ang lumapag sa tapat nila.
"Suotin mo ito para makasigurado kami." Sabi ni Min at pinasuot kay Steffy ang isang pulseras na makakapagpapatigil sa sinumang Chamnian sa pagamit ng kanilang mga kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Novela JuvenilMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...