Sumulpot naman sina Steffy sa tapat ng gate ng CMA. Nakasabay nila ang iilang mga estudyante na papasok din sa paaralan.
"Magsitabihan kayong lahat. Dadaan ang mga bisita." Sabi ng mga estudyante or disipulong nagbabantay sa gate.
"Woah. Parang mga hari lang ang style a. Biruin mo, lahat kailangan pang tumabi?" Sambit ni Steffy.
"Hindi na mga hari o emperador lang ang dadaan kundi mga imortal kaya tumahimik ka diyan." Siniko pa ni Asana si Steffy para tumahimik na ito.
"Nakaka-curious naman. Sino kaya iyang sinasabi nilang mga imortal?" Sambit naman ni Aya.
"Huy kayo. Bakit nakatunganga lang kayo diyan? Tabi!" Sigaw ng isang lalaki kina Steffy. Inihampas nito sa sahig ang latigong hawak. Nagsiliparan ang mga alikabok sa katawan ng magkakaibigan.
"Dinumihan mo ang damit ko?" Akmang susugod si Aya pero hinila siya ni Izumi.
"Huminahon ka."
Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga ubo at nakikitang nakaligo na ng alikabok ang lalaki.
"Kayo!" Nanggigil niyang sambit sabay turo sa grupong painosenteng makatingin sa kanya. Ni di niya alam kung sino sa grupo ang dahilan kung bakit nagtungo sa kanya ang mga alikabok sa paligid.
"Sino sa inyong gumawa nito?" Humakbang siya palapit nang madulas sa isang malagkit at madulas na bagay na ikinaupo niya sa basang sahig. Hinanap niya kung sino ang may gawa ngunit wala siyang makitang posibleng maygawa non kundi ang mga kabataan lamang ito.
Ang totoo napagdiskitahan lang niya ang bratty gang sa pag-aakalang nandito sila para masilip ang mga imortal. Kapansin-pansin kasi ang magagandang tindig at pangangatawan ng grupong ito. Lalo na ang mga mukha. Iniisip niyang baka isa sila sa mga Mystikan na napadpad dito para manggulo sa mga bisita o ba kaya para mag-espiya.
Posible ring mga ordinaryong mga Chamnian lamang sila na gustong makita ang mga bisita ng CMA. Para sa kanya walang karapatan ang mga ordinaryong mga Chamnian na makita ang mukha ng mga special guest nila lalo na ng mga imortal. Hindi niya kilala sina Steffy at wala ang grupo niya sa CMA noong mga panahong nasa CMA pa sina Steffy.
Itinaas niya ang latigo na nababalot na ng Chamnian Tzi para ihampas sa bratty gang nang bigla na lamang may bumuhos na malamig na tubig at sa halip na matanggal ang mga alikabok lalo lamang dumikit sa kanyang mga balat nang mabasa.
Galit na galit siyang napatingin sa grupo ng mga kabataang painosente paring nakatingin sa kanya.
Makitang parang inaapi ang kasamahan nila di na nakapagpigil ang iba at nagsilapitan na rin.
"Bakit niyo pinapahiya si Senior Suien?" Tanong ng isa sa apat na mga disipulo na lumapit.
"May ginawa ba kami? Nakatayo lang kami dito o." Sagot naman ni Hyper at nagkibit-balikat pa.
Makitang mukhang may nanggugulo na naman, lumapit na ang lider ng mga disipulo na nandito upang salubungin sana ang mga bisita.
"Ano ang nangyayari dito?" Tanong ng isang lalaking nakasuot ng red uniform. Kadalasan sa mga nakakapagsuot ng mga kulay red ay mga special students katulad na lamang sa mga Mystikan noon pero sa sitwasyong ito isang CMA disciple ang lalake na may special identity sa CMA.
"Ang mga batang yan, nandito para makita ang mga bisita. Sinabihan ko sila na tumabi, kaso ayaw nilang makinig at pinahiya nila ako." Sagot ni Suien. Hiyang-hiya kasi siya sa sinapit niya ngayon at gusto niyang gantihan ang grupong ito.
"Kung makapagtaboy kasi parang nantataboy ng aso. Ganito ba kayo magtrato ng junior niyo?" Sagot naman ni Shaira.
Napatingin sila kay Shaira at sa lalaking nakapula. Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng mga mata ng dalawa.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...