Chamni 73: Piliin ang dapat tulungan

709 62 0
                                    

Umupo si Steffy sa gilid ng natumbang puno at pinagmasdan ang laban. Natigilan siya makita ang isang cute na mukha na nakatingala sa kanya.

Nakaupo ito sa lupa at nakalagay ang dalawang kamao sa magkabilang pisngi habang nakatitig sa mukha ni Steffy. Parang gusto niyang kurutin ang cute na ilong nito kaya naman kinurot na niya.

Napahawak ng ilong si Kwetsy at sinamaan ng tingin si Steffy.

"Hindi na kita crush. Bakit mo kasi kinurot ang ilong ko?" Sabay baling ng mukha sa ibang direksyon.

Tumawa naman si Steffy sa narinig.

Napaawang naman ang bibig ni Kwetsy na nakatulala na naman sa mukha ni Steffy.

"Inlove na yata ako—aray ko!" Kinatok kasi ni Chinde ang tuktok ng kanyang ulo.

"Kahiya ka talagang bunso ka. Lahat nalang ng hinahangaan mo sinasabi mong crush mo na. Mahiya ka nga." Bulong ni Chinde sa kanya bago nito nginitian si Steffy.

Si Steffy naman pinakiramdaman ang sarili. Ramdam niya ang koneksyon nila sa dalawang magkapatid.

Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng malakas na mga sigaw ng mga Chamnian. Napatakip sila ng ilong at bibig para di makalanghap ng alikabok.

Bumagsak na pala ang higanteng halimaw na parang paniki sa tapat nila.

Tinanggal na ng isang mandirigma ang crystal core ng halimaw ngunit nilapitan siya ng ibang grupo.

"Kami ang nakapatay sa halimaw, kaya nararapat lamang na sa amin ang crystal core nito." Sabi ng lalaking may suot na brown na kapa.

"Kami ang may malaking naiambag kung bakit ito namatay kaya mas nararapat na kami ang makakuha ng crystal core nito."

"Wag nga kayong maingay. May natutulog dito sa taas." Angal ni Arken na nakahiga sa isang sanga ng puno. Ang lahat ng mga puno sa paligid natumba na ngunit nakatayo parin ang dalawang puno kung saan naroroon sina Ruhan at Arken.

"Saka wag po kayong mag-away sa harapan ng mga bata. Baka gayahin pa kayo." Sagot ni Aya na gumagawa ng bonfire.

"Oo nga po. Baka gayahin pa kayo e. At lalaki kaming magiging katulad niyo." Sagot naman ni Kwetsy.

Nagkatinginan ang mga Chamnian. Ang mga malalaking mga Chamnian tumilapon dahil sa hanging likha ng pagbagsak ng halimaw samantalang ang mga kabataang ito, hindi man lang natinag na ipinagtataka nila.

"Steffy, Aya, halikayo dito. Kitang-kita mula dito ang magandang view." Tawag naman ni Shaira na nakaupo na sa tuktok ng isang nakalbo ng bundok.

Agad namang naglaho sina Steffy sa kinatatayuan at lumitaw sa tapat ni Shaira at Asana. Ilang sandali pa'y makikita na sa tuktok ng bundok ang labing anim na mga kabataan. Hinihingal naman si Liwei na umakyat sa bundok kasama sina Ruhan at Shawn.

"Bakit kayo nang-iwan ha? Alam niyo namang di ko nagagamit ang kapangyarihan ko." Angal ni Liwei. Tinapik lamang ni Arken ang tuktok ng kanyang ulo.

"Kawawang bata. Ginalit mo si Steffy ano? Kundi pa, hindi mo sana suot ang pulseras na iyan." Sabi ni Arken at iiling-iling pa na ikinasamang lalo ng loob ni Liwei. Ngunit kasalanan naman talaga niya ang lahat. Ginalit naman talaga niya si Steffy.

Mula sa kinauupuan, kitang-kita nila ang mga Chamnian na nakikipaglaban sa mga halimaw at kapwa Chamnian.

Nag-alala si Channer na baka kung ano na ang nangyayari sa mga kapatid kaya tinungo nila kung saan nakatambay ang nga ito ngunit sira na ang mga tent sa paligid at sugatan din ang mga Chamnian na nasa paligid.

"Chinde. Kwetsy." Tawag niya at iiyak na sana sa labis na pag-alala nang marinig ang boses ng kapatid.

"Yan. Sige pa. Bugbugin mo. Sige, sapak pa. Tirahin mo na."

Napatingala siya at nakita ang dalawang kapatid na isa sa nagchi-cheer sa mga Chamnian na nakikipaglaban sa mga halimaw. Nakaupo sila sa pinakamataas na bahagi ng Miraha mountain. At kahit malayo, rinig naman ng lahat ang boses nila.

Napahawak sa ulo si Channer at parang gustong sapukin ang mga kapatid. Ngunit makitang wala naman silang mga galos at di naman sila naaapektuhan sa pressure sa paligid na likha ng mga halimaw at mga Chamnian, naisip niyang magiging ayos din ang mga kapatid at ang mga bagong kaibigan nila.

Hindi niya namumukhaan masyado ang mga kasama nina Kwetsy dahil sa layo nila ngunit naniniwala siyang hindi sila ordinaryong mga kabataan. Dahil kundi pa, e di sana'y kanina pa nagsitakbuhan ang mga ito. Hindi ang ichi-cheer pa ang mga naglalaban na parang nanonood lamang ng laro.

"Bakit ayaw niyong tumulong?" Tanong ni Ruhan makitang ang dami ng namatay dahil sa mga halimaw.

"Hindi lahat ng mga nilalang ay deserve tulungan. May iba na sasaksakin ka patalikod matapos mo silang tulungan. Ayaw kong nasasaksak sa likuran kaya pinipili ko kung sino ang dapat kung tulungan o hindi at kung karapat-dapat ba silang tulungan o hindi." Sagot ni Steffy.

Sabay turo sa isang Chamnian na tinulak ang kasama para siyang tamaan ng tinik na likha ng isang halimaw.

"Tinulungan siya ng kapwa niya pero matapos siyang matulungan tinulak niya ito para siyang matamaan ng tinik." Sabi niya pa na ikinatango nila.

"Alam niyo bang may malaking pabuya ang makakakuha ng crystal cores ng mga halimaw?" Tanong ni Chinde.

"Bibigyan ng isang milyong Mithil ang sinumang makakakuha ng isang Mystic level Crystal core." Ang Mithil ay ang Chamnian Continental Currency ng mga Chamni. Katumbas ng isang Mithil ang isang milyong orihinal na currency ng bawat kaharian ng Chamni.

"Bawat kaharian magbibigay ng teritoryo sa sinumang makakakuha ng Crystal Cores." Dagdag pa ni Chin (Chinde).

"Bakit di mo sinabi agad?" Tanong ni Steffy na nagniningning ang mga mata. May naisip na namang kalokohan.

Minimoryado agad kung sino-sino ang nakakakuha ng mga crystal core. Binilang na din ang bilang ng mga halimaw at natuklasang maliban sa dalawang higanteng halimaw kanina, maliliit na ang iba at nasa Syanra level lamang ang kanilang mga lakas.

***
Napapikit na lamang si Amelon makitang tatama na sa kanya ang matulis na buntot ng halimaw na kinakalaban nila. Tutusok na sana ito sa kanyang dibdib nang bigla na lamang na may humila sa katawan niya palayo.

"Kundi nila sinabing karapat-dapat kang tulungan, hinding-hindi kita tutulungan. Hmmp." Sabi ni Kwetsy at tumaas ang nguso at ibinaling sa ibang direksyon ang mukha.

Napatingin si Amelon sa halamang bumalot sa baywang niya na unti-unting bumalik sa mga palad ni Kwetsy at naglaho na.

"Sa gitna ng dibdib niya ang kahinaan ng halimaw na yan." Sabi ni Steffy.

Agad namang lumutang sa hangin si Kwetsy ganun din si Merrah saka inatake ang halimaw.

Iniisip ng mga mandirigma na magpapakamatay yata ang dalawang babaeng ito ngunit ilang sandali pa'y natumba na ang halimaw na hindi nila matalo-talo kanina.

Kukunin na sana nina Kwetsy ang Crystal core ng halimaw nang magsidatingan ang iba pang mga Chamnian na naghihintay lang pala na mamatay ang halimaw.

"Haria, mabuti pang ibigay mo nalang sa amin ang Crystal core." Nakangiting sabi ng isang lalake.

"Kung gusto niyo e di kunin niyo." Sagot ni Kwetsy at umalis na.

"Hindi pwede." Reklamo ni Amelon ngunit anong laban nila sa mga bagong dating na mas malalakas pa sa kanila at hindi katulad nilang pagod na pagod na at sugatan?

"Hayaan niyo na sa kanila ang Crystal core. Total, patay na rin naman sana kayo kundi lang dahil kina Kwetsy." Sabi ni Daelan na ikinatahimik ng mga kagrupo ni Channer.

Napatingin sila kay Channer. Tahimik lamang si Channer dahil nakatulala parin. Hindi kasi inaasahan na ang pinoprotektahan niyang kapatid ay mas malakas pa pala sa kanya.

Kinusot niya ang mga mata. "Si Kwetsy ba talaga yun?" Tanong niya pa.

Sa pagkakaalam niya puro gulo lamang ang dala ng kanyang kapatid. At ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong nakikipaglaban. Madalas kasi tinatakbuhan nito ang kanyang mga kalaban at hindi pa kailanman nakita ni Channer kung paano talaga makipaglaban si Kwetsy ni hindi niya alam na nakakalutang din ang bunsong kapatid sa hangin.

Ngayon, napagtanto niya na hindi pa pala niya lubos na kilala ang kanyang kapatid na babae.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon