Journey to Arciana 30: Mystikan

1.9K 190 35
                                    

"Kailangang matapos ko na ang mga kabataang ito bago pa man sila makakabalik sa Chamni." Sambit ni Pihu at pinakawalan ang kanyang tatlong uri ng enerhiya.

Saka niya inatake si Steffy. Ngunit dahil sa bilis ng kanyang kilos para na lamang siyang liwanag sa paningin ng iba. Mabilis ding naging parang liwanag na lamang si Steffy.

Makikita ngayon ang liwanag na kulay silver na nababalot ng itim at bughaw na nanggagaling kay Pihu. At ang ang liwanag na kulay scarlet red na nanggagaling kay Steffy.

Nagsialisan agad ang mga Mysterian sa loob ng Arena dahil nasisira lahat ng madadaanan ng dalawa.

Ang mga Mysteriang nasa iba't-ibang panig ng Mysteria na nanonood sa laban ay napanganga at di makapaniwala. Isang level na hihigit pa sa Invincible level na pinapanginoon nila. Ang Mystic level na sa legend lang nila naririnig, nakikita na nila ang tunay na lakas nito. Ang mas malala, dahil nagagawa itong kalabanin ng isang teenager na para sa kanila may gatas pa sa bibig?

Sumabog ang mga miliston sa paligid kaya naman hindi na makikita ng iba kung ano na ang nangyayari sa labanan nina Steffy at Pihu. Habang ang mga naglalaban kanina nakatingin na lamang sa dalawang mga liwanag na nasa himpapawid. Hindi nila magawang lumaban dahil sa napakalakas na aurang nakabalot sa paligid. Ang pinakamahina sa kanila ay napaluhod na, may iba naman na nawalan na talaga ng mga malay.

"Si Steffy. Anong gagawin natin?" Nag-alalang tanong ni Aya.

"May naisip ako." Sabi ni Asana at sinabi kay Steffy ang naisip niya.

Ilang sandali pa'y naglaho na ang dalawang liwanag na nagpapalitan ng atake sa himpapawid. Gumaan na rin ang kanilang pakiramdam.

Napatingin naman ang mga Superian sa kanila. Maging ang mga Akrinian at Diagonian.

"Marami silang mga magic artifact. Kapag nakuha natin iyon mula sa kanila tiyak na magiging katulad na tayo sa batang iyon." Sabi ng isang superian na ang tinutukoy ay si Steffy. Inaakala kasi nila na dahil lamang sa destruction swords kaya nagiging malakas si Steffy. At dahil lang din sa mga hawak na mga magic weapon nina Asana kaya sila mas malakas kaysa sa iba.

"Kahit gaano pa sila kalakas, mas lamang parin tayo sa bilang." Sabi naman ng isang Akrinian.

Tinapon nina Asana ang mga hawak nilang kunwaring mga sandata.

"Ngayon na." Sabi ni Asana at umulan ng napakaraming mga gintong paruparo mula sa kalangitan. Ang dating mga dilaw na paruparo ay nagiging gintong paruparo na matapos manirahan sa loob ng space ni Steffy.

"Ano ang mga yan?"

Nagtatakang tanong ng isang Superian.

"Mythical butterflies. Hindi na ordinaryong dambuhalang mga paruparo kundi mga mythical na. Na kahit mga Mystic level na Mysterian ay mahihirapang magapi ang isa sa kanila. Ano pa kaya kung napakarami pa nila?" Sagot ni Hairu na tila ba nasa panaginip parin.

"Kung ganon kailangan na nating makaalis." Sagot ni Daerin.

"Huli na. Wala na tayong takas pa sa kanila." Sagot ni Dioseyn.

Ngunit nagtataka sila dahil walang ni isa sa grupo nila ang dinapuan ng mga paruparo. Samantalang nagsipagtumbahan naman ang ang mga nasa ibang grupo.

"Anong nangyayari sa kanila?" Tanong ni Sunami makitang nanghihina ang bawat mysterian na madadapuan ng mga paruparo.

Nagkandarapa sa pagtakbo ang mga Mysterian na dinadapuan ngayon ng mga paruparo. Ngunit nawawalan sila ng lakas sa tuwing naaabutan sila.

"Nakukuha ng mga paruparong ito ang kanilang mga enerhiya at kapangyarihan. Tingnan niyo. Ang mga paruparo na nakakadapo sa mga Syanra level ay mas kumikinang kaysa sa mga paruparong nakakadapo sa mga Invincible level lamang." Sagot ni Hairu.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon