Journey to Chamni 1: Jinoma

905 70 22
                                    

"Kung ang legendary shield lamang ang kailangan ninyo, tutulong kami sa paghahanap." Biglang sabi ni Lhoyd.

"Ang narinig namin, hawak ni Hakuah ang legendary shield. At tiyak na marami ring naghahanap sa kanya. Ang problema, baka matatagpuan siya ng mga Mystikan." Sabi naman ni Asana.

"Bakit di natin siya hahanapin?" Tanong ni Shaira.

"Hindi ako pwedeng tumuntong sa Haru Island dahil nandoon ang kapatid ko. Hindi kami maaaring magtagpo." Sagot ni Steffy.

Kung magkatagpo ang landas nila ni Stacey, siguradong makukuha ni Steffy ang kapangyarihan ng kapatid. Maaari ring siya ang mapapahamak kapag nagkikita sila. Isinilang silang dalawa na hindi maaaring magsama at tumira sa iisang lugar kaya naman kailangang nilang iwasan ang isa't-isa.

"Medyo kontrolado ko na ang kapangyarihan ko pero hindi pa ako gaanong sigurado." Hindi niya alam kung gaano na kalakas ang kapatid. At di rin niya alam kung kontrolado na rin ba nito ang kapangyarihang taglay.

Kailangan niyang makabalik sa Chamni at makahingi ng tulong sa mga magulang para mahanap ang kanyang kapatid maging sina Ariel, Seyrio at Seyria.  Masasagot lamang ang mga katanungan niya kung makakabalik siya sa Chamni. At masasabi niya ang totoo sa ina't ama kung sino ang naghahangad ng masama sa kanilang pamilya.

Nang makaalis na sina Steffy lumabas naman si Karim na nagtatago lamang sa sulok.

"Sasama ako sa paghahanap kay Hakuah. Kailangang makuha natin ito para magamit nina Steffy sa pagbubukas sa portal."

Huminga ng malalim si Lhoyd at napatingin sa natutulog na kaluluwa ni Kara.

"Kamahalan, hindi ka namin hahayaang maglaho. Wag kang mag-alala, magigising kang muli." Sambit ni Lhoyd.

***

Nakarating sina Steffy sa lugar kung saan nagbabantay sina Gryn dati.

"Anong lugar to? Bakit pabago-bago ang paligid?" Tanong ni Izumi. Minsan kasi nagiging dagat ang paligid minsan naman naglalaho ang nasabing dagat at nagiging malawak na disyerto.

"Ito ang unang lagusan." Sabi ni Steffy at ikinumpas ang kamay.

Isang bilog na portal ang nabuo at sa kabila ng portal ay isang malawak na dagat.

Papasok na sana si Sioji ngunit pinigilan siya ni Steffy.

"Isang tao lang ang maaaring pumasok sa bawat portal patungo sa Chamni. Ang iba kailangang maghintay ng isang taon." Paliwanag ni Steffy.

"Ha? Pero bakit naman?" Kumunot ang noong tanong ni Sioji na ngayon lang nalamang may ganitong patakaran sa Chamni.

"Iyon ang patakaran ng kontinente para hindi dadami ang mga Mysterian na maaaring pumunta sa loob." Sagot ni Steffy. Tumango naman sila at agad na naglaho.

Pumasok na si Steffy sa loob ng portal. Sumalubong sa kanyang paningin ang malawak na karagatan.

"Maari na kayong lumabas."

Sumulpot si Rujin ngunit napasigaw dahil nasa himpapawid pala si Steffy.

Nalaglag kasi siya pababa.

"Steffy naman, bakit di mo sinabi na nasa himpapawid ka pala at dagat pa sa ibaba?" Reklamo niya nang makabalik ng muli sa kinaroroonan ni Steffy.

Kahit sina Geonei at Aya ay napakapit bigla kay Steffy. Hindi kasi nila inaasahan na tubig ang nasa ibaba.

"Tubig. Tubig." Sambit ni Aya na nakayakap ng mahigpit sa mga paa ni Steffy.

"Ano bang ikinatatakot mo ha?" Tanong ni Steffy sa kaibigan.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalawak na tubig e." Sambit ni Aya at napanguso.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon