Nakapila ngayon ang 117 na mga baguhan kasama na sa mga ito ang top 100 na mga kabataan at ang itinuturing nilang mga huwaran.
Halos lahat ng mga nasa top 97 napunta sa level 6, 7, or 8. Iyon ay dahil may alam na sila sa pagamit ng kanilang mga kakayahan at mga kapangyarihan.
Nang subukan na ang mga huwaran, namangha ang lahat sa level ni Brix dahil nasa last stage na siya ng Invincible level at magiging Syanra level na siya sa susunod na pag-angat ng level ng kapangyarihan niya. Siya ang kauna-unahang baguhan na napunta sa level 10. At higit sa lahat, isa siyang Top 1 at isa pang huwaran kaya naman mas lalo siyang hinangaan iba pang Chamnian.
Napunta naman sa level 7 class si Brindon at level 8 si Miro. Ngayon naman oras na para sa pagsubok ng bratty gang. At dahil nga special sila na hindi nabibilang sa top 100 kundi huwaran lamang iniisip ng lahat na naiiba ang mga kapangyarihan nila sa iba. Kaya lang, isa sila sa mga kabataang walang nadi-detect na mga kapangyarihan ni hindi man lang lumiwanag ang elemental stone na magsusuri ng kanilang elementong taglay.
Wala ring reaksyon ang magic staff na magsusuri sa kung anong level na ang mga kapangyarihan nila. Kung Invincible Novice ba sila o Syanra level na.
Dahil dito, nagsimula ng magbulungan ang mga Chamnian sa paligid.
"Paano sila nagiging huwaran kung hindi man lang sila nagiging Invincible level?"
"Di kaya dahil ginagamit nila ang kanilang special background?"
"O ba kaya may kakilala lang sila na lumabag sa batas ng CMA para maging huwaran sila?"
"Ito na yata ang unang pagkakataon na nagkaroon ng huwarang walang kapangyarihan ang CMA. Ano kayang pumasok sa isip ni Elder Cid at ginawang huwaran ang mga mahihinang mga kabataang ito?"
Kahit si Elder Cid ay nagulat din dahil walang kapangyarihan sina Steffy at wala ring elemental gift na taglay. At dahil nga sa inaakala ng lahat na hindi pa nagigising ang mga kapangyarihan nila inilagay sina Steffy sa Level 1 class.
Hindi na nila pinansin na pinagtatawanan sila ng iba at itinuturing na masamang Chamnian dahil inaakala ng iba na nandaya sila para maging isang huwaran. Kinasusuklaman ng mga Chamnian ang mga mandaraya lalo na ang sinumang hindi lumalaban ng patas at ang ginagamit ang impluwensya para makapasok lamang sa CMA. Kaya naman ayaw na ayaw nila ngayon sa grupo nina Steffy maliban na lamang sa mga baguhan na isa sa kanilang natulungan.
"Hindi ako tumatanggap ng disipulo na mahihina kaya kung gusto niyong magiging disipulo ko dumaan muna kayo sa akin." Hamon ni Master Yinwu. Ang Master sa mga level 1 disciples ng CMA.
Disipulo ang tawag sa mga estudyante ng CMA. Master naman ang tawag sa mga magtuturo.
"Akala siguro nila madali lang pumasok sa CMA dahil lang sa naging huwaran sila. Nagkakamali sila." Natatawang sabi ni Debora.
Tiningnan naman ni Sioji si Master Yinwu.
"Ikaw? Magiging master namin? Wag kang umasa." Sabi ni Sioji at tinalikuran ang mayabang na lalake.
"Kailangan mo munang dumaan sa mga pagsubok namin saka ka namin kikilalaning Master." Sabi ni Steffy at tinapik-tapik pa ang balikat ng lalake na namumula na ngayon ang mukha sa galit.
"Saka may Master na kami. Gwapo na mas malakas pa kaysa sa mga guro niyo sa lugar na ito." Taas noo ding sagot ni Aya na lalong ikinaasim pang lalo ng mukha ni Master Yinwu.
"Mga walang galang. Magiging aso muna ako bago ko kayo tatanggapin."
"Mukha ka na ngang manok, magiging aso ka pa? Uubusin mo ba ang lahi ng mga hayop?" Sagot ni Rujin.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...