Previous from Unwanted...
"Dad, finally I saw my beautiful ate." Nagkatinginan kaming tatlo nina dad at mom. Sh*t! Ano ang pinagsasabi niya. Hindi ko maintindihan. Tumakbo siya papalapit sa akin at bigla niya akong niyakap. Nagkatinginan si mom at dad.
"Please explain this mom?" Nanginginig ang boses ko. Hindi pa rin sila sumasagot.
"Mom, I said, explain this!"
~~~
Biglang kumalag sa pagkakayakap sa akin ang babae. Nakatingin siya sa akin, nangingilid na ang mga luha niya. Iniwas ko ang mga tingin ko sa kanya.
Naghihintay akong magsalita ang isa sa kanila. Nanginginig ang mga tuhod ko, at unti-unting nanghihina sa katotohanang pwede kong marinig sa oras na ‘to, subalit ayokong paniwalaan ang utak ko
"Darling..." garalgal ang boses ni mommy. Ayokong tignan si mom, hindi ako makapaniwalang natanggap niya ang bagay na’to.
"Amira, let me explain." Nakatitig si dad sa akin nang bigla siyang yumuko. Lumapit siya sa akin.
Hinawakan niya ang balikat ko, "Amira, I'm sorry." Namumula ang mukha niya. Inalis ko ang kamay niyang nasa balikat ko, umatras ako at nagsimula nang dumaloy ang mga luha sa mata ko.
"Ilang taon niyo 'tong tinago sa akin?" Mahina kong tanong. "Mom, alam mo 'to?" tumingin ako ng masakit kay mom.
"Hailey, please understand." Hindi ito ang gusto kong marinig kay mom.
"Mom, Bakit niyo tinago sa akin? Bakit niyo ako niloko? Bakit pumayag kang lokohin ka ni dad?" Pinipilit kong maging mahinahon. Naririnig kong umiiyak na ang babae. "Bakit hindi kayo magsalita?!" Napasigaw na ako.
"Yes, Abby is your sister. I'm really sorry," ayoko kong tignan si dad, all this time hindi ko alam nangaliwa pala siya kay mom. Hindi ko na mapigil ang sarili ko, tumakbo ako papalabas ng bahay.
"Hailey!" Narinig ko pang sigaw ni mom. Subalit hindi ako huminto. Sumakay ako sa kotse ko, pinaandar ko ito ng mabilis.
Tumutunog ang phone ko, subalit hindi ko 'to sinasagot. Sigurado akong si mom lang 'yon.
Halos blurred na ang nakikita ko sa dinadaanan ko, walang masyadong sasakyan dahil gabi na rin. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko.
Niloko nila ako! Sigaw ko sa sarili ko.
Hindi ko akalain na kayang gawin ni dad kay mommy ang lokohin siya. Paano tinanggap ni mommy 'to. Bakit kailangang itago nila sa akin, bakit kailangan nila akong lokohin? Buong buhay ko humanga ako sa kanila, sa kanilang pagsasama, sa kanilang pagmamahalan subalit nagkamali pala ako.
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Lalo kong binilisan ang takbo ng kotse, mahigpit kong hinawakan ang manibela. Hindi ko matanggap ang pangloloko ni dad kay mom, hindi ko matanggap na naglihim sila sa akin ng ilang taon. All this time, humiling ako na magkaroon ng kapatid, pero sa hindi ganitong pamamaraan.
Hindi ko na kinaya pa ang magdrive, nanginginig pa rin ako at natatakpan ang mata ko ng mga luha. Tinabi ko ang kotse, I need someone to talk with. Kailangan ko ng balikat na masasandalan. Humagulgol ako ng malakas sa loob ng sasakyan. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Anika.
Nagriring lang ang phone niya. "Anika, please answer the phone!" Napasigaw at pinalo ko ang manibela. Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero naka-off na ang phone. Binato ko ang phone sa passenger seat.
Naramdaman kong nanakit ang ulo ko pati na ang mga mata ko, dala marahil ng pag-iyak ko. Pumikit ako saglit, hindi ko alintana na nasa kalasada lang ako. Subalit patuloy ko pa ring nakikita sa balintataw ko ang babaeng tumawag sa akin ng ate, nasasapawan ito ng galit sa magulang kong naglihim sa akin.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...