Chapter 12- Unpredictable Weather

790 51 31
                                    

Previous from Unwanted...

"Are you crazy? I'm not coming with you.!" pasigaw kong sabi sa kanya. Kung kelan naman umiiwas na ako sa lalaking ito ay siya namang pag-ieksena niya.

"You have no choice Ms. Abalos, wether you like it or not sasama ka sa akin." Tumalikod na siya.

Monster!

Stupid! Napasigaw na lang ako sa sarili ko dahil sa inis.

"Don't tell me, sasama ka sa kanya?" Nakakunot ang noo ni Jared na nagtanong. "Ano bang nangyari?" Tila nawawala ang patience ni Jared dahil sa inasta ni Xandre.

"I'll explain it to you later." Tinapik ko siya sa balikat at umalis na lang ako para sundan si Xandre.

"Akala ko hindi ka susunod, dahil talagang..." Nagulat ako nang nagsalita si Xandre na naghihintay sa may hagdanan. Nang biglang nadulas ang isang paa ko sa isang baitang, napakapit ako sa may handrail ng hagdan. Ikinagulat ko naman ang mahigpit na paghawak ni Xandre sa baywang ko para i-iwas ako sa pagkatumba. Nagtinginan kaming dalawa.

"Hands off," nakataas ang isang kilay kong nagsabi.

"Fine!" Bumitiw siya agad sa pagkakahawak sa beywang ko.

Nagmadali akong bumaba sa hagdan habang sumusunod siya sa likuran ko.

"I'll call our driver para may masakyan ako." Dinukot ko ang phone sa bulsa ko. Hinawakan ni Xandre ang kamay kong may hawak ng phone.

"Come on, wala nang oras kailangan na nating pumunta, ayaw na ayaw pa naman ng Tito ang naghihintay." Ikinampay ko ang kamay kong hawak pa rin niya.

"Hawakan mo pa ako, ewan ko lang." Naiinis kong sabi. Ayaw na ayaw kong hinahawakan ang kamay ko lalo na kung katulad lang ni Xandre ang hahawak.

Hinawakan nga niya ang kamay ko at hinila niya ako papuntang kotse niya, nagpupumiglas ako, pero hindi niya hinayaan na makawala ako.

Tumingin ako sa paligid, buti na lang konti ang mga tao karamihan sa kanila ay busy. Pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Xandre pero sadyang mahigpit ang pagka-hawak niya. Nagmistula akong bata na hawak ng kanyang tatay para 'di mawal.

Laking pasalamat ko nang malapit lang pala ang sasakyan niya sa may hagdanan. Hawak pa rin niya ang kamay ko nang buksan niya ang pintuan ng kotse niya at pinapasok ako.

Umupo siya sa driver seat, "huwag mong subukang lumabas, kung ayaw mong humantong  pa sa kaso ang pagka-reckless mo," nagbabanta niyang sabi habang sinusuksok niya ang susi.

Humarap ako sa kanya,  "Are you blackmailing me?" galit kong tanong.

"No! I'm just telling what I'm capable of doing," tila nang-aasar niyang sabi at bigla niyang pinaandar ang sasakyan.

Ang kapal talaga ng mukha, siya pa ang may ganang mang-blackmail.

XANDRE'S POV

Hindi matawaran ang expression ng mukha ni Hailey. "Oh, I'm scared." Umakting pa siya na parang natatakot at inirapan niya ako.

"I'm not playing around, Hailey." Tumaas ang boses ko.

"Hindi rin ako nakikipagbiruan Mr. Fernandez! Kaya kung meron pang natitirang konting delikadesa sa katawan mo, ihinto mo ang sasakyan!" Umaapoy ang ilong niya sa galit, hindi ko alam at parang nawiwili akong tignan siya nang ganito.

"Didn't you hear me? I said, stop the car!" Patuloy pa rin siyang sumisigaw.

Tumunog ang phone ko at agad kong pinindot ang button ng headset to answer the call.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon