Warning: There are scenes not suitable to very young readers..for open-minded only (not detailed)
~~~
Jairus is calling, mas lalo akong naguilty nang hindi ko ulit sagutin ang tawag niya.
I'm sorry Jairus, baka mas lalo ka lang masaktan kapag nalaman mo kung sino ang kasama ko ngayon.
He deserves someone better than me, napakabuti niya at baka 'di ko masuklian ang pagmamahal niyang ipinapadama sa akin.
Hindi nagtanong si Xandre kung sino ang tumatawag sa phone ko. Its a relef on my part. Knowing him sigurado akong may gagawin na naman siyang ikakagalit ni Jairus once he learned na si Jairus and tumatawag. I have to admit na kahit jerk si Xandre, natutuwa akong kasama siya. Subalit hindi ko maiwasang makaramdam ng takot lalo na he's known for being arrogant jerk, bilang isang sikat na playboy, mayabang, at tarantado sa campus. Habang kasama ko siya, I don't see him as that, I feel something within me na siya lang ang pumupuno. It's ironic, that I want more from him.
Hindi ko namalayan ang pagpasok namin sa isang beach resort, it seems he loves beach as am I. Sa parking area palang ay kitang-kita mo na ang dagat. Binuksan ko ng bahagya ang pintuan side window ng sasakyan. Tila pati ang alon ay nakikisabay sa lakas ng tibok ng puso ko. I always feel the fast beating of my heart everytime I'm with him. Napakalakas at napakataas ng alo. It was a while na hindi ako nakaligo sa dagat. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, mangilan-ngilan lang ang mga tao, kakaunti lamang ang mga nakikita kong naliligo.
Isa itong beach resort na karugtong lang ng beach na malapit sa amin. I've been here several times. We are in front of beach and beach resort hotel.
Halos sabay kaming lumabas ni Xandre sa kotse, suddenly hinila niya ang kamay ko patakbo sa dagat, wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang sa kanya.
"Wait, what are you doing?" tanong ko nang mapagtanto kong malapit na kami mismo sa tubig dagat. Hila pa rin niya ang kamay ko habang tumatakbo. Without answering my question, patuloy lang niya akong hinihila habang tumatawa siya.
Napatingin na lang ako sa kanya, at napangiti sa nakikita kong tuwa sa kanyang mukha. How can I judge him kung sa pagkakataong ito pareho kaming masasya.
Naramdaman ko ang dampi ng lamig ng tubig sa aking mga paa.
"Shit! Xandre! Look at my shoes!" Nakalimutan ko nakasapatos pala ako.
Tumingin lang siya sa akin, he smiled. Parang hindi niya alintanang basa na ang sapatos ko, and eventually pati sapatos niya.
Napapasigaw na lang ako sa tuwing humahampas ang alon sa paa ko. Basang-basa na ang sapatos ko, pati ang ibabang bahagi ng jeans ko, ganun din siya.
Nagkatinginan kami at sabay tumawa. Pinukpok ko siya sa braso, pero hinila niya ako palapit sa kanya hangga't nagdikit ang aming katawan, napayakap ako sa kanya. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, nanunukso ang kanyang mga mata.
Bumulong siya. "Do you like here?" tanong niya, dinig na dinig ko ang kabog ng kanyang dibdib.
"Jerk!" nakangiti kong sabi sabay tulak sa kanya, pero nahila pa rin niya ako. Kumunot ang noo niya.
"Say it again or else," pagbabanta niya.
"Or else what?" nanunukso kong bawi.
Bahagya kong inilayo ang katawan ko sa kanya, pero hinila pa rin niya ako at muling nagdikit ang aming katawan.
"I'll kiss you in public," nakangisi niyang bulong sa akin.
I know, I'm blushing again, kailangan kong itago ang mukha kong namumula. Itinulak ko siya para makakalas sa pagdikit ng aming katawan but it's too late, nahila niya ako at bumagsak ako sa tubig.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...