"Hoy, Hailey! Wake up!" sigaw ni Anika na talagang nakadikit pa ang bibig sa tenga ko. Paano ba namang hindi ako magigising nito.
"Hmmmm...ano ka ba Anika, para kang speaker." Inuunat ko ang mga kamay ko nang nakahiga.
"Para ka kasing mantika kung matulog, kulang na lang buhusan kita ng mainit na tubig," nakakunot ang noo niyang sabi.
Ewan ko ba kay aga-aga si Xandre na ang nasa isip ko. Tumayo ako agad at nagmadaling pumunta sa banyo.
Tumingin ako sa lifesize na salamin, hindi ko maiwasang titigan ang mga lips kong ngayon ay hindi na virgin.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mong kawalangyahan sa akin MR. FERNANDEZ, the monster!" literal kong kinausap ang sarili ko sa salamin.
MAKALIPAS ANG 15 MINUTES ay lumabas na ako ng banyo.
"Ang bilis mo naman," puna ni Anika.
"May kailangan akong gawin ngayong araw, kaya dapat maaga tayong pumasok."
Nagbihis ako agad, as usual faded pants, tee and sneakers ang suot ko. For sure kapag nakita na naman ako ni mom, papansinin na naman ang damit ko.
Bumaba na kami, salamat wala si mom, siguro tulog pa sila ni dad dahil sa puyat.
Hindi na nga namin naubos ni Anika ang almusal namin dahil niyaya ko siya agad.
"Ano ka ba naman Hailey, bakit ka kasi nagmamadali?" naiinis na tanong ni Anika na halatang nabitin sa pagkain.
"Basta, watch and learn," nakangiti kong sabi. Desidido akong bigyan ng leksiyon si Xandre.
Eto lang naman ang lesson plan ko for today:
Objective: 100% na pumayag si Xandre na magpublic apology.
Strategy: Kapag hindi siya pumayag, tatakutin kong isusumbong ko siya sa School President na dad niya o di kaya ay ide-demanda ko siya.
Application: Hahanapin ko muna siya, kakausapin at ilatag ang gusto kong mangyari.
Pagpasok namin sa school ay parang kumakampi agad ang langit sa akin. Pagdaan pa lang ng kotse ko ay nakita ko na siya sa gilid ng parking area, marahil sasakyan niya ang kulay puting Fortuner. Ipinark ko ang aking sasakyan sa pagitan ng dalawang kotse sa kotse niya. Agad-agad akong lumabas sa kotse, lumabas din agad si Anika.
"Hoy bess, saan ka pupunta!?" tanong niya.
Humarap ako kay Anika, "dito ka lang bess, huwag mo akong susundan," Seryoso kong sabi.
"Saan ka ba pupunta?" Pangungulit niya.
"Basta bess, balik ka na lang muna sa loob ng kotse."
Nakita kong paalis na si Xandre, kaya iniwan ko na lang si Anika na naka-pout.
Binilisan ko ang lakad ko, bigla akong kinabahan. Huminto ako saglit pero hindi nawawala sa paningin ko si Xandre na naglalakad sa Gazebo.
Hailey, yan ka na naman eh...akala ko ba matapang ka? Naiinis na sabi ko sa sarili.
Huminga ako ng malalim...Binilisan ko ulit ang lakad ko, buti na lang wala ang come what may club. Mangilan-ngilan pa lang ang mga estudyante.
Sa wakas abot na ng kamay ko ang balikat niya. Tinapik ko siya sa balikat, lumingon naman siya agad.
"Hey, Mr. Fernandez. Nakapag-isip-isip ka na ba?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
"Excuse me?" nagmamaang-maangan pa itong gagong 'to.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...