Chapter 40 Broken Hearts

379 17 9
                                    

ALLAINE'S POV

"Please, Xandre. Tama na please." Humahagulgol na nagmama-kaawa si tita Jeanny. Samantalang si dad ay humarang na kay kuya Xandre. Pilit pa ring lumalapit si kuya kay kuya Jairus but dad stopped him.

Lumapit ako kay kuya Jairus at inalalayan namin siyang tumayo.

"Mom, I can't breath." Bulong ni kuya Jairus.

"Take a deep breath anak. Allaine, get him a glass of water please."

Tumakbo ako para i-kuha si kuya Jairus ng tubig. Pagbalik ko ay wala na si kuya Xandre.

Nakahiga na si kuya Jairus na hinahabol pa rin ang paghinga.

"We'll take you to the hospital son." sabi ni dad.

"I'm okay dad, I just need water." mahinang sabi ni kuya Jairus. Agad ko namang inabot sa kanya ang baso ng tubig. Naa-awa ako sa kanya, itinuring ko na siyang kuya. Tumayo si dad para lumabas ng pintuan.

"Dad, it's okay. Pabayaan niyo na." Sabi ni kuya Jairus kay dad. Yumuko na lang si dad subalit lumabas pa rin siya sa kuwarto.

Sinundan ko si dad, pumasok siya sa kuwarto ni kuya. Nakabukas ang pinto at sumilip na lamang ako. Nakaharap si kuya sa bintana habang may hawak na sigarilyo. Lumapit si dad.

"I can't believe this Xandre, hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo bakit ka nagkakaganyan? You hurt Jairus again, mahirap bang ipaintindi sa'yo ang kalagayan niya?" Pigil ang galit ni dad.

Humarap si kuya at naglakad papuntang closet na tila kukuha ng damit.

"Wala ka na bang natitirang respeto? Ginagawa ko ang lahat para mapabuti ka Xandre. I even cleared your name sa mga ginawa mong gulo, hindi pa ba sapat ang mga iyon?"

Humarap si kuya kay dad.

"Hindi sapat ang mga ginagawa mo sa akin, sa amin ni Allaine para mapagtakpan ang kasalanan mo kay mom!" sumigaw na si kuya.

"May sarili nang pamilya ang mom mo, and she's happy right now." Mahinahon pa rin si dad.

"Iyon na nga dad, she's happy with her own family, and you're happy with your fucking family, samantalang kami ni Allaine lumaki ng walang ina dahil sa bago mong pamilya!"

Umiiyak na ako sa mga sinasabi ni kuya, tama siya lumaki kami nang walang ina, bagamat mabuti si tita Jeanny sa amin, hindi pa rin sapat iyon. Ngayon ko mas higit na nau-unawaan si kuya.

"I'm sorry son, it's better this way. Mauunawaan niyo rin ang lahat," malungkot na sabi ni dad. "Please, lubayan mo ang kapatid mo, may sakit siya sa puso."

"Shut up dad, hindi ko kapatid si Jairus!" sigaw ni kuya subalit nabigla ako sa sinabi ni dad.

Kapatid? Kuya ko talaga si kuya Jairus? Paano nangyari? Tila puno ng katanungan ang isip ko.

"Matagal ko nang gustong sabihin ito, but you keep on avoiding me. Jairus is my son, he's your brother."

"That's not true dad!" sumigaw si kuya at umalis na. Tumingin siya sa gawi ko, subalit diretso parin siyang umalis.

Nabigla ako sa sinabi ni dad. Nakatingin pa rin ako kay dad habang papalapit siya sa akin.

"I'm sorry Allaine." Niyakap ako ni dad.

"Paano nangyari 'yon dad?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Natakot ako baka lumayo kayo sa akin sakaling nalaman niyo ang totoo, baka sumama kayo sa mommy niyo." Umiiling-iling ako sa sinasabi ni dad.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon