Chapter 47- Blackmail

334 18 8
                                    

Patakbo akong lumabas sa gate, when Xandre texted me na nasa labas na daw siya.

Napakagaan sa pakiramdam that finally I was able to tell him everything na gumugulo sa isip ko. We promised to be honest, and I promised that I will never hide something from him.

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon, knowing someone will always go back to you hindi lang para makita ka, kundi ipakita at ipadama ang kaniyang pagmamahal.

I opened the small door ng gate, I smiled when I see him, pero parang isang pilit na ngiti ang sinagot niya.

Nakatayo siya na nakasandal sa kanyang kotse, nakatingin sa gate na nilabasan ko. Nag-tagpo ang aming tingin, bigla akong kinabahan, may kung anong kakaibang aura akong nararamdaman sa titig niya, parang kalungkutan ang bumabalot sa kanyang mata, but I'm not really sure about it.

Lumapit siya sa akin and kissed me in my forehead. I rather want to see him smirk than seeing him fake a smile.

You're thinking too much, Hailey. He's fine.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan as he always does. Pagpasok namin sa loob ay hindi ko alam ang sasabihin ko, kung papaano simulan ang pag-uusap at kung ano nga ba ang dapat mapag-usapan.

I took a deep breath.

Bago pa man ako makapagsalita, pinisil niya ang binti ko, I looked at him, subalit nakafocus siya sa kalsada habang nakapatong ang kanang kamay sa lap ko.

"Kumain ka na ba?" I asked.

I can't think of any topic.

'Yong excitement at saya na naramdaman ko kanina ay unti-unting napapalitan ng kaba. Ano kaya ang gagawin ni Xandre kapag nagtagpo na sila ni Jake at Jared.

"Nope!" masigla niyang sabi.

"You should have told me atleast para sa bahay ka na lang nag-almusal."

"Come on, Hailey hindi naman siguro ako papayat by skipping a breakfast," nang-aasar niyang sabi. Pabiro kong pinalo ang balikat niya.

"Gusto mo bang kumain?" seryoso kong sabi.

"Seeing you in morning is like..." Tumingin siya sa akin sabay tawa.

"What? Like what?" nang-iinis kong tanong.

"Okay, coffee is fine." Ngumiti siya. Pinitik ko ang ilong niya na para akong naggi-gigil. "Wait, naglilihi ka ba,parang gigil na gigil ka?" Natahimik ako sa sinabi niya kasabay ang kaba nararamdaman ko ang paninikmura ko. "Come on, I'm kidding." Hinawakan niyang ulit ang kamay ko.

"What if ganun na nga?" Hindi ko alam bakit masyado akong naging sensitive sa usaping ito.

"Forget it Hailey, nagbibiro lang ako. Besides, it's too early. Drop it." seryoso niyang sabi.

Tumahimik na lang ako. Tama nga siya it's too early.

Dumaan kami sa isang coffee shop, pinilit ko siya na ako na lamang ang bibili ng coffee and sandwich, he refused at first gusto niya kasing magstay na lang ako sa kotse, but later on na-convince ko siya.

He had his breakfast sa loob ng sasakyan, I had a sip of his coffee, bigla kasing umasim ang sikmura ko but was fine after sipping coffee.

Napansin kong tahimik siya habang kumakain which is very unusual, dahil sa tuwing siya lang ang kumakain bigla na lang niya akong sinusubuan. Napabuntong-hininga ako.

"Baby, may dinaramdam ka ba?" Hindi ko natiis na hindi magtanong, I know he's going to tell he's fine, but I want to see his expression. Sa ilang buwan na palagi kaming magkasama, alam ko ang mga gestures na 'to at kung ano ang kahulugan nito.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon