Chapter 49 Hopeless Cry

427 20 15
                                    

"PINAGLARUAN ka lang Hailey!"

Ayoko nang pakinggan pa ang mga sinasabi ni Lianne.

Nangininig ang buong katawan ko, ayaw ng isip kong maniwala sa sinasabi ni Lianne pero ito ang tinitibok ng puso ko. Halos huminto ito, kasama ng pagmanhid ng katawan ko ang pag-agos ng mga mapapait na luha.

Hinawakan ako ni Xandre sa braso. "Please, huwag kang makinig sa kanya," garalgal ang boses niyang nagsabi.

"Tumahimik ka na lang Lianne!" sigaw ni Lexie, hindi na gumagana ng tama ang utak ko, nanghihina na ako.

"Come on, don't tell me pagtatakpan niyo pa ang kaibigan niyo, 'di ba kasabwat naman kayo dito! Katuwaan lang ang paghalik ni Xandre kay Hailey! Kalokohan lang ang lahat ng ito!"

Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mukha ni Lianne na parang leong nakangisi.

Kasabay ng pagtalikod ko ang pagkampay ko ng kamay kong hawak ni Xandre at tumakbo ako.

"Hailey!" Narinig ko pang sigaw ni Lexie, subalit hindi ako tumigil, pare-pareho lang sila pinag-laruan nila ang damdamin ko, si Lexie na akala kong kaibigan ko.

Hindi ko akalaing magagawa sa akin ni Xandre ang lahat ng ito, napaniwala niya akong mahal niya ako, naniwala ako sa kanya, niloko niya lang ako, niloko nila ako!

May humatak sa braso ko, "please, let me explain. Listen to me Hailey, please," pagmamaka-awa ni Xandre.

"Huwag mo akong hawakan," punong-puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.

Hindi niya binitiwan ang braso ko bagkus hinawakan niya ng isang kamay niya ang baywang ko.

"I said, don't touch me!" sigaw ko at dahan-dahan niya akong binitawan.

"Parang awa mo na, makinig ka sa akin."

Halos hindi ko marinig ang boses niya sa lakas ng kabog ng puso ko.

Humarap ako sa kanya at sinampal ko siya, subalit kahit sampalin ko pa siya ng ilang beses bumabalik lang sa akin ang sakit ng ginawa niya.

Ang sakit sa dibdib. "Ang tanga-tanga ko, naniwala akong mahal mo ako, kalokohan lang pala ang lahat ng ito. Paano mo nakuhang paglaruan ang damdamin ko Xandre? Ano bang nagawa ko sa'yo bakit mo ako ginanito, bakit mo ako niloko?"

Sinusubukan kong maging matapang subalit tinatatwa ako ng sarili kong damdamin, nasaktan ako, mahina ako dahil mahal na mahal ko siya, sa kanya umiikot ang mumdo ko, hindi ko kayang maging malakas.

"Maniwala kang mahal kita, please believe me, Hailey. Please, forgive me."

Minsan pa hinawakan ako ni Xandre sa braso, "I said don't touch me!"

Humagulgol na ako. I don't deserve this. Ang tanging ginawa ko lang naman ay ang mahalin siya, ang paniwalain ang sarili ko na mahal din niya ako. Bigla akong niyakap ni Xandre. Wala akong maramdaman, kahit ang yakap niyang dahilan ng kasiyahan ko ay hindi ko maramdaman.

"Iwan mo na ako, please," pakiusap ko sa kanya.

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Patawarin mo ako, hindi ko sinasasadya. Huwag mo akong iiwan, hindi ko kaya."

Hindi ko siya kayang tignan, dahil patuloy lang nadudurog ang puso ko, gusto kong maniwala sa sinasabi niya, pero nasaktan ako.

"Maraming pagkakataon na pwede mong sabihin sa akin, pagkakataon na pwede kang humingi ng tawad. Bakit hinayaan mong mang-yari 'to? Nangako kang wala kang ililihim sa akin!"

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon