Hay! School na naman, ang tagal naman ng bakasyon. Naiinip kong sabi sa sarili ko habang nagdradrive ako papuntang university.
Huwag naman sana! Napasigaw ang isip ko nang biglang lumutang sa balintataw ko ang mukha ni Xandre.
Sana huwag magsalubong ang aming landas.
Pagkasabi ko pa lang nito ay biglang may maingay na sasakyan na nagbu-buzzer sa likuran ko. Kung sino man ang driver nito hindi man lang makapag-antay, eh papasok nga kami sa gate ng university, nakalimutan kong i-post sa windshield ang passes ko para makapasok sa university nang hindi ko pinapakita ang ID ko.
Walang tigil ang pagbusina nito.
Stupid! Akala mo kung sino! Naiinis kong bulong sa sarili ko.
Para ngang gusto ko pang asarin ito. Kaya mas lalo kong pinatagal ang pagdikit ko sa passes at pagkuha ng ID sa bag. Hindi yata nakapigil ang driver ng sasakyan, nakita ko sa side mirror na bumukas ang pintuan ng sasakyan. Nang makita ko ang lalaki, biglang lumaki ang mata ko. No way! Bigla kong pinaandar ang sasakyan. Ayoko na kasing magkrus ang landas namin ng lalaking 'yon.
Nakita kong kinausap niya 'yong guard at nagkamot ng ulo ang guard.
Buti na lang at hindi niya ako nakita. Nag-park ako sa may bandang dulo ng parking space kung saan wala naman gaanong nagpa-park. Hindi naman ako allergic sa mga tao, sadyang ayoko lang talaga ng maraming tao.
Nagmadali akong bumaba sa kotse napatigil ako nang marealize kong nakaharap ako sa gawing gazebo.
Eto na naman, dadaan na naman ako sa hell-way, simula kahapon parang impyerno na ang daanang ito. Ang aga-aga pa, ang dami nang nakatambay sa gazebo.
Wala na ba talagang mapagtambayan ang mga "come what may club members"? Para na naman akong baliw na kinakausap ang sarili. Diretso ang tingin ng aking mga mata sa harap, ni hindi ako tumingin sa aking paligid habang naglalakad.
"Hailey!" Bigla akong napatingin sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko.
Biglang lumiwanag ang mukha ko nang makita mo kung sino ang tumawag sa akin.
"Oh, Anika akala ko nasa room ka na?" nakangiti kong sabi. Aakbayan ko na sana si Anika nang biglang may humablot sa buhok ko.
"Ouch!!!" Napasigaw akong nakangiwi dahil sa pagkabigla at sakit.
"Hoy!hoy! Teka nga!" nabitawan ng babae ang buhok ko nang hinablot din ni Anika ang kanyang buhok.
Galit na galit na itinulak ni Anika ang babae. Napaupo na lang ang babae sa semento, at nakita ang panty dahil sa ikli ng skirt niya, buti nga hindi sumubsub ang mukha niyang mukhang espasol sa puti, wish ko lang.
Well, may hitsura naman at balingkinitan ang katawan pero mukha siyang mananayaw sa club dahil sa iksi ng skirt niya at halos lumuha ang kanyang dibdib.
"Sino ka ba, ha?" Galit na tanong ni Anika sa babae.
"Wala kang paki-alam!" Biglang tumayo ang mukhang mananayaw at lumapit ulit sa akin. Sa totoo lang hindi talaga ako pumapatol sa mga katulad niya.
"Let me handle this," bulong ko kay Anika.
"Ano bang problema mo?" Tumaas ang boses ko habang para akong leon na nakatingin ng masama sa babae.
Biglang dumapo sa pisngi ko ang napakalakas na sampal, hindi ko ito inaasahan. Sh*t! She slapped me, yes she did! Natulala ako sa ginawa niya. Pero hindi ko pinahalata ang sakit na naramdaman ko. Mukhang nabigla din si Anika dahil hindi siya nakapag-react agad.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Novela JuvenilNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...