XANDRE'S POV
Naisigaw ko ang pangalan ni Hailey nang makita ko siyang nakaupo sa sahig habag humahagulgol. Hindi ko alam kung bakit.
Naririnig ko ang sobrang pag-iyak ni Zyla kasabay nang pag-iyak ng kanyang mama. Hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan. Nakita ko na lang na Kinuha ni yaya si Zyla. Napagtakbo ako kay Hailey.
"Baby, what's wrong?" nag-aalala kong tanong. Hinawakan ko ang kamay niya, nagulat ako nang maramdaman ko ang basang kamay niya. Tinignan ko ito.
"Sh*t!" gulat kong sigaw. May bahid ng dugo ang kamay ni Hailey. "Psssh...pssshhh..." Niyakap ko siya habang nakapikit pa rin siyang humahagulgol.
"Sorry," bigkas niya.
"Anong nangyayari dito?" Hindi ko namalayan ang pagpasok ni tita.
Binuhat ko si Hailey at pinaupo siya sa kama.
"Tita, may dugo po."
"What?!" Agad lumapit si tita kay Hailey.
Hindi pa rin huminto sa pag-iyak si Hailey.
"Anak anong nangyari, bakit ka umiiyak."
"Ma, sorry," sagot niya.
"Bakit ka ba nagso-sorry?"
Hindi sumagot si Hailey. Chineck ni tita kung saan nanggaling ang dugo.
"Oh my God, natamaan ang tahi mo."
Agad kong tinawagan si Jairus and told him to tell tita Jenny what happened. Kumuha ako ng malinis na towel para ilapat sa sugat ni Hailey.
Tumalikod na lang ako para kumuha ng tubig sa ibaba nang dahan-dahang ibinababa ni tita ang pajama ni Hailey para icheck ang sugat niya.
Pagbalik ko ay nakahiga na si Hailey. Umupo ako sa bandang uluhan niya.
"Baby, ayos ka lang ba? Masakit pa ba?" Hinimas ko ang kanyang buhok.
Umiling lang siyang nakapikit.
"Tita, papunta po sina tita Jeanny dito to check Hailey's wound."
"Thank you, Xandre."
Kinuha ni tita si Zyla kay yaya Sonia at pinaghele niya ito. Tinitignan ko si Hailey na nakapikit pa rin at hindi ko naringgan ng anuman.
Maya-maya ay dumating si Jairus kasama si tita Jeanny.
Agad nilapitan ni Tita Jeanny si Hailey dala ang medical kit. Tumayo ako para makita ni tita at malunasan ang sugat ni Hailey na nasa ibaba ng tiyan.
"Aside from this, ano pa ang masakit sayo, hija?" naririnig kong tanong ni Tita, habang nasa pintuan kami ni Jairus nakatalikod sa kanila.
"I'm okay, tita. Natamaan lang po kanina nang natumba ako," she answered.
"Anak, ano ba kasi ang ginagawa mo ba't ka natumba?" tanong ng mommy niya.
"I was trying to reach out Zyla kasi kanina pa siya umiiyak, pero nasagi ko ang upuan," dinig kong sabi ni Hailey.
"Lagyan lang natin ng gasa itong sugat mo, and just continue to take your medicines para hindi ma-infect," sabi ni tita Jenny.
"Yes, tita."
"Masakit ba 'yang mata mo bakit hindi mo imulat? Can I check it?"
Biglang humagulgol si Hailey. Bigla akong kinabahan, lumapit kami agad ni Jairus, nakaupo na siya habang umiiyak.
Binigay ni tita si Zyla kay Yaya.
"Amira, ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalala na si tita.
Subalit hagulgol lang ang sagot ni Hailey.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...