JAIRUS' POV
I am trying to forget her, pero habang araw-araw ko siyang nakikita lalo lang akong nasasaktan.
"Hey Milan, ano bang iniisip mo? Kanina ka pa tulala." puna ni Castel habang nasa sala kaming nanood ng TV. Kung tutuusin sila lang naman ni Allaine ang nanuod dahil iba ang focus ng isip ko.
"Nothing, just watch." Pilit akong ngumiti.
Castel has been very supportive, alam niya ang pinagdadaanan ko. Kung sana noon ay minahal din niya ako hindi sana ako masasaktan ng ganito.
Tumayo ako at tumuloy sa kitchen para kumuha ng mangangata. It's already eight in the evening, ayaw pa ring umuwi ni Castel. I don't knownif she's waiting for Xandre. Kita pa rin sa mga mata niya ang kakaibang pagtingin niya kay Xandre. But unlike before, she's now very cautious, she has matured.
Bumalik ako sa sala dala ang juice at Lays. Inabot ko ito kay Castel at Allaine, and sit down.
"Thanks, ang bait mo talaga." Sumandal sa akin si Castel.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Xandre. Napadaan siya sa sala na parang walang nakita, sanay naman na kami. Everytime na darating siya kapag ako o ang mama ko ang nasa sala hindi siya tumitigil. Tumingin ako kay Castel, magkasalubong ang kilay niya nang dumaan lang si Xandre.
"Kuya Dre!" sigaw ni Allaine, tumayo ito at tumakbo kay Xandre. Yumakap siya dito at hinalikan naman ni Xandre sa noo si Allaine. "Kuya tutugtog kami bukas ng ka-band mate ko sa resto nila, I'll see you there?" Paglalambing ni Allaine.
"I'll try," sabi ni Xandre na mukhang pagod na pagod.
Hindi ko maiwasang isipin kung saan sila nagpupunta ni Hailey, saan nga ba sila nagpunta? Napayuko na lang ako.
How is she? Masaya ba siya? Tila binabagabag ako ng isip ko.
Tumayo ako para kumuha ng tubig dahil parang naninikip ang dibdib ko. Pagbalik ko ay wala na si Xandre.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Castel. Tumango ako. "Kailangan ko na sigurong umuwi." Sabi niya sabay tayo, halatang dismayado kay Xandre.
Tumayo ako, "ihahatid na kita."
"Wait, akyatin ko lang saglit si Xandre."
Tumango ako. Pero paghakbang niya ay narinig namin ang mga yapak galing sa itaas, napatingin kaming pareho. Pababa ng hagdanan si Xandre.
"Hey, kumain ka na ba?" very thoughtful na tanong ni Castel.
Walang sagot galing kay Xandre. Sinalubong siya ni Castel, hinawakan niya sa braso si Xandre.
"Ang sabi ko, kumain ka na ba?" ulit ni Castel na naglalambing.
Samantalang nakaupo lang kami ni Allaine.
Pumasok sila sa kitchen.
In a few minutes, lumabas sila. May hawak na basong may tubig si Xandre habang nakangiti kay Castel. Samantalang tumatawa si Castel.
"Ihahatid mo ba ako ngayon?" Narinig kong tanong ni Castel sa kanya.
"Sa ibang araw na lang, pagod ako," seryosong sagot ni Xandre.
Bumitaw sa pagkakahawak si Castel kay Xandre. Lumapit siya sa kinauupuan ko.
"Okay lang, nandito naman ang knight in shining armour ko." Umupo siya sa tabi ko at inakbayan niya ako.
"Good!" Tanging sagot ni Xandre at nagmadaling umakyat sa kwarto.
"Are you sure, ihahatid mo ako? Kaya mo ba?"
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...