Chapter 22- Acceptance and Reaching Out

761 35 17
                                    

HAILEY'S POV

After the incident three days ago, hindi ko pa nakikita si Xandre. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil tatlong araw ding natahimik ang buhay ko nang walang koneksiyon sa kanya, hindi ko na alam kung anong nangyari sa huling gabing kasama ko siya. 

Ang tanging naalala ko ay hinalikan siya ni Lianne bago pa man ako nagblow, after that everything was blurred nagising na lang ako sa sarili kong kama katabi si Anika. Hinatid daw ako ni Jairus, nalilito ako bakit si Jairus ang naghatid sa akin. I am seeking for answers pero hinayaan ko na lamang ito baka sakaling ito nga ang magiging paraan para tuluyan na akong lubayan ni Xandre.

Three days ko na ring hindi kinikibo si mom and dad, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang ginawa nila sa akin. Most of the time, I spend my time with Jairus who has been very understanding sa pinagdadaanan ko. He never asked what had really happened three days ago, dahil ako mismo hindi ko rin alam ang nangyari ng gabing 'yon.

Paglabas ko ng kuwarto, mukha ni Abby ang una kong nakita. Nakaupo siya sa sala, may hawak na libro habang humihigop ng gatas. Umagang-umaga palang pag-aaral na ang inaatupag niya. I never bother to talk to her, I'm not ready yet. Marahil ay napansin niyang pababa ako sa attic. Bigla siyang tumayo at nakatitig lang sa akin. Dumaan lang ako na parang walang nakita, hindi ako sanay na may nadadatnan sa sala sa tuwing bumababa ako.

Pumasok ako sa kitchen para maghanap ng makakain, hindi ko namalayan nasa likuran ko lang pala si Abby.

"Ate, I can make you breakfast." nakangiti niyang sabi habang bahagya niyang inaayos ang makapal niyang salamin. 

"I'm okay, thank you." walang emosyon kong sagot sa kanya. Alam ko namang wala siyang kasalanan sa nangyari pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sakit na ginawa nina mom and dad sa akin, kaya hindi niya ako masisisi if I'm cold towards her.

Humakbang siya para kumuha ng baso, binuksan niya ang fridge and poured milk into the glass.

"I know this is your favorite," masaya niyang sabi and offered the glass of milk sa akin. Kinuha ko naman ito, hindi ko lang matiis na tanggihan siya, after all she's my sister yet hindi ko pa talaga kaya. Uminom ako ng kaunti sa binigay niyang gatas just to let her know that I'm not rejecting her.

"I got to go, thank you." maikli kong sabi sa kanya at tumalikod na ako sa kanya. Napabuntong hininga ako, hindi ko maiwasang mangilid ang mga luha sa mata ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa nina mom and dad.  Nagring ang phone ko, bigla akong nakaramdam ng paninikmura ng marinig ko ang ringtone, hindi ko pa pala napalitan ito. Sa tuwing tumutunog na lang ang phone ko ay hindi ko maiwasang maalala si Xandre.

~Why you gotta be so rude?
Don't you know I'm human too?
Why you gotta be so rude?
I'm gonna marry her anyway

~Marry that girl
Marry her anyway
Marry that girl
Yeah, no matter what you say
Marry that girl
And we'll be a family
Why you gotta be so Rude

Hinayaan ko lamang itong tumunog nang pauli-ulit at nagpasya akong sagutin na lamang ito nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Hindi ako nagsalita, hinihintay kong magsalita ang nasa kabilang linya subalit tanging buntong hininga lamang ang naririnig ko galing sa kabilang linya kaya nagdesisyon akong magsalita.

"Hello, sino 'to?" malumanay ang boses ko. Subalit hindi pa rin sumasagot ang nasa kabilang linya.

"Ano bang problema mo? Kung wala kang magawa sa buhay huwag mo akong idamay sa katarantaduhan mo! May sarili akong problema kaya pwede ba, get lost!" pasigaw kong sabi, bago ko pa i-off ang phone ay naover heard ko ang isang boses.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon