Chapter 63 Broken Pieces

19 0 0
                                    

XANDRE'S POV

Halos liparin ko ang papuntang hospital when I found out na wala siya dun. Bumaba ako agad sa kotse. Tumakbo ako kung saan nakatayo sina Anika.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, kwenelyuhan ko agad si Mang Ernest. "Bakit mo siya iniwan?" nanggigil kong tanong.

"Sir, inutusan po ako ni mam Hailey, pagbalik ko wala na siya," natatakot na sabi ng driver.

Binitiwan ko ang kwelyo niya. Isinuklay ko sa buhok ko ang dalawa kong palad.

Hindi ko alam na may check up ngayon sI Hailey.

"Boss, anong hitsura nung babaeng kasama ng babaeng bulag?" kinakabahan na ako.

"Mejo may katangkaran, mas matangkad siya sa dun sa bulag, maputi at halos magkasing-edad siguro," pagpapaliwanag ng guard.

Wala akong maisip na kakilala namin na ganun ang description.

"Saan ang direksyon nila?" tanong ko.

"May huminto pong taxi kanina, pero hindi ko na nakita kung sumakay ba sila, may emergency kasi kanina," sabi niya.

"Kasalanan ko 'to eh kung hindi na sana ako umalis," sising-sisi na sabi ni Anika.

Hindi ko na pinansin si Anika, kung dapat mang may sisihin dito ay ako 'yon. Anong klaseng boyfriend ako? Hindi ko man lang nasamahan at nagabayan si Hailey? Paano kung kinidnap siya? Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko, baka may masamang mangyari sa kanya.

I tried to call her phone, out of coverage pa rin. Mababaliw na ako, hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Hailey.

I called Jairus to help us looking for Hailey, pati na rin si Allaine. Sh*t! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Pumunta ako sa Grumpy Jo, pero hindi daw siya napadpad dun. Mahigit isang oras nang wala si Hailey.

Nasuntok ko ang manibela ko when I realized I need to go somewhere na alam kong secrer abode niya sa tuwing nalulungkot siya.

Sh*t dapat kanina ko pa ito naisip! Sigaw ko sa sarili ko. Pinatakbo ko ng mabilis ang aking kotse para puntahan si Hailey.

HAILEY'S POV

"Salamat po," nakangiti kong sabi sa babaeng tumulong sa akin para makapasok sa Japanese Garden.

"Kung gusto mo hintayin na lang kita Miss Abalos," suhestiyon niya.

Nakilala niya ako bilang anak ni Mayor Antonio Abalos nang nakatayo ako sa harap ng Japanese garden kung saan ako ibinaba ng taxi na sinakyan ko kanina, buti na lang lumapit siya dahil matagal na rin akong nakatayo lang sa harap. Alam kong pagganitong araw at oras kaunti lang ang tao dito.

"Okay na po ako dito, maya-maya ay susunduin na ako ng kaibigan ko," sabi ko. Balak kong tawagan si Anika kapag nakapagmuni-muni na ako. 

Tulayan ng nagpaalam ang babae. Mabuti na lang at may mga mabubuting tao pa.

Nang mapagtanto kong tahimik na ang paligid maliban sa naririnig kong pagbulwak ng tubig mula sa fountain. Kabisado ko ang lugar na 'to dahil dito ako pumupunta noon sa tuwing nalulungkot ako, ang kaibahan lang hindi ko na ito nakikita ngayon. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking pisngi. Pati ang paghampas ng buhok ko sa aking mukha. Naririnig ko rin ang hampas ng alon mula sa dalampasigan.

Kailangan kong mapag-isa, at ito lang ang alam kong paraan.

"Lalong lumala ang sakit sa mata mo."

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon