HAILEY'S POV
Hindi maiwasang bumabalik sa ala-ala ko ang mga sinabi ni Xandre habang titig na titig ako kay Jairus na nasa stage kung saan binibigyan siya ng Plaque of Recognition. Hindi maiwasan ng mata ko ang hanapin ang lalaking gumugulo sa isip ko ngayon, subalit hindi ko na siya nakita pa sa paligid. Nanghinayang ako sa katotohanang baka umuwi na siya. Hindi ko alam kung nagsisisi ako sa sagot ko sa kanya, dahil sigurado akong lalo ko lang ginulo ang sitwasyon.
May tumapik sa balikat ko, "Hailey, did you see Xandre?" Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan ni Xandre. Tumingin ako sa nagsalita, si Castel pala.
"Sorry, hindi ko na siya nakita," malumanay kong sagot.
"Okay, thank you. Hanapin ko lang siya," nakangiti niyang sabi. Stupid, bakit parang my tumusok nang kung anong bagay sa dibdib ko sa ngiting iyon ni Castel. May nakaraan ba silang dalawa? Tumango lang ako.
Nagsimula na akong mairita sa kinatatayuan ko, maging sa damit na suot ko. Tila nasu-suffocate na ako sa dami ng tao. Inayos ko ang bag na nakasukbit sa aking balikat, naging conscious ako sa sarili ko when somebody is staring at me. Pilit akong ngumingiti sa mga taong marahil ay na-re-recognize kung sino ako. I really hate this thing, lalo na at nakatayo lang akong naghihintay matapos si Jairus.
Narinig ko na lang ang palakpakan ng mga tao, ibig sabihin tapos na ang recognition. Nakita kong pababa na si Jairus at nagmamadaling pumunta sa kinatatayuan ko.
"Sorry, it took long." Bulong niya sa akin.
"It's okay," pilit akong ngumiti. Nakita ko namang papalapit na si Castel sa amin, sa paglalakad palang kita mo ang confidence sa sarili niya, she's very elegant sa black casual dresss niya, bumagay ang curly hair niya. Hailey, naiinsecure ka ba kay Castel? Tanong ng isip ko, bigla akong natauhan. I'm not insecure, yes she's different pero wala akong dapat ika-insecure. In the first place it's not my type of style, I have my own way, so I better be comfortable than wearing those things na hindi ako at ease.
"Hi guys, I've been looking for Xandre, pero mukhang umuwi na 'yong lokong 'yon. He never changed talaga." Nakapamewang na sabi ni Castel.
Natense ako nang bigla akong tinitigan ni Jairus, bigla kong iniwas ang tingin ko. Itinatatwa na naman ako ng mga mata ko, hindi ko kayang magkunwari sa mga mata ni Jairus. Hindi pa rin sumasagot si Jairus halatang uncomfortable siya sa presence ni Castel. Bigla siyang hinawakan ni Castel sa braso.
"By the way, Jairus you have to meet this friend of mine, sigurado akong matutulungan ka niya sa paintings mo," masaya niyang sabi.
Tumingin si Jairus sa akin as if asking me if it's okay. Alangan namang sabihin kong hindi. Pinilit ko na namang ngumiti.
"Next time na lang," sagot niya kay Castel.
"No, hindi mo dapat palagpasin ang opportunity. Marami siyang kilala abroad, she can help you." Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa braso ni Jairus, I'm starting to be irritated.
"Hailey, hiramin ko muna ang bestfriend ko ha," nakangiti niyang sabi, at hinila na niya si Jairus. Wala na ring nagawa pa si Jairus, tumingin siya sa akin na parang nag-aalala.
Pagtalikod nila, tinignan ko na lang ang iba pang paintings, most of them ay may nakalagay na "Heartless", ito marahil ang pseudonym ni Jairus. I admire his paintings. Napatitig ako sa isa niyang painting. It's a painting of two person, a guy and a lady, nakatalikod sila, they were facing the beach habang nakaupo ang lalaki samantalang nakatayo ang babae sa likuran ng lalaki na nakahawak sa shoulder nito. Papalubog ang araw, hindi ko maiwasang humanga sa painting na ito, nagulat ako nang mabasa ko ulit ang "Heartless". It's Jairus' painting, bakit nga ba Heartless? Hanggang ngayon hindi ko pa natatanong sa kanya ang dahilan. Tumingin uli ako sa paintings, bakit ganito kalungkot ang painting na ito?
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...