Chapter 17- Unedited Note

815 42 37
                                    

Previous from Unwanted...

"You need to see a doctor, Hailey." Pagpupumilit ko.

Dahan dahan siyang umupo habang inaalalayan ko siya. "No need, maya-maya mawawala na rin itong hilo ko, ayoko talaga ng madilim at masikip na lugar kaya siguro ako nahilo, I'm sorry." Sabi niya.

Hinawakan ko ulit ang kamay niya, "I'm sorry, Hailey. Hindi ko alam."Hinawakan ko ang mukha niya at isinandal sa balikat ko, hindi naman siya pumiglas.

"Hailey, are you sure you're okay?" Nag-aalala pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Dahan dahan kong hinimas ang kanyang mukha at bigla niyang inilayo agad ang kanyang mukha sa balikat ko.

"What's wrong?" malumanay kong tanong sa kanya. Umiling lang siya bilang sagot sa tanong ko. Napatingin siya sa labas ng bintana habang hinahangin ang kanyang buhok.

"Ihatid mo na lang ako sa bahay," mahina niyang sabi.

Napakamot ako ng ulo, "Pare, sa bahay ng mga Abalos tayo," sabi ko kay Nathan.

"Okay," sagot naman ni Nathan na nakafocus sa pagda-drive.

Pagtapat namin sa bahay ay agad akong bumaba para buksan ang pintuan ni Hailey. Bababa na sana siya nang bigla ko siyang binuhat. Halata sa kanya ang pagkagulat dahil napakapit siya ng mahigpit sa leeg ko.

"Xandre, ano ba ibaba mo nga ako," pakiusap niya sa akin.

"Hailey, baka mapano ka pa, baka bigla kang mahilo ulit." Seryoso kong sabi.

"I'm okay, put me down," nagpipigil niyang sabi. Hindi ko siya sinagot at hindi ko rin siya binaba hanggang makapasok kami sa loob ng mala- palasyo nilang bahay.

"I said, put me down!" Hindi niya napigilang sumigaw. Nagpupumiglas na siya sa pagakakabuhat ko sa kanya.

Huminto ako at tumingin sa kanya, "Kanina lang hindi ka tumanggi nang halikan kita, para ngang gustong-gusto mo, pero ngayon daig mo pa ang niri-rape." Bulong ko sa kanya habang nakangisi ako. Hindi ko maiwasan ang matuwa sa tuwing nakikita ko siyang nakasimangot.

Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi, "see, you're blushing," natatawa kong sabi. Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa akin ng masakit.

Inilapit ko ng bahagya ang aking mukha sa mukha niya, "O baka naman gusto mo ng isa pa?" Nakangiti kong sabi, lalo niya akong tinitigan ng masakit.

"Ibaba mo ako kung ayaw mong..." bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay narinig kong sumigaw si Anika.

"Hailey! Anong nangyari sa'yo?!" Gulat na tanong ni Anika. Pinilit ni Hailey na humarap sa kanya.

"Hoy, ikaw! Anong ginawa mo sa bestfriend ko?!" Pinukpok niya ang balikat ko.

"Ouch!" Napasigaw siya marahil ay nasaktan ang kamay niya sa pagpukpok sa akin.

"Bago ka ngumawa diyan pwede bang ituro mo na lang ang kuwarto ni Hailey," nang-iinis kong sabi kay Anika.

"No way! Ibaba mo na ako dito!" Sigaw na naman ni Hailey.

"Ano ba ang nangyari sa kanya?" Medyo huminahon ang boses ni Anika, sabay lakad niya papunta sa kuwarto ni Hailey.

"Ano ba Bess, tulungan mo naman akong makababa sa maniac na 'to," pagmamakaawa ni Hailey kay Anika habang ginagalaw-galaw niya ang kanyang paa.

"Anong sabi mo!?" Nagkuwari kong itinaas ang boses ko at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Hindi siya sumagot bagkus ay inirapan niya ako, ngumisi na lang ako.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon