HAILEY'S POV
"Dad, please give him another chance," umiiyak kong sabi kay dad.
"Are you crazy? I will not risk you sa lalaking iresponsable!"
"I love him dad, siya ang ama ng magiging anak ko. He deserves to know."
My dad is different now, hindi na siya 'yong dating madaling makinig sa mga sinasabi, na kapag nilambing mo siya pakikinggan ka niya. He's too firm sa kanyang decisions.
"Darling, you can't blame us. Ilang beses ka na niyang sinaktan. Infact, nilagay ka niya sa kahihiyan," mom said.
"Can't you give him another chance?" malungkot kong tanong.
Gusto kong pakinggan nila ako, gustk kong pagbigyan nila ako for the sake of my baby.
"For the sake of my baby?" Umiiyak na naman ako.
Paano ako lalaban kung sa mismo ang magiging hadlang sa amin ni Xandre, I love them, but I also love Xandre, the father of my unborn child.
"Hailey, nakapagdecide na ako, ilalayo kita sa lalaking 'yon!" sigaw ni dad na ikinabigla ko.
Napatayo ako sa kinauupuan kong kama.
"What did you say?" mahinahon kong tanong, kahit pa narinig ng malinaw ang kanyang sinabi.
Hindi siya sumagot.
"Ilalayo mo ako kay Xandre, ilalayo mo kami ng magiging anak ko kay Xandre?" Hindi ko alam kung anong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nagagalit ako sa kanila, nalulungkot ako dahil sa mga nangyayari at natatakot ako sa pwede pang mangyari.
Tumayo si dad mula sa upuan sa aking kwarto.
"Dad! You can't do this!"
"It's final, Hailey. Pinaayos ko na lahat ng papeles natin papuntang Canada."
"No! Ayokong pumunta sa Canada!" I'm hysterical now.
Tumalikod si dad nang hindi nagsalita.
"Bakit ikaw dad, kahit na niloko mo si mom, she still gave you second chance."
Napahinto si dad.
"Stop it, Hailey," mahinahon na sabi ni mom.
"Hindi ba dad?! Niloko mo si mom, pero tinalikuran ka ba niya?! Hindi 'di ba, nagpakatanga siya dahil mahal ka niya, kahit sinaktan mo siya, kahit kahihiyan sa kanya na niloko mo siya! Now tell me, who doesn't deserve second chance? Everybody deserve second chance, and Xandre deserves it!"
Humarap sa akin si dad.
"Just listen to us, we know what is right for you."
"Hindi na ako bata, dad. Hindi niyo ako mapipigilan sa gusto ko, hindi ako sasama sa inyo!"
"Don't try me, Hailey. Mamili ka, ipapakulong ko si Xandre or you will go with us sa Canada and forget everything about him. You know what I'm capable of doing. I'm serious," nagbabanta si dad.
Alam ko kung ano ang pwede niyang gawin. Ayokong masaktan si Xandre, ayokong mahirapan siya, ayoko siyang makulong.
Nanlupaypay ako sa tinuran ni dad, I know his serious. I cried in surrender.
Papaano ko malalagpasan ito?
"Anton!" sigaw ni mom.
Nakita ko si dad, hawak niya ang kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Agad tumakbo si mom papunta kay dad.
"Anton, are you okay?"
Hindi sumagot si dad bagkus hawak pa rin niya nag kanyang dibdib na naninikip. Napatayo ako.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...