Chapter 39- A Change of Heart

317 18 8
                                    


JAIRUS' POV

Alam kong maaring ito na ang huling pag-uusap namin ng personal ni Hailey, I can't blame her bakit ganun na lang ang pagmamahal niya kay Xandre. Bakit sa dinami-daming pwedeng mahalin ay ang kapatid ko pa. She has changed alot, hindi na siya ang Hailey na soft spoken na kilala ko. Pero kahit ano pang pagbabago ang nakikita ko, siya pa rin ang babaeng minamahal ko hanggang ngayon.

"I have my own reasons kung bakit," sagot ko kay Hailey.

Nakatitig lang siya sa pisara, ayokong magtagpo ang aming tingin dahil baka hindi ko kayang hindi siya hagkan kahit man lang sa huling pagkakataon.

"Saan ka pupunta?"

"Hailey, I'm sorry but I can't tell you."

Kung may tao man na ayokong pagsinungalingan ay si Hailey 'yon, subalit kailangan kong itago ang emosyon na nararamdaman ko. Yumuko na lamang siya

Hinawakan ko ang kamay niya, "Hailey, wala kang kasalanan. Just promise me kahit nasaan man ako, ako ang una mong tatawagan kapag nagkaproblema kayo ni Xandre, kapag kailangan mo ng isang kaibigang handang makinig sa'yo."

Tumango siya ng dalawang beses bilang tugon sa sinabi ko.

Masakit man ang katotohanan,unti-unti ko nang natatanggap ito. 

"Jairus, maraming salamat sa pang-unawa mo. Ano man ang dahilan mo sa pag-alis sana tama ang desisyon mo, at maging masaya ka. Ang tanging hiling ko lang na sana dumatint ang panahon na maging maayos na kayo ni Xandre."

Kailangan ko siyang unawain, ayoko nang makadagdag pa ako sa kanyang iniisip, alam ko na isang mabuting kaibigan si Hailey, ito na lamang ang panghahawakan ko.

For the last time, kahit ngayon lang gusto ko siyang hagkan. "Pwede ba kitang yakapin?" Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko. Dahan-dahan kong iniyakap sa kanya ang kamay ko, naramdaman ko rin ang pag-akap ng kamay niya sa likod ko. I still love you, Hailey. Ito ang mga kataga na gusto kong sabihin sa kanya, subalit hindi na maari.

"Please take care of your self," ito na lamang ang mga nakayanan kong bigkasin. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang ulo.

"Ingat ka din." sabi niya.

Masakit sa dibdib subalit kakayanin ko para kay Hailey.

Napatingin akong bigla sa may pintuan na parang may naaninag akong tao sa tapat ng pintuan, nakita kong yumuko ang isang pamilyar na tao at umalis na ito. Bagama't hindi ko inaasahan ang pag-alis niya ay nagpasalamat ako sa isip na hindi siya lumapit sa amin. Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Hailey. Tumayo ako at nagtungo sa aking bag para kunin ang isang brown envelope at iniabot ito kay Hailey.

"Buksan mo 'to kapag wala na ako," sabi ko sa kanya. May pagtataka sa kanyang mga mata.

"I will," maikling sagot niya.

"I have to go."

Kailangan ko nang magpa-alam dahil kapag nanatili pa ako sa tabi ni Hailey baka hindi ko na kayanin ang umalis pa. Tumalikod na ako sa kanya.

"Jairus," mahinang tawag ni Hailey.

Ang lakas ng kabog nitong dibdib ko. Huminto ako subalit hindi na ako tumingin sa kanya. Narinig ko na lang ang munting tunog sa paggalaw ng upuan, marahil ay tumayo siya.

"Maraming salamat sa iyong pang-unawa." Mahina pa rin ang kanyang tinig. Tumango na lang ako at patuloy ng umalis.

HAILEY'S POV

Mabigat man ang kalooban ko sa pag-alis ni Jairus, alam kong 'yon ang makabubuti para sa kanya. Pinaasa ko siya noon, sinaktan subalit sadyang napakabuti niya, sana nga sa lugar na kanyang pupuntahan ay mahanap niya ang tunay niyang pag-ibig.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon