Chapter 9- Inner Thoughts (Two sides)

831 53 23
                                    

Nabigla ako nang makita kong nakatayo si Mr. President sa gilid ng kotse ko. Nagkatinginan kami ni Anika at Jared.

"Miss Abalos, can we talk?" Seryoso ang mukha ng presidente.

"Please come at my office," patuloy niyang sabi na pormal na pormal.

"Yes sir," magalang kong sabi. Pagkasabi ko nito ay tumalikod na ang presidente.

Napatingin ako kay Anika na halatang may pag-aalala sa mukha.

"Bess, samahan na kita," hinawakan niya ang balikat ko.

"Hailey, whatever will be your decision nasa likod mo lang kami." Sabi naman ni Jared.

"Thank you, ha. Mauna na lang kayo at pupunta pa ako sa office ng Presidente." Ngumiti ako nang mapagkunwari.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Anika. Tumango lang ako.

"I'll go ahead." Mahina kong sabi at umalis na ako.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mailang, nakatingin halos lahat ang mga matang nasisilayan ako. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na maglakad nang nakatingin ng diretso sa daanan subalit hindi ko magawa. Ang dating Hailey na naglalakad ng naka-chin up ay hindi makatingin ng diretso. Hailey, cheer up! Don't mind them. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko, hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng office ni Mr. President. Kakatok sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Please come in," nakatayo ang President na may dignidad. Pumasok naman ako. Lumaki ang mga mata ko nang makita ko si Xandre nakaupo sa harapan ng table ng dad niya. Kanina nakita ko lang  siya sa may clinic bakit nandito na naman siya? Hindi ko siya pinansin, nakatayo lang ako sa may malapit sa pinto, hinihintay ko ang dad niyang bumalik sa lamesa.

"I'll come back in five minutes," lalo naman akong nailang. Hindi na ako nakaimik. Nang makaalis ang dad niya ay tumalikod ako para buksan ang pintuan.

"Hailey, you don't have to leave, hindi naman kita ihaha-harass and may I remind you, na hindi na mauulit ang nangyari. I don't have plans to." Maangas na sabi niya habang nakadekwatro pa.

"Oh really? Over my dead body, kahit kuko ng daliri ko hindi mo mahahawakan, I swear!" Naiinis kong sigaw sa kanya. Ang yabang kasi, nakakainis. "And may I remind you, nagkamali ka ng binangga mo!" Sabay talikod ko.

Ihahakbang ko palang ang paa ko, "I told you to stop this nonsense." Hindi ko man nakikita ang reaction niya sigurado akong nakasmirked ang mayabang na ito sa pagkakasabi niya.

Humarap ako sa kanya na punong-puno ng galit. "Are you asking me to stop? Who do you think you are, presidente?Diyos? Na kayang gawin ang lahat ng bagay, daig mo pa nga ang demonyo sa ginawa mo sa akin." Naiiyak na ako sa mga sinasabi ko, dahil nanariwa ulit ang ginawa niya sa akin. "Then you are telling me to stop, I'll stop if you go to hell!" Tumalikod ako ulit at binuksan ang pinto. Hindi ko na kayang kasama ang mayabang na lalaking 'yon.

Dumiretso na ako sa kotse at hindi na hinintay pa ang presidente. Pagdating ko ay nasa kotse pa rin si Jared and Anika. Hindi na ako nagpahalata na naiinis ulit ako. Idinaan namin si Jared sa bahay nila samantalang sa bahay natulog si Anika.

PAGKGISING ko sa umaga ay nagkunwari akong masakit ang ulo ko at hindi na ako papasok.

"Bess, sigurado ka bang hindi ka papasok? Dati naman kahit masakit ang ulo mo ayaw mong mag-absent." Nagtatakang sabi ni Anika.

"Iba 'to Bess hindi ko talaga kayang pumasok." Pagkukunwari ko, hinawakan ko ang ulo ko na kunwaring sumasakit na naman, niyakap ko ang mickey mouse kong unan at tumalikod ako kay Anika.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon