Chapter 21- Catch Me I'm Falling

605 35 16
                                    

Previous from unwanted...

"No-no we're not leaving, nag-ienjoy pa ako! L-let'shave truth or dare," sabi niya, samantalang nakaalalay pa rin si Xandre sa kanya.

"No way, let's go!" Hindi na napigilan ni Xandre ang sumigaw. Biglag tumahimik si Hailey.

"Bakit hindi niyo sa pagbigyan?" napatingin kami lahat sa likuran ng marinig namin ang isang pamilyar na boses. Nakataas ang isang kilay ni Lianne, habang nakatingin ng masakit kay Hailey.

~~~

XANDRE'S POV

Napatingin ako sa likuran nang marinig ko ang boses ni Lianne. Shit! Hindi ko inaasahan na susundan niya ako. We just broke up kanina before Lexie called me. I don't expect na pumayag siya. All these times alam kong 'just for fun' lang kung ano ang meron kami. She can date anyone, and so do I.

Nakita ko ang napakasakit na titig niya kay Hailey. Nakahawak pa rin ako sa beywang ni Hailey para alalayan siya.

"Oh, nagulat ka ba, hon?" nakakaloko niyang sabi. 

Lumapit siya sa akin at sabay halik sa lips ko habang titig na titig pa rin siya kay Hailey. Hindi ako makapalag, ayokong gumawa ng eksena, dahil sa ngayon mas concern ko si Hailey.

Lumapit si Lexie para ilayo si Hailey sa amin, parang walang pakialam si Hailey sa pagdating ni Lianne.

"I heard, Hailey wants to play truth or dare," nakakalokong sabi ni Lianne. Iniyakap niya ang kanyang kamay sa leeg ko at bumulong, "Natatakot ka ba sa pwedeng mangyari, Mr. Fernandez? Alam mo ang kaya kong gawin. So, it's really her kaya ka nakipaghiwalay?" nanlilisik ang mga mata niya.

"Stop this Lianne," galit kong bulong sa kanya. Humakbang ako palayo kay Lianne.

"Ang tagal niyo namang mag-usap!" sigaw ni Hailey, umipekto na ang alak sa kanya at unti-unti na siyang hindi nagiging aware sa ginagawa niya.

What happened to her, bakit nagkakaganito siya? Hindi ko mapigilang magtaka at mag-alala. I've never seen her like this, there must be wrong.

Umupo si Hailey at tumabi kay Nathan, shit! bakit kay Nathan pa siya tumabi, knowing Nathan? Wala na kaming nagawa kung hindi ang umupo na lang din. Tinitigan ko si Hailey na tila winawarningan ko siya, walang emosyon na iginalaw ang kamay sa hangin.

"Stop staring at me jerk!" sigaw niya na ikinangiti naman ni Nathan.

Kinuha ni Lianne ang isang empty bottle at sinimulang paikutin ito.

Suddenly, I was hoping na huwag sanang maituro ng bote si Hailey. Tumapat ang bote kay Tyron, napahinga ako ng malalim na parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Shit! Hindi ko alam bakit ganito na lang ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag.

Sumayaw ng parang baliw si Tyron sa gitna namin, sumigaw si Nathan na sadyang sumandal ng bahagya kay Hailey na tuwang-tuwa ring pinapanood si Tyron. Tumayo si Anne at hinubad niya ang pantaas ni Tyron, lalo silang nagsigawan, hindi ko makuhang sumigaw dahil nakabantay ako kay Hailey na baka kung ano na lang ang gawin ni Nathan. Tinitigan ko nang masakit si Nathan, nakahalata siya at bahagya siyang lumayo kay Hailey.

Natapos na sa dare si Tyron, tinitigan ako ni Lianne sabay paikot ng bote. Halos lahat kami nakatingin sa umiikot na bote, bigla akong hindi mapakali nang tumapat ang bote kay Lianne. Nakita kong tumitig pa siya kay Nathan.

"Truth or dare?" sigaw ni Nathan.

"Dare!" Nakakalokong sigaw ni Lianne, bago pa nagbigay ng dare si Nathan ay sumandal sa akin si Lianne. I know Nathan, shit! Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Napatingin ako kay Hailey na tahimik din habang hinihintay ang dare ni Nathan kay Lianne.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon