Chapter 52 Promise of Love

27 2 0
                                    

XANDRE'S POV

Kung kailangan kong paliparin 'tong kotse ko para lang makita ko agad si Hailey ay gagawin ko. I can't contain the loneliness anymore.

"Kuya baka kailangan ng time ni Ate Hailey." Naalala kong sabi ni Hailey bago ako umalis ng bahay.

"Dre, give her time. I know she will come back to you." Jairus texted me yesterday.

Everything is getting smooth, lahat ng nawasak na relasyon ng nakaraan ay unti-unting nabubuo, ang mga sugat ay unti-unti nagagamot, ang sakit ay unti-unting napapawi. Isa na lang ang kukumpleto sa lahat, ang kukumpleto sa buhay ko ngayon 'yon ay ang mapatawad ako ni Hailey at matanggap ako ng pamilya niya.

"If you really love her fight for her, but if she asks for time and space, respect her decision. Every wound heals if you give the right medicine. Go son, show her your love is the medicine." Makahulugang sabi ni mom, habang nagpaalam ako sa kanyang hahanapin ko si Hailey.

Finally, narating ko na rin ang address which was texted by the secret investigator I hired. Kahit gastusin ko lahat ng savings ko makita ko lang si Hailey.

Bigla akong kinabahan ng nasa tapat na ako ng bahay, sana nga tama ang information na binigay sa akin, dahil kung hindi, baka kung ano pa ang gawin ko sa binayaran kong lalaki para lang hanapin si Hailey.

Napakataas na gate ang nagsisilbing takip ng kung anong klaseng bahay ang meron sa loob. Dahan-dahan akong lumapit sa gate, lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko. Luminga-linga ako sa paligid, may isang nakakabit na cctv dulo ng gate. Hinipo ko ang aking batok, at huminga ng malalim bago ko pindutin ang door bell.

Please, get out Hailey. Umaasa akong siya mismo ang lalabas.

Pangalawang doorbell subalit wala pa ring nagbubukas ng gate. Nang muli kong pindutin ang door bell ay bahagyang bumukas ang pintuan ng gate.

Sumilip ang medyo may edad na babae.

Habang nakalabas ang ulo sa maliit na pintuan ng gate, "sino sila?" tanong niya sa akin.

Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas ng tuluyan ang gate.

"Sino ba yan?" tanong ng isa pang matandang babae na pamilyar ang boses.

Nagulat si Aling Leona nang makita niya ako.

"Aling Leona!" nabigla kong sabi.

Akma niyang isasara ang gate pero napigilan ko silang dalawa ng matanda.

"Parang awa niyo na Aling Leona, kailangan kong makausap si Hailey," pagmamakaawa ko sa matanda.

"Wala dito si senyorita Hailey."

Alam kong nagsisinungaling siya. Sabi ng puso ko nandito daw ang babaeng pinakamamahal ko.

"Parang awa niyo na." Kahit kanino pa ako magmakaawa basta makita at makausap ko lang siya.

"Sir, Xandre umalis na po kayo."

"Kailangan ko pong makausap si Hailey."

"Sorry pero hindi po kayo pwedeng pumasok."

Wala akong magawa kundi ang sapilitang pumasok para makita ko si Hailey.

"Patawarin niyo po ako pero kailangan kong gawin 'to," paumanhin ko sa dalawang matanda at agad-agad akong pumasok mula sa gate.

"Sir! Umalis na kayo!" sigaw ni Aling Leona.

Hindi ako magpapapigil kahit anong gawin nila.

"Sir, malalagot kami kay Sir Anton, kaya please lang lumabas na kayo," pakiusap nila habang sinunsundan nila ako.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon