XANDRE'S POV
"Hi, baby!" I smiled.
Tumayo si Hailey mula sa pagkakaupo sa harap ng laptop. She held her tummy habang nakaharap siya sa akin.
"Lumalaki na si baby. Ilang buwan na lang, masisilayan na natin siya." Napakaaliwalas ng mukha niya.
One month na rin ang lumipas nang umalis si Hailey kasama ng family niya sa Canada. Walang araw na hindi ko siya na miss, I always make to a point na palagi ko siyang nakikita at naririnig ang boses niya everyday.
"Baby, bukas malalaman na natin ang gender niya," she said smiling.
"Sabi nila 'pag lumaki daw ang ilong mo, lalaki," nagbibiro kong sabi.
"Bakit malaki ba ang ilong ko?" natatawang tanong ni Hailey.
"Hindi lang ilong baby, pati mukha mo." Sabay tawa ko ng malakas.
"Ang sama mo, ha."
"Maganda ka pa rin kahit malaki ang ilong mo," nakatitig ako sa kanya habang sinasabi ko ang mga salitang ito.
"Tse!" Inirapan niya ako.
"I'm serious!" I shouted and laughed.
"Tigilan mo ako, ang sarap mong kurutin," nanggigil niyang sabi.
"Ang sarap mong halikan, 'yang mga mala strawberry mong labi miss na miss ko na 'yan."
"I miss you too." she said smiling.
Biglang lumungkot ang mukha niya.
"Hey, bawal 'yang mukhang 'yan baka maging busangot si baby." I'm trying to cheer her up.
Suddenly, nakita ko ang mga luha sa mata niya. Hindi ko maiwasang malungkot, my heart is crying but I have to be strong for her.
"Kaw kasi eh, sobrang miss na kita."
"Gusto mong pumunta ako diyan? I will talk to your dad."
"No, huwag muna."
Gustong gusto ko siyab ng puntahan subalit naiintindihan ko siya. Hindi pa rin maayos ang lahat, I never heard anything from her dad since the day they left for Canada.
Sa ngayon ayoko munang, suwayin ang kanilang kagustuhan, I'm thinking of Hailey and and my child.
Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
"I'm sorry," sabi niya.
"Psssh...Don't be sorry."
"Kaya natin 'di ba? We'll wait until everything fall into place."
"Yes...kakayananin natin."
"I love you." Ang kaninang malungkot niyang mata ay napalitan ng kinang.
"I love you. Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko," I said with all my heart.
Kung pwede ko lang siyang yakapin at halikan ngayon ay gagawin ko. Love waits.
Matapos kong makipag-usap kay Hailey ay nagtungo ako sa Review Center for Architects Examination.
I promised myself na ipapasa ko ito. Kaya sa ngayon bisita lang muna ako and sometimes nakiki-seat-in sa review. I'm willing to do everything para makuha ko si Hailey at ang magiging anak namin, until such time I can prove to her dad that I'm worth it for her daughter.
"Hi, Xandre!" bati ng isa sa mga babaeng nagrereview dito.
I looked at her, hindi ko maiwasang ngumiti bigla kong naalala si Hailey sa ngiti niya may resemblance sila.
She sat beside me.
BINABASA MO ANG
Unwanted First Kiss (Completed-Editing)
Teen FictionNang dahil lang sa hindi niya inaasahang unang halik ay magbabago ang takbo ng mundo ni Hailey. Kung napigilan lang niya ang pangyayaring ito tiyak na hindi magugulo ang tahimik niyang buhay bilang isang estudyante, bilang isang anak ng kilalang pam...