Chapter 2- Small World

1.3K 80 49
                                    

NAGTUNGO kami agad sa Ladies Section. Hay, naku buti na lang talaga kaunti ang tao.

Pumili ako ng casual dress, I don't wanna waste time sa ganitong activity lang. Tinaas ko ang dress na napili ko para ipakita ito kay Anika. An elegant black and white laced above knee level dress. Well, I think this is fine, atleast not revealing.

Nag-approved look si Anika na tuwang-tuwang iwinagayway ang kulay pink dress na nasa kanyang kamay. A simple sleeveless pink dress yet elegant. Actually pareho kami ng taste ayaw namin yong mga revealing na dresses.

Wala naman talaga akong planong sumama sa party na 'to eh, mapilit lang sina daddy and mommy, kesyo party daw ng padreno ni dad. Alam naman nilang ayaw na ayaw kong makipagsosyalan. Pare-pareho lang naman makikita mo, mga mayayaman na punong-puno ng kayabangan sa katawan.

Papunta kami sa may fitting room ni Anika nang may nakita akong monster, may kasamang babae. Iiwas na sana ako sa dadaanan nila nang mapatingin si Anika sa kanila.

"Oh sh*t! Look who's here?" Nagmadali siyang pumunta sa gawi ng monster.

Hinihila ko siya, pero sadyang napakalakas niya at nagawa pa rin niyang makalapit sa kanila, hinila niya sa braso si Monster, sa totoo lang ayokong banggitin ang pangalan niya, nag-iinit ang ulo ko.

Hindi ko inaasahan ang ginawang pagsampal ni Anika kay Xandre.

Naitulak ni Xandre si Anika ng bahadya sa balikat,  "F*ck! Who the hell are you!" napasigaw si Xandre.

Umayos ng tayo si Anika, hinarap niya si Xandre, "Hoy, Mr. Xandre Zyrus Fernandez, kaibigan ko lang naman 'yong binastos mo!" sigaw din ni Anika. Nakapamewang siya.

Tumingin ako sa paligid, I'm looking for my mom, wala siya sa abot ng paningin ko. Nakatingin ang ibang sales lady sa amin na tila nagtatanong kung anong nangyayari.

"Bakit kayong mga babae ang hilig niyong manampal? O baka naman gusto mo rin ng halik?!" nakasmirk niyang sinabi sa bestfriend ko. Bastos talaga 'tong mayabang na 'to.

"Hoy! Piliin mo ang babanggain mo, hindi mo ba alam na..." tinakpan ko agad ang bibig ni Anika, dahil sigurado ako sa gusto niyang sabihin.

"I don't care," sigaw ng monster. Nakatunganga lang ang babaeng kasama niya na sa pakiwari ko ay mas bata to kay Xandre.

Magrere-act pa sana si Anika pero naunahan ko siya.

"You arrogant jerk! Go to hell!" Iwinasiwas ko sa kanya ang dala kong damit.

Kitang-kita ko ang reaction ng monster, umaapoy ang kanyang mga mata sa galit. Hinila ko na lang si Anika papalayo sa kanila. May humawak sa braso ko.

"How dare you, don't touch me!" sumigaw ako sa pag-aakalang si Xandre 'yon, pero nagkamali ako. Nagkatinginan kami ni Anika, hindi si Xandre ang nakahawak sa braso ko.

"Hailey, are you okay? May maitutulong ba ako?" he said.

"Jairus!" napalakas ang tawag ko sa pangalan niya.

Tumingin siya sa kinaroronan ni Xandre na nakatingin din sa amin. Hahakbang sana papalapit sa amin ang babaeng kasama niya subalit pinigilan siya ni Xandre. Nakasimangot nag babae sa ginawa ni Xandre. Inakbayan niya ang girl na marahil girlfriend niya, I don't care! Sigaw ko sa sarili ko.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Jairus.

Jairus is one of my classmates sa Architecture. I do not associate with my classmates kaya hindi ko sila masyadong kilala. Siya ang palaging una kong nakikita sa room, kung may award ngang most punctual sigurado akong sa kanya mapupunta. Isa pa hindi rin siya nakikipag-usap masyado sa mga classmates namin. Mangilan-ngilan din lang ang girl classmates ko, I don't really feel na maging close sa kanila. Paminsan-minsan ko lang nakakausap si Jairus kaya naman I was not expecting na lalapit siya and show he's concern.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon