Chapter 73 Igniting the Fire

64 2 1
                                    

Xandre's POV

"Oh, look who's here?" Agad kong tumingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.

Of all people bakit siya pa ang makikita ko.

"Hey, Lianne," sabi kong walang emosyon. Lumapit siya ng bahagya.

"Aren't you happy seeing your old friend? Oh wait, your ex-girlfriend pala," nakakalokong sabi niya. Kung kanina medyo magkalayo pa kami ngayon she is now sitting beside me.

"Oh, oh. Small world!" Palapit sa amin ang nagsalitang lalaki.

"Come on, Jake. We live in the same world." Sabay tawa ni Lianne.

Biglang nag-init ang mukha ko, ramdam ko ang pagtaas ng dugo sa aking ulo. Ininom ko ang alak na kanina ko pa hawak when Lianne came.

Tumayo si Lianne at sinalubong ang kasamang lalaki ni Jake. Hinalikan niya ang lalaki. Sa dami ng bar, bakit dito pa ako napadpad? I don't mind seeing them, but knowing these people, but I have to save any words or any emotions, they don't deserve any of these.

"Remember him? My Ex? Mr-Xandre-Zyrus-Fernandez-the-ultimate-playboy!" Humalakhak si Lianne. She's drank. Nagsmirk ang lalaking kausap ni Lianne.

Shit! Ayokong patulan ang mga ito. Ramdam ko na rin ang epekto ng alak,  matagal tagal din akong hindi uminom ng ganito. Gusto ko lang magpalipas ng sama ng loob. Hailey doesn't want to talk to me, dahil ang buong akala niya ay kinakampihan ko si Castel.

Hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Lianne. I get my phone and try to call Hailey but she's not picking up the phone.

Umupo si Jake sa harapan ko sharing the same table. Habang nakikita ko ang pagmumukha ng lalaking ito lalo ko siyang gustong patayin, I remember what he did to Hailey. Tumayo ako.

"How's Hailey and your lovely daughter?" He ask in sarcasm.

Hindi ako sumagot. Inihakbang ko ang aking paa para lumayo sa kanila. Hindi ako natatakot sa kanya, I just respect myself na wala siya. Subalit nakaharang sa dadaanan ko ang lalaking kasama nila.

"Ano kaya ang naramdaman mo nang nawala panandalian 'yong pinakamamahal mong anak?" Nagpanting ang tenga ko sa tanong ni Jake. No one knows maliban sa family and friends namin ang nakakaalam nito. Imbes na sumagot sa tanong niya ay tumingin ako ng masakit sa lalaking nakaharang sa akin. Hinila ni Lianne ang lalaki.

Medyo lumalabo na ang tingin ko dahil na rin sa kalasingan. Narinig ko ang pagtawa ni Jake na siyang dahilan para balikan ko siya at sinuntok siya sa mukha. Hindi ako nakontento sa isang suntok lang, hinila ko siya patayo at itinulak, natumba sya sa lamesa dahilan ng pagkakahulog ng mga bote.

"Gago! Don't try me! F*ck!" nangangalit kong sigaw sa kanya.

Lianne is trying to block me from pulling Jake pero naunahan ako ng kasama ni Lianne, naramdaman ko ang kamaong dumapo sa kanang panga ko.

Agad ko ring sinunggaban ang lalaki.

"Stop it!" sigaw ni Lianne.

Nagsigawan na ang mga babae. Nakita kong may sumuntok sa lalaking kasama ni Lianne. Palapit naman si Jake sa akin para sunggaban ako pero naunahan ko siya. Ilang beses ko pang sinuntok si Jake habang sinisuntok naman ng isang lalaki ang kasama ni Jake.

"Call the guards, please!" sigaw pa rin ni Lianne.

Marami na ang umaawat sa amin. Makailang beses nang pumipito ang guard. Wala akong gustong gawin ngayong kundi ang pulbusin ng suntok ang mukha ni Jake. Hangga't may humila sa akin sanhi ng paghinto ko sa pagsuntok sa kanya.

Unwanted First Kiss (Completed-Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon